HBV 8: College Days

1.9K 78 23
                                    

9 years ago...

Joanna

Panibagong araw, panibagong kalokohan nanaman.

Napaka-boring talaga, sayang lang at wala si Liam ngayon dahil tinawag sa office ng dean para sa scholarship.

Bakit gano'n? Ang talino niya kaso 'di halata.

Busy ako sa pag mumuni-muni sa paligid dahil wala pa ang prof. 'Yung iba ko namang classmate kanya kanyang buhay. Kung bakit ba kasi ang aga ng klase tapos vacant na three hours naman ang susunod, makapagwattpad nga muna.

Ilang minuto na ang lumipas at dalang dala ako sa daloy ng kwento ni author Daxielle22, ito na eh kakilig! Itinabi ko muna ang cellphone ko at panandaliang natulala habang nakangiti sa kawalan. Paano kaya pag nagka-jowa rin ako?

Tuwang tuwa ako sa mga naiisip ko habang nakatingin sa pader kaso bigla itong naantala dahil may naulingan akong pangit na boses.

"Nananaginip nang gising, nakatulala sa hangin."

Agad akong lumingon sa aking kaliwa at nakita ang transferee.

"Luh? Who you? Don't disturb me."

"Grabe naman mine," Madamdamin nitong saad na may pahawak pa sa kanyang dibdib.

"Nakalimutan mo nanaman ako, ako to si yours."

May sasabihin na sana ako eh kaso dumating ang prof namin para sa Komunikasyon kaya isinantabi ko na lamang at hindi na pinansin ang aking katabi.

"Good morning sainyo," panimulang bati ng aming guro.

"Good morning sir," hindi sabay na pabalik bati naman ng aming klase.

"Okay class, debate tayo ngayon. Oh may mag rereklamo ba? Sino? Para sinco agad." S'yempre walang nagsalita. Wow sir, nag tanong ka pa.

"Huwag mag-alala dahil informal debate ito, patagisan ng mga pananalita. Ang tema ay tungkol sa nakalalamang pag dating sa pag-ibig."

Wala nang nag tangka pang mag reklamo dahil takot kaming lahat na 'di pumasa, hirap na umulit ng subject lalo na 'pag aiming with awards.

"Obviously, ladies vs. gentlemen ito. Puwede ang lahat except sa pag mumura. Warm up activity lang kaya bibigyan ko lang kayo ng five minutes preparation. Go go go!"

Agad na nag hiwalay ang dalawang kampo.

"Goodluck sa inyo," narinig ko pang turan ni Aaron bago ako umalis at nakisali sa grupo ng mga kababaihan.

Hayst, syempre ang unang pambato agad ay yung magaling mambara para wala nang re-bat.

"Oy Joanna, ayusin mo ah ikaw unang pambato, barahin mo agad para wala nang masabi." Kita mo to, nakikilala lang ako kung may group activity.

"Libre niyo ko lunch pag nanalo tayo." Oh syempre grasya na ang lumapit, ikaw nalang ang gagawa ng paraan para makakapit.

"Oh sige, sagot ko na." Saad naman ni Rachel yung president namin.

"K."

Inaayos ko ang mga linya sa aking utak, kahit na impromptu ay mas okay 'pag medyo handa.

"Okay, times up!" Napahilamos ako ng mukha. Ang sarap talagang manapak, itong si sir kala mo ang dali nang pinapagawa.

Bumalik na kami sa kaniya kaniyang upuan at nanahimik para sa susunod na sasabihin ni sir.

"Bilang pag bibigay respeto sa mga kababaihan, kayo na ang mag simula. First speaker, go in front."

Kahit hindi pa maayos ang nagagawa kong paunang pananalita ay agad akong dumiretso sa harap at itinaas ang aking kanang kamay para mag wave sa lahat.

Tip yan para kunyare confident.

"Pag-ibig? Kaming mga babae ang nangunguna diyan! Oras palang wala na kayong laban. Kayo ring kalalakihan ang madalas na nagagalit 'pag pinagsasabihan. Rason niyo pang nakakarinding mabungangaan. Sabihin mo nga kung anong pag mamahal yan?"

Rinig na rinig ang mga palahaw, tawanan, at palakpakan ng aking mga kaklase, siraulo talaga.

"Huwag niyo nga kasing saktan yang si Joanna! Ang lalim dre." Sigaw naman nung lalake naming classmate. Sige tawa pa, mabilaukan ka sana sa laway mo.

Halos isang minuto na rin ang lumipas at wala pang umaabante sa harap para mag re-bat, ngiting ngiti na kaming kababaihan dahil akala namin panalo na kami at saktong bumibilang na rin si sir. Ang kaso lang...

"Binibini, mukhang nagkakamali ka riyan. Ako nga pala si Aaron Villamor, ang mag tataas ng bandera ng mga kalalakihan. Kung pag mamahal ang usapan, bakit 'di ka lumapit sa akin nang maiparamdam ko sa'yo na kami ang nakalalamang."

At tuluyan nang napuno ng asaran ang classroom namin. Naks, mature.

Balak ko sanang sabihan ng #AMFEE kaso debate pala to, sayang. At dahil nga grades ang usapan tuloy pa rin ang laban.

"Pare-pareho lang naman kayo, ang hanap niyo puro panandalian kumpara sa aming mga babae na seryoso at pang matagalan."

"Oh teka binibini, wag mong nilalahat ang aming uri." Kumpiyansang sagot ni Aaron sa akin. Tumigil muna siya sandali sa pagsasalita dahil umingay na 'yung room.

"Sa pag kakaalam ko ay wala ka pang naging nobyo? Kaya kung gusto mong maramdaman kung paano kami umibig ay narito lang ako."

Hindi pa man ako nakakasagot pabalik nang biglang lumakas ang sigawan.

Saktong rin na nag paalam si sir upang kausapin yung taong kumatok sa pinto.

"JoRon! JoRon! JoRon!"

Pinagsasabi ng mga to?

"Oy ayos lang kayo? Anong JoRon?" Takang tanong ko naman, ang iingay eh 'di ako makapag-concentrate.

"Joanna at Aaron, boba ka talaga."

"Ha?"

"Kako Joanna at Aa-"

"Hatdog."

Yun lang pala kala ko kung ano na.

Narinig ko nanaman ang hindi matigil na tawanan ng ilan sa mga nakarinig.

Happy pill ata nila akong lahat eh. Kalma guys, ako lang to si Joanna.

Pagkabalik ni sir ay pinabalik niya na kami sa aming mga upuan at sinabing may emergency meeting daw ang faculty para sa upcoming school fest.

"Sir sayang! Ang ganda na eh, sa susunod po ba itutuloy?" Iba't ibang reaksyon ang maririnig sa classroom. Syempre ako tahimik lang, iba talaga 'pag tahimik at mabait. Joke!

Tinignan ko naman ang reaksyon ni Aaron dahil inaasar nila siya at 'yun nga, nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Luh, walangya 'di man lang nag iwas ng tingin, kumindat pa.

"Let's see sa next meeting, alright?" At bago tuluyang nag paalam ay sinabi niya rin ang nakapuntos para sa first speakers.

Syempre, mga kababaihan. Walang sense mga pinagsasabi ni Aaron eh hindi nalang niya diniretsong gusto niya kong ligawan.

Char.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

Her Broken Vow ✔Where stories live. Discover now