Chapter 3

286 13 6
                                    

J A X E L

Nandito ako ngayon sa sala, tahimik akong nakaupo sa sofa habang nakapalumbabang nakatingin sa libro.

Halos isang oras ko na ata tinititigan ang librong ito. Halos sumakit ang uli ko kakaisip kung paano ko ito maibabalik.

"Paano ba kita maibabalik?" Nagbuntong hininga na lamang ako dahil panigurado mahihirapan akong ibalik ito sa may-ari.

Hope I can meet her and return her book. I think this is important to her. Sigurado akong nababaliw na siya kakahanap ng libro niya.

Naisip kong magtanong sa mga kaibigan ko. Ngunit sumagip sa aking isipan ang panunukso nila noong nakaraang araw sa akin.

"Hindi puwede, tutuksuhin ako ng mga ugok na iyon," halos pabulong na saad ko.

"Ano ang hindi puwede?"

Napamura ako sa gulat nang biglang umupo sa tabi ko sina Dexter at Jake.

"Bakit ba kayo nanggugulat? At bakit kayo nandito?" Iritadong tanong ko sa kanila.

"Kanina pa kami kumakatok pero walang sumasagot kaya nang nakita namin iyong pinto na bukas ay pumasok na kami tapos nakita ka namin na tulala at parang tangang kinakausap ang sarili," mahabang paliwanag ni Dexter pero nakangisi ng todo.

"Nababaliw ka na ba, dude?" Napakunot-noo ako sa tanong ni Jake.

"What the fuck, dude? May iniisip lang ako at hindi ako baliw, sa ating tatlo kayong dalawa ang mga baliw."

"Ikaw ang baliw, kinakausap mo sarili mo 'e."

Napahawak na lang ako sa sentido ko. Imbis na matulungan nila ako ay mukang mas guguluhin lang nila ang isip.

Kinuha ko iyong libro at pinakita ko sa kanila, tumigil naman sila sa pagtawa at nagtaka kung bakit ko ipinakita iyong libro.

"Collector ka na ng libro? Bakit hindi namin alam?" takang tanong pa ni Dexter.

The truth is I really hate books. I don't have any interest to read on especially love story book. I find it boring.

"Love story book pa talaga, bakla ka na ba, dude?" tawang-tawa na tanong ulit ni Dexter.

"Psh, hindi."

" 'E, kanino iyan?" singit ni Jake at kinuha sa akin iyong libro at sinipat pa ang libro.

Nagbuntong hininga ako bago ko kinuwento sa kanila iyong nangyari sa park at kung paano nahulog sa akin iyong babae.

"Bakit hindi mo hinabol?" Natigilan ako sa tanong ni Dexter.

Hindi ako nakasagot at napaisip sa sinabi niya sa akin.

"Na-bakla ka?" Binatukan ko naman agad si Jake.

"Kung ikaw rin naman ang nasa posisyon ko sigurado ako na matutulala baka nga himatayin ka pa," inis na sabi ko kay Jake pero hindi siya na apektuhan dahil tumawa lang siya at sinabayan pa ni Dexter.

Ikaw ba naman ang lumagapak sa lupa tignan ko lang kung makatayo pa siya.

"D're, sa guwapo kong ito baka babae pa ang himatayin sa akin." hindi ko na lang siya pinansin. Kinuha ko naman ang libro kay Dexter.

"Imbis na pagtripan niyo ko, bakit hindi niyo na lang kaya ako tulungan hanapin iyong babae para maisaoli ko na ito."

" 'E, saan naman natin hahanapin?" napaisip rin ako sa tanong ni Dexter.

Her Name |𝐑𝐞𝐰𝐫𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠|Where stories live. Discover now