Chapter 2

332 16 11
                                    

J A X L E

"Kita na lang tayo, sa Monday para sa enrollment, dude." Pagkasabi ni Jake niyon ay kumakaway silang umalis.


Ala singko na ng hapon at pauwi palang ako sa bahay. Medjo pagod na rin ako dahil sa rami naming ginawa at kung saan-saan ako dinala ng dalawa. At walang tigil na nagpalibre sa akin.

Hanggang hindi nauubos ang laman ng wallet ko ay hindi nila ako tinigilan, kung ano-ano ang pinabili nila.

Naglalakad na ako pauwi dahil paniguradong hinahanap na ako ni mommy, naiwan ko pa naman ang phone ko.

Bago makarating sa bahay ay madadaanan ko muna iyong park. Huminto ako saglit at nagpamulsa.

I remembered the scene yesterday. I couldn't stop thinking the strange girl. I have a lot of questions about her but I can't find the answers.

Natawa ako sa naiisip ko kaya naman ay napatingin sa akin ang isang bata.

"Kuya, boa ka po? Nag-ngingirit ka po diyan. Mayo man pong nakaka-ogma." Nakakunot-noo na sabi ng bata pero dahil hindi ako laking Bicol ay hindi ko siya maintindihan.

Nag-squat ako para magkapantay kami ng bata, ginulo ko ang buhok niya at ngumiti sa kaniya.

"Sorry, ah. Hindi ko kasi maintindihan iyong sinabi mo, puwedeng tagalogin mo?" nakangiti kong tanong sa bata.

"Kaya po pala hindi ka pamilyar sa akin, ang sabi ko po kanina. Baliw ka po ba? Kasi ngumi-ngiti ka po wala namang nakakatawa," inosenteng tanong niya kaya naman natawa ako. Umiling ako sa kaniya habang nakangiti at ginulo ang buhok niya.

She's a cute little girl with bunny headband and wearing a pink crop top, pink necklace, pink lipstick, pink earrings.

"You like pink?" I smile while asking and she smiled too.

"Yes po, it's cute right?" she said while showing her cute smile.

She looks like Zeenie when she was at that age.

"How old are you now?"

She smiled at me and showed her five fingers to me. I smiled back and give her one lollipop.

"Here, umuwi ka na. It's already late, I'm sure your parents are worried." nakangiti kong sabi sa kaniya kaya naman tumango siya at tumakbo palayo.

Nakita ko siyang lumapit sa isang babae mukang mommy niya ito, ipinakita niya ang lollipop na binigay ko. Mukang tinanong ng mommy niya kung kanino galing kaya naman ay tinuro niya ako.

Agad naman akong ngumiti at kumaway sa bata. Ngumiti naman ang mommy niya sa akin. And she mouthed 'thank you'. I just smiled at them.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad pauwi dahil baka batukan na ako ni mommy dahil  ala singko y medya na ay hindi pa ako umuuwi.

My mom is over protective especially to me and the reason? I don't know. I asked her several times but she just always smiling at me and ignored my questions.

Nakarating na ako sa bahay at pagpasok ko nakita ko si mommy na may kausap. Kaya naman ngumiti ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya. Sumenyas ako na aakyat na ako kaya naman tumango siya.

Pag-akyat ko ay agad akong naligo, nagbabad ako ng konti saka nagbanlaw. Paglabas ko ay nagbihis na ako ng panjama at isang plain white t-shirt.

Dumapa ako sa kama at nakatulala lang sa may kisame. Naalala ko ulit iyong babae, nangalumbaba ako habang nag-iisip.

Her Name |𝐑𝐞𝐰𝐫𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠|Where stories live. Discover now