Chapter 1

599 21 21
                                    

J A X L E

Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang babaeng nakilala ko kanina.

It feels like I know her but I don't know where I meet her.

"Ugh! Stop thinking, Axl." Napasabunot ako sa aking buhok. Nababaliw na ako kakaisip sa babaeng umagaw sa aking atensyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may humablot sa tenga ko. "Mom, it hurts," daing ko kay mommy pero hindi niya pa rin binitawan ang tenga ko.

"Saan ka ba galing bata ka? Papatayin mo ba ako sa pag-aalala sa iyo?"

Nang makarating kami sa loob ng bahay ay saka niya lamang binitawan ang tenga ko. Nakasimangot kong hinimas-himas ang tenga ko. Paniguradong namumula na ito ngayon.

"Mom, don't worry nagpunta lang naman po ako sa park." Nakangiti kong niyakap si mommy.

Agad naman niya akong kinurot sa tagiliran kaya mas lalo akong napangiti at hinimas-himas pa ang bandang tagiliran kong kinurot niya.

"Hay nako, tulungan mo na lang kami ng mga kapatid mo na mag-ayos ng bahay." Nakangiti akong sumunod.

Bumalik kami sa Bicol para magsimula ng bagong buhay. Last month my mom caught  my dad cheating with my damn friend that's why my mom decided to move here in Bicol to forget my disgusting father.

She wants to start a new life without my dad, she's smiling but I know she's in pain. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung makikita mo ang taong mahal mo ay nakikipaghalikan sa iba?

I'm so proud to my mom because she's brave enough to handle the pain that my dad has been caused.

Pagkatapos naming iligpit lahat ng gamit at linisin ang bahay ay naghanda na si mommy ng pagkain para sa dinner.

Naligo muna ako dahil sobrang lagkit ko na dahil sa pawis, pagkatapos ay nagbihis agad ako at bumaba.

Nang makarating ako sa kusina ay handa na ang pagkain at mukang ako na lang ang hinihintay.

"You know, kuya? You're so matagal. We're so hungry na," reklamo ni Zeenie. She's my sister and we have one baby brother and his name is Sevi. Zeenie is just fourteen-year-old and I'm already seventeen while our baby brother is just five-year-old.

Pinisil ko ang pisngi niya at naupo sa tabi ni mommy.

"Mommy, let's eat na po. I'm so hungry na po." Natawang tumango na lamang si mommy sa bunso naming si Sevi.

Nagdasal muna kami bago nag-umpisang kumain.

"Anak, gusto mo bang samahan ko kayo ng kapatid sa papasukan niyong school?" I looked at my mom, she looks so worried about us.

Umiling ako at ngumiti sa kaniya. "Ako na pong bahala roon, huwag na kayong mag-alala." Nakangiting tumango si mommy.

Pagtapos naming kumain ako na ang nag-presinta na maglinis at pagkatapos kong maglinis ay nagpaalam na ako sa kanila at umakyat na sa aking kwarto.

Ang sabi sa akin ni mommy ay pupunta raw ang mga kababata ko at ipapasyal daw nila ako dahil baka raw hindi ko na tanda ang lugar well, totoo naman iyon. Matagal-tagal na rin noong huli akong nakapaglibot sa lugar na ito.

Her Name |𝐑𝐞𝐰𝐫𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon