Moonlight

242 6 0
                                    

sa bawat pag-angat ng buwan
upang ilawan ang kadiliman ng gabi,
ikaw ang unang sumasagi sa isipan,
iniisip kung paano hahabihin
ang bawat metaporang
ilalagay sa tulang
ikaw ang pag-aalayan.

maaaring ilang kilometro
ang layo mo sa akin ngayong gabi.
ngunit alalahanin mong
iisang kalangitan ang bumabalot sa atin.
iisang buwan ang sumusunod
sa bawat paghakbang ng ating mga paa.

na sa bilyon-bilyong munting liwanag
na nakakalat sa kadiliman,
ninanais ko,
ipinagdarasal ko,
hinihiling ko,
na sana'y pareho tayong
nakatitig sa iisang tala.

-Aurora

Tula't Mga SalitaWhere stories live. Discover now