Lumisan.... Paalam.

442 9 0
                                    

Bakit kay aga nang iyong paglisan
Sinta ikaw ba ay nariyan?
Iyong yakap at haplos ay nasaan,
Wala ng magawa kundi larawan mo'y pagmasdan.

Paano ang pangarap nating dalawa?
Pangarap na binuo nating magkasama,
Sariwa pa sa aking ala-ala
Mga pangako natin para sa isa't-isa

Hayaan mo, masakit ma'y tatangapin ko
Ang katotohanan na ika'y hindi na babalik pa
Hindi na maibabalik ang dating meron tayo
Dahil tuluyan ka ng umalis sa piling ko

Kumusta ka na, mahal?
Kasamo mo na ba ang Ama?
Nawa nasa mabuting kalagayan ka
Huwag ka sanang mabahala, sa sakit na aking nadarama.

Tula't Mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon