Pagsisisi Sa Hangganan

544 12 0
                                    

Mayroon nga bang tamang paraan o mga dahilan
Kung paano masasabing hindi na ikaw,
ako'y bibitaw, ng hindi ka masasaktan?
Walang iba, walang bago, dumating lamang sa puntong ang "tayo sa dulo" ay hindi ko na matanaw

Naging malabo ang lahat sa pagitan nating dalawa
Kahit anong paghakbang ang gawin ay hindi ko na makita pa, ang buhay na kasama ka
Ang dating mga plano unti-unting gumuguho,
Alam kong nariyan ka pa, nakakapit, ngunit heto ako, naglalakad na papalayo

Ayokong masaktan ka, pero hindi ka nga ba masasaktan sa ginagawa ko?
Iniwan ka ng walang dahilan at hindi nagpaalam
Papalayo ng papalayo, hindi alam kung saan tutungo.

Nang ako'y mapagod, ninais kong balikan ka,
Napagtanto na ako'y nagkamali, pinagsisihang lumisan pa,
Pero huli na ang lahat---
Dahil ngayon masaya ka na, kasama siya,
tinutupad ang dati'y sa atin na mga pangarap.







Tula't Mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon