Chapter 7: Paige

3.4K 112 46
                                    

Chapter 7: Paige

Kinabukasan din ng malagim na gabing yun, tumila ang panahon at may bangkang dumating. Isang malaking bangungot ang hindi ko makakalimutan sa islang yun. Apat na buhay ang nawala; sina Shone, Kesha, ang girlfriend kong si Ayame at si Wesley na itinuring kong kaibigan noon pa man pero siya pala ang nasa likod ng sunud-sunod na krimen. Nilisan namin ni Rikku ang islang yun at inireport sa pulis ang lahat ng nangyari. Nagimbal ang buong Norzagaray University sa insidenteng yun. Ilang araw rin kaming namalagi sa hospital ni Rikku. Pareho kaming nawalan ng mahal sa buhay at hanggang ngayon masakit pa rin sa amin ang nangyari. Utang ko ang buhay ko sa kaniya. Kung hindi niya nagawang kalabitin ang gatilyo, malamang ipinutok na sa akin ni Wesley ang baril na yun.

***3 weeks later***

Nakarecover na’ko at namahinga muna pansamantala sa unit ko mula ng madischarge ako. Nagring yung phone ko at pangalan ni Rikku ang nakita ko.

“Evans..” garalgal ang boses niya. Mukang may nangyaring hindi maganda.

“Rikku! A-anong nangyare?” nag-alala ako bigla sa tono niya.

“S-si.. si Mama…” ramdam ko sa boses niya na may hindi magandang nangyare.

“Anong nangyare? Nasa bahay ka ba? P-pupuntahan kita!” napabangon ako sa kama ko at nagsuot ng damit.

“Nasa hospital ako.” Nung araw ding yun, namatay ang Mama niya dahil sa stage 4 cancer sa puso. Kaya pala nung time na  nagpunta ako sa hospital dahil discharge na ni Mama ay nakita ko si Mrs.Froissart na galing sa Cardiology Room. Maari kayang hindi niya pinaalam kay Rikku ito? Mag-isa na lang ngayon si Rikku sa bahay nila. Nakakaawa na ang lagay niya lalo na’t wala siya laging kasama.

Hindi ko matiis na iwan siya. Kahit papaano naging malapit na rin ako sa kaniya. Kaya ako ang naging karamay niya mula nang kaming dalawa na lang ang natira.

“Una si Papa, pangalawa si Shone, pangatlo si Kuya, pang-apat si Mama..” wala nang natirang emosyon ng kalungkutan sa boses niya habang nagtitirik siya sa kandila sa puntod ng Mama niya. Nakaluhod siya at tulala. Nakakaawa siyang pagmasdan. Ang mga mata niya ay halos natuyo na sa dami ng luhang ibinuhos niya. Ulilang-ulila na si Rikku.

“Rikku..”mahina kong sabi.Tumayo na siya ng marahan.Ipinatong ko ang kamay ko sa likod niya. Walang bahid ng lungkot ang tinig niya. Naubos na ang lahat.

 “Si Mama na lang ang natitira sa’ken. Kung alam ko lang na mangyayari yun. Sana nawala na lang ako noong binaril ako ni Wesley. Ano pang silbi ng buhay ko? Para akong nabubuhay na patay.” tiningnan ko siya sa gilid ko. Monotone ang boses niya pero hindi kayang ikubli sa mga mata niya na sobrang bigat ng damdamin niya. Tulala lang siyang nakatingin sa puntod ng ina nang makita kong tumulo ang mga luha sa pisngi niya.

“Nandito pa ko.” nilapitan ko siya at hinagkan ng mahigpit sa likod niya. Naririnig ko ang paghikbi niya habang nakabaon ang muka ko sa kaliwang balikat niya. Pinipigilan niya ang emosyon niya.

Thesis Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon