Chapter 5: Meiss

4.1K 116 37
                                    

 Chapter 5: Meiss             

Nangyari na nga ang inaasahan. Patay na si Margaux Isaacs at umayon nga sa pattern ang pagkamatay niya—voltage. Naikwento rin sa’min ni Manang Ising ang ika-lima, ika-anim at ika-pitong paraan ng pagpatay. Kapalaran nga ba talaga naminito? Mala-Final Destination ang nangyayari samin pero hindi gaya ng aksidente ang dahilan ng pagkamatay kundi TAO mismo ang pumapatay ng sunud-sunod sa listahan. Pero sino ang taong yun? Isa na kaya siya sa mga taong nakakasalubong namin o nasa harap ko na hindi ko pa alam. Ako, Si Rikku, si Shone at si Wesley na lang ang natitira. Tiningnan ko ang list ng mga name namin.

Pito lamang ang proponents noon na pinatay ngunit walo ang nasa listahan dito dahil si Margaux ang pumalit kay Aileen. Ako ang nasa huli na hindi kabilang sa pito. Pero hindi ako kampante na isasatadhana ko na ligtas na nga ako sa pitong papatayin ng killer. Kailangan kong balaan ang mga kasamahan ko. Hindi namin alam na baka bukas-makalawa isa-isa na kaming maubos ngayon pang isang linggong nakasuspinde ang klase. Inaalala ko si Shone dahil siya na ang isusunod ng killer.

“Guys, ito ang pattern. Kung titingnan niyo dito sa listahan na hawak ko. 10 years ago, alphabetical ang name ng pagkamatay nila pero ang nangyayari sa mga kasamahan natin descending ang pagkakasunud-sunod. But then in order pa rin ang paraan ng killer sa pagpatay! Nasusunod ang lahat sa pattern nato!” paliwanag ko sa kanila habang hawak ko ang listahan.

“Chuck pare, so sinasabi mo bang ako ang susunod na papatayin ng killer? Patawa ka ba bro? Masyado kang napaparanoid dahil lang sa tsumempo lahat sa hypothesis mo.” natatawang reaksyon ni Shone.

“Pang-anim ako? At pang-pito si Rikku? Bro, so ikaw pala ang survivor dahil wala ka sa pito. Nakakatawa kung ganun. Congrats sa’yo!” nakakainis na reaksyon niWesley. Patunay lang na hindi sila naniniwala sa pinagsasabi ko.

“Guys, buhay natin ang nakataya dito. Nasa paligid lang ang killer. Walang mawawala satin kung mag-iingat tayo pare-pareho. Kung magsasama-sama tayo.” sabi ni Rikku na mukang siya lang ang kumbinsado sa mga sinsabi ko.

“Fine. Fine. So ano na’ng idea?” tanong ni Shone.

“Okay, walang mawawala kung mag-iingat. Since one week suspended na naman ang class. Why not we go for a trip? May alam akong beach. At least dun makakapag-isip pa tayo what’s the best title for our Proposed Thesis.” suggest ni Wesley.

Lahat kami napag-sang-ayunan ang 3-day vacation sa beach house nila Wesley sa Batangas. Isinama ko si Ayame, kasama rin ni Wesley yung girlfriend niyang si Kesha, sila Shone at Rikku. Sa port pa lang, inulan na kami. Unexpected ang pagsama ng panahon at ang nakakabadtrip pa sobrang lakas ng ulan at parang may bagyo pa. Nakakaisang daong pa lang kami ay hindi na kami pinayagan ng bangkero na isakay papunta sa isa pang isla kung saan nandun ang beach house nila Wesley. Ang sabi pa, maghintay na lang kami na may dadaong na bangka dito pag tila ng ulan.

“Bangag ding lang talaga yang manong na yan! Kung iiwan rin lang niya tayo dito, sana hindi na niya tayo isinakay! Anong gagawin natin dito? Magka-camping?” iritang sagot ni Shone habang galit na napapasipa sa maputing buhangin dito.Mag-aalas-singko na at bahagyang huminto ang ulan kaya nasilip pa rin namin ang papalubog na araw. Maraming punong-kahoy dito, may mga mangroves at matatarik na bato. Pero hindi talaga ito yung commercial place na klase ng pagbabakasyunan lalo pa ngayong inabutan kami ng ulan. Mukang walang taong titira dito. Actually parang daungan lang talaga ito ng pasaherong ililipat sa kabilang isla.

Thesis Book IIWhere stories live. Discover now