Chapter 4: Home

4.5K 130 31
                                    

Chapter 4: Home

Ikrinemate na ang bangkay ni Zeus. Bakit nangyayari ‘to saming magkakaibigan? Isa na namang kagrupo sa Thesis I ang pinatay. Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Rikku na pwedeng mangyari ulit yung serial killing pero nangyayari na nga. Kung hindi lang nangyari ang paghahanap ni Aileen sa librong yun, hindi mangyayari ‘to. Anong kasalanan namin sa kaniya? Bakit niya ginagawa ‘to?

Dahil one week suspended ang class, nagkaroon ako ng time makasama ang girlfriend kong si Ayame. Masyado siyang nababahala sa urban legend na yun kaya tinanong niya ko kung may tao bang nakakaalam ng tungkol sa nangyari 10 years ago. Nasabi ko naman na ang pinakamalapit na lang sigurong  pagtanungan ay si Manong Ben na janitor ng university. Tsak naman kasing hindi magbibigay ng detalye ang mga faculty lalo na kung makakasama sa pangalan ng university. Dala ko yung Lancer ko at pinagtanung-tanong kung saan ang bahay niya hanggang sa narating namin ni Ayame. Isa itong squatter area kaya hindi na namin naipasok ang Lancer. Masikip at dikit-dikit ang mga bahay dito.

“Ito na nga siguro yun.” sabi ko.Ito ang itinuro samin ng mga kapitbahay niya. Kumatok ako ng tatlong beses saka lang ako pinagbuksan ng pinto.

“Anong kailangan niyo?”  tanongng matandang babae ang lumabas mula sa pinto ng tagpi-tagping bahay nila.

“Magandang hapon po. Mga estudyante po kami sa Unibersidad din na pinagtatrabahuan ni Manong Ben. Nandiyan po ba siya?” tanong ko.

 “Asawa niya ako. Nakaratay na siya at hindi na makausap. Mag-iisang buwan na siyang retirado sa unibersidad niyo. Umalis na kayo dahil malabo niyo na siyang makausap.” pinigilan ko siya sa pagsara ng pinto.

“Pero Manang, kung sakaling may nalalaman kayo pwede ba naming kayong makausap kahit sandali lang?” pagpupumilit ko. Nakulitan na yata sa amin kaya pinatuloy niya kami sa loob. Silang dalawa na nga lang mag-asawa ang nakatira sa maliit na barong-barong na ito. Ang sahig ay lupa at pinagtagpi-tagping yero at tabla ang kanilang pader. Nakita namin na nakaratay nga sa silid si Manong Ben. Bed-ridden na at ang laki ng ibinagsak ng katawan. Nakakaawang pagmasdan itong natutulog. Na-stroke pala ito kaya pala hindi ko na siya nakikita sa school.

“Malinaw pa sa’kin ang ikinuwento ng asawa ko sampung taon na ang nakararaan” pagsisimula ni Manang Ising na nasa 63 taong gulang na. Puti na ang kaniyang buhok at halata sa kaniya ang hirap sa paglakad dahil na rin sa katandaan. Pinaupo niya kami sa salas.

“Sa Unibersidad ng Norzagaray, namasukan siya bilang janitor. Halos dalawang dekada na siyang naninilbihan dun. Isinalaysay niya sa akin ang nangyari, isang buwan bago ang graduation ng pitong magkakaklase na sunud-sunod na pinatay. Nabahala ako sa asawa ko dahil baka mapahamak siya sa trabaho niya. Ang sabi niya, nang minsang maglinis siya sa lumang gusali ng unibersidad, laking gulat niya nang matagpuang nakahandusay ang katawan ng isang estudyante na tadtad ng saksak ang dibdib. Unang beses siyang nakasaksi ng karumaldumal na krimen na yun pero hindi pa pala dun natatapos. Ang ikalawa ay pinugutan ng ulo at literal na inilubog sa toilet bowl. Sobrang nakaririmarim at nakakakilabot ang mga narinig ko sa pahayag niya. Masahol pa sa hayop ang mamamatay na yun!” paliwanag ng matanda. Pansin ko ang pagkakilabot ni Ayame sa pakikinig niya sa matanda. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Kung bakit naman nagkataong may pagkakahawig ito sa karumaldumal na sinapit nina Aileen at Keiko.

Thesis Book IIWhere stories live. Discover now