Kabanata 7 - Mahiwaga

27 2 8
                                    

Kabanata 7
MAHIWAGA


       "KANINA KA PA TILA wala sa tamang huwisyo, Binibini."

Nagulat na lang ako nang biglang may dumamping malamig na kung ano sa braso ko. Nang tignan ko kung ano ito, may isang baso ng buko juice. It was from Miguel.

"Salamat," ani ko.

"Walang anuman. Matamis iyan dahil ako mismo ang umakyat para sa 'yo." Ang laki ng ngiti niya sa 'kin na para bang normal lang sa kanya ang ganitong gestures.

Siguro nga, normal lang sa kanya ang pagiging sweet, gaya nitong juice na bigay niya. Kung nasa 2020 kami, iisipin kong masyado siyang pa-fall. Pero alam ko, hindi dapat ako mahulog sa bitag. Ganito siya sa lahat.

"Nambubudol ka nanaman," bulong ko. Narinig niya yata dahil kumunot ang noo niya.

"Ano 'yong nambubudol?"

"Wala, wala. 'Wag mo nang isipin." Ininom ko agad ang juice na dala niya. "Aba, matamis nga ha," pagbabago ko ng usapan.

"Sabi naman sa 'yo. Pero bakit nga kanina ka pa tulala? May gumagambala ba sa isipan mo?"

I hesitated to tell him. Pero para bang konektado na ang utak niya sa 'kin. "H'wag ka nang mag-alangan na sabihin sa 'kin. Alam mo namang palagi akong makikinig."

His presence feels warm. Palagi. At natatakot na akong baka kapag nakasanayan ko, hanap-hanapin ko na. He's starting to become my safe haven here. It always feels like I'm home whenever his around, kahit pa na ang tunay kong tahanan ay 136 years away mula dito. Parang biglang kumirot ang puso ko nang maalala ko ang pamilya ko.

"Wala ito. May mga bagay lang akong naiisip. Hindi ko maipaliwanag eh. I'm longing for something I can't explain."

Ibinaba niya ang baso niya at tinitigan ako sa mata. "Napupungaw."

"Ha?"

"Napupungaw. Ang ibig sabihin sa Ingles, longing."

This is why I like talking to Miguel. I get to learn new words from him everyday.

"Gaya kanina. Buong araw akong wala dahil may inasikaso ulit ako sa sakahan, kaya naman napungaw ako sa 'yo," he said it with such sincere eyes.

Hindi ko mapigilan na ngumiti. Ayokong kiligin! Ayoko talaga, at ang hirap aminin, pero sadyang alam na alam ni Miguel ang mga dapat sabihin para mapagaan ang naguguluhan kong utak.

"Ikaw talaga. Ang mahalaga, nandito ka na."

"Kaya nga. Nandito na ako sa tahanan ko." He's looking straight at me, as if he's pertaining to me.

Kailan kaya titigil 'to sa mga banat niya? Nakakarami na. Something inside me wants to be happy, truly. Gusto kong matuwa sa mga sinasabi niya nang walang kailangang alalahanin, dahil paano kung bigla na lang ako maglaho dito? Paano kapag nabalik na ako kung saan ako nararapat?

"Oh, bakit ang lungkot mo nanaman bigla?"

"Wala lang. Naisip ko lang, ayokong makasanayan ito."

"Ang alin?"

"Ito. Itong buhay na 'to. Ang pagpapanggap natin. Ikaw." Halos pabulong na lang ang pagbigkas ko sa huling salita.

"Bakit naman? Ano naman kung makakasanayan mo? Gaya ng sabi ko, ayos lang sa 'kin ang nandito ka."

Hindi naman kasi 'yon ang pinupunto ko... P'wede akong magpunta kahit saan, p'wede akong makitira kahit kanino, pero ang makasanayan ang presensya niya, mga sinasabi niya... natatakot ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maybe in Another LifetimeWhere stories live. Discover now