Kabanata 5 - Fiesta

60 31 39
                                    

Kabanata 5
FIESTA



The footpaths of Kalye Everardo were crowded with colorful stalls and vendors of various nationalities. Everyone was busy - there were people casually browsing, some middle-aged women were hustling and bustling, and haggling over the price of household necessities. The rich smell of pecan wood fire cut through the distinct smell of the market, I could almost taste the meat roasting on skewers somewhere down the patio.

"Crap, I'm gutom na," I whispered to myself. Ang bango no'ng barbeque. Nakakatakam. "Asan na ba si Miguel?"

My eyes skimmed through the flamboyant scene.

Ngayon ang unang araw ng Fiesta sa Santa Kristina. Mas lalong naging lively ang mga kalsada na dinesenyohan ng iba't ibang kulay ng banderitas. Tila lahat ng tao ngayon ay nasa labas, mapa-bata man o matanda, lahat abala para sa mga salu-salo sa kanya-kanya nilang tahanan.

Dinala ako ni Miguel dito sa bazaar - este tiangge. Nakakaaliw din pala. First time ko rin mapunta sa gan'to. Kahit noong nasa taong 2020 pa ako, never akong nagawi sa palengke o sa mga flea markets (because of the nature of my work, I was not allowed to go outside without my bodyguards.) Umikot lang sa mall at online shopping ang buhay ko. Boring, kung tutuusin dahil mas masaya pala ang gan'tong experience - 'yong halos hindi na mahulugan ng karayom ang daan sa dami ng tao.

Ganito pala ang pakiramdam maging malaya. Dito, walang nakakakilala sa 'kin. Walang kukuha ng pictures o autographs.

Pero nasaan na nga ba si Miguel? I think I'm lost. Wala pa naman akong pera ni isang kusing.

Naglakad ako nang naglakad. Nagsisimula na akong magmukhang giraffe dahil nakatingkayad ako at panay ang silip. Ang hirap maging 5'2".

A dress caught my attention. Ang gandang baro't saya naman no'n. Walang sinabi 'yong mga pinapahiram na damit sa 'kin ni Manang Lenang na mga pinaglumaan daw ni Donya Cedes. I was so focused to that dress that I bumped into something.

"Aray!" napahawak ako sa noo kong tumama sa kung anong matigas na bagay.

When I checked, I realized na hindi pala ako sa bagay tumama, kun'di sa isang lalake. He legit looks like the classic tall, dark, and handsome. He has the kind of face that stops women from their tracks.

"Pasensya ka na, Binibini. Hindi ko sinasadya. Hindi ko napansin na - Ester?" natigilan siya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

Ester? Ako pa ba ang kausap nito?

"Ester, ikaw nga!" lumiwanag ang mukha niya nang makumpirma niya ang kanyang hinala.

"Huh?" was all I could ever say.

"Ah, oo nga pala. Siguro ay hindi mo na ako nakikilala dahil sadyang gumwapo na ako mula sa patpatin at uhuging si Felipe." Mas lalong lumaki ang ngiti niya na tila ba nang-aasar. Kulang na lang mag-pogi sign siya, eh.

"Pasensya ka na, kuya. Pero hindi talaga kita kilala." I was about to leave when he said something that made my blood run cold.

"Ester naman! Ganoon mo ba ako kabilis nalimutan? Sabay tayong lumaki, kabisado ko ang bawat kanto ng mukha mo. Alam kong ikaw 'yan."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Anong sinasabi niyang kilala niya ako sa ngalan na Ester?

"Hindi Ester ang pangalan ko. Nagkakamali ka lang yata," I explained. Sana nga nagkakamali lang.

"Suuuus! H'wag ka nga r'yan. Pinaglalaruan mo nanaman ba ako?" he smirked.

I don't get it. Seryoso naman ang mukha at pagkakasabi ko pero pinagpipilitan niya pa ring ako si Ester.

Maybe in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon