Kabanata 1 - Talaarawan

139 44 62
                                    

Kabanata 1
TALAARAWAN


     IT HAS BEEN months since Hadassah Alonzo was seen publicly. With her showbiz hiatus, pregnancy rumors circulated online after she posted a picture of herself on her Instagram story. It has led netizens to believe that she's pregnant.

I could not help but raise an eyebrow from what I've just read.

"What the heck is this?" I blurted out loud.

Naramdaman kong gumalaw ang kama. Biglang dungaw ni Elise sa laptop ko at binasa ang headline ng article, "Pregnancy rumors on Hadassah Alonzo continues, netizens react."

Napakamot rin sa ulo si Elise. Napaka-sabaw ng kung sino man ang nagsulat nito. Pawang kalokohan lamang.

"Jontis ka pala, girl?" pinalo niya 'ko sabay hagikhik. Patuloy niyang binasa ang laman ng tsismis na iyon.

"Boyfriend nga, wala eh!" I said. "Saka anong picture ba 'yon? Scroll mo nga," utos ko sa kanya.

May screenshot ng picture ko sa ibaba ng article. Nakasuot ako ng kulay puting croptop at palda, nakangiti sa kamera, habang nililipad ang buhok sa hangin. Tinitigan kong mabuti ang sarili ko — oo nga, mukha akong buntis. Ang lakas ng loob ko mag-croptop. Nang i-upload ko naman ito, hindi ko naisip na gano'n ang itsura. Nalimutan ko yatang nasa Pilipinas ako at isang kilalang artista. Required maging pretty sa lahat ng oras.

"Buntis agad? 'Di ba pwedeng kakatapos lang chumibog no'ng noche buena at media noche? My gosh, body shaming!" sigaw ko na may halong panggagalaiti sa kung sino man ang nag-umpisa ng tsismis. Masyadong malikot ang imahinasyon nila, pati bilbil ko nadadamay.

Tinawanan ako ni Elise. "Tamang lamon ka rin kasi, eh no? Paano 'yan, next month na magsa-start 'yung shoot ng movie mo with Lucas, 'di ba?" tanong niya.

I grabbed a handful of fries from her plate before answering, "oo. Madali lang tunawin 'to," I said, pointing to my belly. "I'm just a few pounds worthier now." I emphasized with confidence.

Pero ang totoo, ayoko na sana talagang bumalik sa pag-aartista. Gusto ko ng tahimik na buhay, 'yun bang walang magdidikta ng kung paano ako dapat aakto sa harap ng madla. This is not the kind of life I've always pictured.

Napabuntong hininga na lang ako sa naisip ko. Napansin yata ni Elise dahil bigla niya akong niyakap.

"Alam ko na 'yang nasa isip mo, besi. Twenty-one ka na. It's about time you do the things that would make you happy."

Ganitong-ganito ang mga pagkakataon na nagpapasalamat ako na may Elise sa buhay ko, eh.

"Susuportahan mo ba ako?" tanong ko.

"Oo naman!"

"Sure ka? Parang gusto ko na lang maging pornstar—aww! Sakit ha?" bigla akong kinutusan ni Elise. Napahimas na lang ako ng ulo. Solid 'yung kutos, parang kailangan ko magpa-CT scan after.

"Gaga ka! Laswa mo!" pinagbabato niya 'ko ng pagkain niya.

Nagpaluan kami ng unan, kulitan, tawanan. Nang mapagod sa harutan, sabay kaming nag-collapse sa malambot kong higaan.

Bigla lang sumagi sa isipan ko, kung hindi ako artista, ano naman kaya ang trabaho ko? Hindi naman ako magaling kahit saang bagay, maliban na lang sa pagkakabisa ng script.

After about three movies, Elise went home. Hindi raw siya p'wedeng mag-sleepover dahil maaga ang pasok niya kinabukasan. Napapa-sana all na lang talaga ako. Sana lahat school ang pinoproblema sa ganitong edad at hindi pregnancy rumors.

Maybe in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon