Chapter 9: Iwas

20 5 0
                                    


Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at bumungad sakin ang puting kisame.

Nasaan ako?

"Thanks God your awake!" namutawi ang boses ni kristine na ngayon naluluha akong tignan. Pinilit kong makatayo pero pinigilan ako ni Kristine.

"Wag ka na muna bumangon! magpahinga ka lang muna." Saway nito sakin. Napanguso tuloy ako. Wala akong nagawa kundi ang humiga.

"Nasaan tayo?"

"Nasa clinic."

Clinic?

"Bakit?"

"Ha? wala kang matandaan?" tanong nito sakin.

Natatandaan? na alin?

Pilit kong inalala ang mga nangyari at sana pala hindi ko na inalala pa. Bumalik yung alaala ko, yung lahat ng pinaggagawa nila sakin.

"Jasmine..."

Nagsipatakan ang luha ko. Kailan man hindi ko yun makakalimutan,

"Buti na nga lang talaga natagpuan ka ni Franz." imik ni Kristine na pinagtaka ko.

Si Franz?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya.

"Niligtas ka ni Franz at dinala dito sa clinic."

0_0

Si Franz? ang nagligtas sakin? Papaano? malinaw sa alaala ko na mukha ni Hendrix ang nakita ko.

"Magpahinga kana, sila Cecil umuwi na muna ng dorm natin. Ako mag-stay ako dito babantayan kita."

Ngumiti ako sa kaniya bilang tugon.

"Nga pala, nasira ang salamin mo, ano bang grado mo?"

"150 left, 200 right."

"Okay noted. Ipapagawa kita ng bagong salamin para naman may magamit ka."

"Salamat Kristine."

"Basta pangako mo sakin, aalagaan mo ang sarili mo at lalayuan mo na si Hendrix."

Bakit naman nasama sa usapan namin si Hendrix?

"Bakit?" takang tanong ko dito.

"Simula ng makilala mo siya, puro na lang gulo ang nangyayari sa buhay mo. Mabuti pa layuan mo na lang siya. Okay?"

Bakit ko siya lalayuan? siya nga tong tumulong sakin o baka naman namalikmata lang ako.

"O..Okay."

"Gusto mong kumain?" tanong ni Kristine at sakto naman bumukas ang kurtina na nagsisilbing pintuan ng kwarto ko.

"Franz!" tawag ni Kristine dito. Pinagmasdan kong maigi ang itsura nito at muling bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina.

Nakasuot ng itim na damit ang lalaking tumulong sakin at ngayon nakasuot ng itim si Franz. Nagkamali lang ba talaga ako kanina?

Malayo naman ang itsura ni Hendriz kay Franz.

"Mabuti pa maiwan ko na muna kayo-"

"Kristine." maktol ko pero hindi ako nito pinakinggan at nagmamadali pa itong umalis.

Namutawi ang katahimikan sa kwarto. Nakaramdam ako ng pagka-ilang, tanda-tandang ko pa ang sinabi nila tala sakin, alam ko isa sa dahilan kaya ginawa nila sakin 'to dahil kay Franz at Hendrix.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now