Chapter 35: Waiting

20 2 0
                                    


Hininto ni Franz ang sasakyan na kinatauhan ko. Una kong sinilip kung nasaan lugar kami at napagtanto kong nasa tapat kami ng tulay kung saan dinala ako ni Hendrix.

Kabadong nilingon ko si Franz.

Anong iniisip niya? Bakit dito niya inihinto ang sasakyan? 

Lalo lang ako nataranta ng lumabas siya sa kotse niya kaya naman lumabas din ako. Naabutan ko siyang nakadungaw sa tulay, may mga kotse din na mabilis na dumadaan.

Naisipan kong lapitan siya kaya naglakad ako palapit sa kaniya.

"Bakit dito mo naisipan pumunta?" Maingat na pagtatanong ko at narinig ko ang sunod-sunod na buntong hininga niya.

Ano ba kasing problema niya?

"Franz—"

"Dito talaga ako napunta, kapag maraming gumugulo sa isip ko."

Anong...

Kung ganon parehas silang dalawa.

Napalunok ako ng wala sa oras ng lumingon siya sa akin.

"Thank you for accompanying me." Imik niya at nginitian niya ako na kinailang ko.

Ano ba naman ito...

Iba talaga ang epekto niya sa akin.

Pero hindi!

Nandito ako para linawin sa kaniya ang lahat.

Isa pa, nandito ako para kausapin siya tungkol kay Kristal.

"Gusto ko lang sabihin na, lahat ng mga sinabi ko sayo totoo yon."

"Franz,"

"Alam kong wala kang nararamdaman para sa kaniya." seryosong sabi niya na kinatahimik ko.

Jusko naman. Bakit ba ayaw niya ako pagsalitain?

Agad ko siyang inilingan sa sinabi niya dahilan para mapakunot-noo siya.

"Mali ka," aniya ko.

Mali siya...Mali siya kung inaakala niya na wala akong pake kay Hendrix.

Si Hendrix lang ang naging matalik na kaibigan ko sa mundo na ito maliban kali Kristine.

I'm so thankful na nakilala ko ang lalaki na yon.

"What do you mean mali ako? I can tell na ako parin ang gusto mo."

Grabe naman sa hangin ito. Well tama siya pero...alam ko kung saan ako lulugar.

"Paano mo naman nasabi?" ilang na tanong ko at tumingin sa malayo.

"You're here,"

0_0

Dahan-dahan akong napalingon sa sinabi niya.

"Sumama ka sa akin kaysa sa kaniya. Hindi pa ba sapat na dahilan 'to?" base sa pananalita niya ngayon sobrang taas ng confident niya. Parang one hundred for sure siya sa sinasabi niya.

Magsasalita pa sana ako para umalma at kumontra sa sinabi niya pero laking gulat ko ng hawakan ako nito sa magkabilang balikat at pantayan ang ulo ko. Well matangkad siya dapat siya ang mag-adjust.

"Sige nga sabihin mo sa akin ng sa mata sa mata, kung sino ba talaga ag gusto mo sa aming dalawa."

0_0

Nasisiraan na ba siya?

Mas may pagkasaltik siya kay Hendrix eh.

Marahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa balikat ko at nabigla ako ng ibalik niya ang kamay niya sa balikat ko, inilapit niya pa ako ng tuluyan sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now