Chapter 29: Night

12 3 3
                                    


Umalis ako sa building at papunta ako ngayon sa office. Aminado akong kabado ako lalo na hindi imposible na makita ko siya doon pero kahit na wala naman akong dapat ikatakot, siya nga itong may atraso sa akin.

Nakarating ako ng opisina at ganon na lang tuwa ko ng hindi siya makita doon. Isang teacher ang nagbabantay, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Sinabi ko ang intensyon ko na lilipat ako ng dorm pero ganon na lang ang dismaya ko ng sabihing walang bakante na kwarto.

Wala naman akong magagawa kundi ang umalis sa opisina.

Hindi naman ako pwedeng matulog na lang sa taguan ni Hendrix.

"Jasmine!"

Automatikong napalingon ako sa tuwamag non sa akin at nakita yong kaibigan ni Merlyn na si Princes.

Hays ang daming princess dito, hindi naman palasyo ang school na ito. Joke. Ako nga nagpangalan sa kanila hehe.

Masayang nagtatakbo ito palapit sa akin.

Ann na lang itatawag ko sa kaniya.

"Masaya akong nagkita tayo ulit," bakas nga sa mukha ang saya niya. Hindi ko tuloy maiwasan maging emosyonal lalo na narealize kong may tao pang gusto lumapit sa akin maliban kay Hendrix.

"Ako rin," tugon ko sa sinabi niya. Nabigla ako ng kunin niya ang kamay ko at hawakan iyon.

"Nakakatuwang isipin, hindi tayo nagkikita dito sa school. Sa totoo lang gusto ka namin makasama ni Merlyn." exited na pagsasalita niya. Kulang na nga lang tumalon siya sa pagkaexited, kitang-kita ko din ang pagkinang ng mga mata niya na nagpapakita sinsiro siya sa sinasabi niya.

"T-Talaga?" garalgal na imik ko.

"Oo naman! Nga pala bakit ka nandito sa labas ng office?"

Doon lang bumalik sa isip ko ang tunay na pakay ko kung bakit nandito ako sa building na ito.

"May umaway na naman ba sayo? may nanakit ba sayo, humanda sa akin ang may away sayo—"

"Wala wala, kalma ka lang." pagpapakalma ko sa kaniya kasi naman mukhang handa na siya manapak eh.

Ang cute niya talagang babae. Parehas kaming nakasalamin pero siya...mas maganda siya kapag walang salamin.

"Talaga ba? Buti naman lagot sila sa akin, hindi ako nagbibiro. W-Wala man sa pangangatawan ko pero malakas akong sumuntok!" pagmamalaki niya sa akin.

Nakakatakot din pala ang babae na ito.

"Hehe," tanging natugon ko.

"So anong ginagawa mo dito?"

"A-Ano kasi...nagbabasakaling may..." nagdadalawang isip na imik ko. Dapat ko bang sabihin ang totoo?

"Ha?" takang tanong niya. Hinarap ko siya at napangiti ako ng pilit

Mukha naman mabait siya. Wala namang masama kung sabihin ko sa kaniya ang totoo bakit ako nandito.

"Nagbabakasakali lang ako baka may bakanteng kwarto pa na pwedeng tulugan." nahihiyang paliwanag ko. Kita ko na nanlaki ang mata niya na tila ba nagulat siya sa sinabi ko.

"B-Bakit? wala ka bang matulugan? wala kang dorm?" sunod-sunod na tanong niya. Lalo lang tuloy ako nahiya pero... napagtanto ko na mukhang wala pa siyang alam sa kumakalat na balita tungkol sa akin.

"Parang ganon na nga," tugon ko.

Ano kayang magiging reaksyon niya pagnalaman niya iyon? Lalapitan parin niya ba ako?

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now