Chapter 11 - His feelings

2K 37 25
                                    

Para sayo to, bebelabs! =D haha. Salamat sayo. :D please read her story. ^_^ Smiley's Wide Imagination :)) nasa external link po. ^_^

Haha.~ salamat pala sa mga readers. *U* sana magustuhan niyo itong update ko na to. J favor lang po oh. Pahingi naman ng feedbacks.  :D haha. Salamat ng marami sa magbibigay.

---------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 11 – His Feelings

Nang madinig ko ang pagbukas ng pinto, hindi ako mapakali. Hindi ko maiwasang mapaisip kung sino kaya ang lalaking makakablind date ko. Wala na naman akong magagawa eh, andito na ako. Saka wala din namang masama kung makikipagkita ako sa ibang lalaki hindi ba? Wala naming magseselos eh kasi walang pakielam yung manhid na lalaki na yon!

Luh. Bitter. :3

Nadidinig ko ang yapak ng kanyang mga paa. Nararamdaman ko ang paglapit niya sa akin at unti-unti kong nakikita ang ibang bahagi ng kanyang katawan.

“Sino ka?” tanong ko sa kanya pero hindi ito sumagot kundi tumigil siya sandali sa paglalakad. Bakit kaya?

“S-Sino ka sabi eh?!”

Hindi na naman siya nagsalita, pero naglakad ulit siya papunta sa akin hanggang sa makita ko kung sino siya. Isang pamilyar na mukha. Nakakapanibago kasi nakasuot siya ng eyeglasses. 

Nakatingin lang siya sakin na halatang gulat na gulat din na parang hindi ako yung ineexpect niyang makita.

“I-IKAW?!” napatayo ako sa kinauupuan ko ng makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon. May alam ba sya dito? Nananadya ba sya? Tss.

Sino siya?

Sino pa nga ba?

Si Kevin na naman.  =____= Nangaasar ba itong mga kaibigan ko? Sila yung may sabi na lumayo na ako sa kanya pero sila pa yung nagpapalapit saming dalawa eh.

“Anong ginagawa mo dito? May alam ka ba dito? Kasi ako wala eh.” Tanong ko sa kanya.

“Oo, meron. Pero sa totoo lang, hindi ikaw ang iniexpect kong makita.” Sagot niya sakin habang nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. Halata naman sa mukha niya na nadisappointed siya eh.

Umupo siya.

Ako, nakatayo pa din. Nagulat ako sa sinabi niya. Hayan na naman yung mga linya niyang sobrang nakakasakit na ng damdamin.

“Wala ka bang balak umupo?” tanong niya sakin. Napatingin naman ako sa kanya. Anong bang iniisip niya? Kung hindi ako yung gusto niyang makita at makasama ngayon sana umalis nalang siya, hindi yung napipilitan siya.

Umarte akong normal kahit na inis na inis ako ngayon dahil yung taong gusto kong iwasan ay patuloy kaming pinaglalapit ng tadhana.

“Bakit ikaw ang nandito? Sila Jessy ba ang nagpapunta sayo dito?”  umupo ako. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya sa iba ako nakatingin.

“saka kung hindi man ako yung taong ineexpect mong makita, umuwi nalang tayo dahil wala din naman akong kaalam-alam dito.”

“Wag muna.” Seryoso niyang sabi sa akin.

Napatingin ako sa kanya bigla.

“Wag muna?? Bakit? Kung gusto mo tawagin mo nalang si Erica tutal siya naman talaga yung gusto mong makita diba?”

“Oo siya nga. Kaya nga ako nandito dahil sa kanya. Akala ko siya talaga yung nandito ngayon pero hindi pala.” Sige lang Kevin, saktan mo pa ako balang araw magiging bato na tong puso ko dahil masasanay na ako sa mga masasakit na sinasabi mo.

It's only a CRUSH but you call it LOVE (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon