Chapter 2 - Be his girlfriend?!

3.3K 82 60
                                    

 ♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥

Chapter 2 - Be his girlfriend?!

 Sabrina's P.O.V.

1 week later 

Grabe naman after 1 week tinutukso pa rin nila ako kay Kevin! tss Eh bakit sa iba kong crush hindi naman nila ako tinutkso ng ganto ka tindi? :3 Ayoko kasi malaman ni Kevin na crush ko siya baka kasi lumaki ulo nun or mailang sya sakin at hindi na ako kausapin nun. Minsan ko na nga lang sya makausap lalala pa ata lalo. 

Teka lang ..

  

  

bakit siya ung maiilang hindi ba dapat ako.? haha. nababaliw na ako kung ano-ano na pumapasok sa isip ko. Hindi ako obsessed sa kanya pero alam mo yung feeling na gusto mo siya makita palagi para maging maganda at buo araw mo?! Ang sarap lang sa pakiramdam at nakakagaan ng loob. ^_^

"Sabrina may assignment ka na?"  - Jessy

  

"Bakit nakatulala to at nakangiti mag-isa?!" 

Iniisip ko palang na magkakasabay kami pumasok sa room kinikilig na ako. Yiee.

Magkatingin lang kami, heaven na yun! 

Paano kung kausapin nya ako? HEAVEN lalo! Ugh.

 Ganito ang palagi kong naiisip sa araw-araw na makikita sa room. Ang hilig ko mag-isip ng nakakakilig na bagay tungkol sa mga crushes ko. Pero sa ngayon kay Kevin talaga ako nakafocus ngayon. hehehe. 

"Hoy! Sabrina!" sigaw ni Jessy sakin na may kasama pang tulak. 

"Oh, Ikaw pala. Bakit ka naman nanunulak?"  Panira ng iniisip. -_-

"Ang ganda-ganda na nangyayari samin ni Kevin eh. Nagkatitigan na at nagkausap oh! tss."

 Pabulong kong sabi sa sarili ko. Dapat kami na sa imagination ko. 

"Ano sabi mo? Loko ka ba kanina pa kita kinakausap dimo ako pinapansin."

  

"Huh. Ah.Eh. hehehe"

Ano bang palusot gagawin ko dito? O_O

 Ting *insert light bulb here*

"Pano kasi. Ano. Nagssoundtrip kasi ako. Kita mo naka-earphone ako." 

Buti nalang nakalagay ung earphone ko sa tenga ko, kaso walang tunog. Kunwari lang na may pinapakinggan ako. haha.

  

"Meron bang nagsasoundtrip na nakatulala at nakangiti?!" -.- 

"Meron. Ako! Natutuwa lang ako sa message nung kanta kaya ako nakangiti." 

"Sus! Ikaw talaga. Parinig nga ng pinapakinggan mo." sabay hugot sa isa kong headset na nasa left ear ko.

"Uy teka! Waaaaag!" Pagpigil ko sa kanya pero huli na ang lahat dahil nakabit na nya yung earphone sa tenga nya.

 I gave her a smile.  A faked smile.

" Wala ka naman pinapakinggan eh. Iniisip mo lang talaga si-" lumapit si Jessy sa ear ko.

  

"Kevin no?"

Nanlaki yung dalawa kong mata pero agad kong pinakalma ang sarili ko. Paano niya nahuulaan?! Ugh. Okay. Friend instinct!  

"Hindi kaya! Lagi nalang si Kevin. iba iniisip ko ah."

"Sino naman?"

"si Laurence! ung accounting student sa school. hehe. Gwapo yun." 

"tse. Puro ka palusot. Gumawa ka na muna ng assignment mo!"

----------- 

Kevin's P.O.V.

Pangalan ko ba ung nadidinig ko? Parang lagi ko nalang nadidinig na pinaguusapan ako nung magbabarkada na un ah.tsk. 

Ako nga pala si Kevin na sobrang suplado at napakamoody na tao. Matangkad, may saktong pangangatawan,may itsura daw at magaling sumayaw. Nag-aapartment ako malapit sa school at dito na rin ako tumira nasa ibang bansa kasi mga magulang ko. Math Class na pala.

"Ano ba yan hindi naman pala checheckan ung assignment! kainis. Sana hindi nalang ako pumasok!" napayuko nalang ako sa desk ng upuan at sinimulang ikabit ang earphone sa tenga ko.

Dumaan ung Math Class walang ginawa ung prof namin kundi magdiscuss ng magdiscuss tapos hindi pa chineckan ung assignment na pinaghirapan ko isolve! Gusto ko naman ng math, pero hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit may Math subject sa course namin. 

Paglabas ko ng room may tumatawag ng pangalan ko pero hindi ko pinansin. Halata kasing nantitrip lang. Wala ako sa mood pansinin sila. Hanggang sa may tumulak sakin sa likod kaya napadapa ako sa sahig kasama siya.

"Sht!" lagot sakin tong tumulak na to. Pat ako dinadamay sa kahihiyan nya.

"Aray ko. Ang sakit. So-sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry talaga." nanginginig ung boses nya halatang takot na takot. Mapagtripan nga kapalit ng pamamahiya niya sakin.

.

 Tumayo kami parehas at patuloy pa din siya sa paghingi ng patawad sakin.

"Sorry talaga. Sor-"

"ikaw, sino ka?" 

"A-ko? Hindi mo ako kilala? Classmate mo ako ah." pagtataka niyang tanong. 

.

"Alam ko. Pangalan mo?"

Actually kilala ko naman sya. Napapansin ko sya lagi dahil alam ko sya ung tinutukso sakin.

"Sabrina. hindi mo alam pangalan ko 3 months na tayo magkklase hindi mo pa din ako kilala.'

"Pakialam ko ba. Nakalimutan ko."

"Sus. Ang bata bata mo pa makakalimutin ka na!" sabay irap sakin. Aba. ang taray nitong babaeng to ah.


"Ikaw na nga ung tumulak sakin eh ikaw pa ung may ganang magalit!"

"Hindi ako galit. Sorry na hindi ko sinasadya." 

"Akala mo ba mapapatawad kita kagad. Nakakahiya ung ginawa mo sakin. napadapa ako sa harap ng madaming tao." ang galing ko pala umarte. haha.

"Ang arte. Ano bang gagawin ko para mapatawad mo ako?"

"Be my.."

 

"Be my ano? Alalay?!" - Sabrina

"Girlfriend"

O_____O

♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥

It's only a CRUSH but you call it LOVE (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon