Chapter 9 - because of love

2.1K 42 18
                                    

Hello @KimMinHa :) I dedicate this chapter to you! :) Love na love ko to. >:D ♥ I swear. Please read her story "Ang dakilang tanga-bow :) nasa external link po thank you!

 -------------------------------------------------------------------------------

Chapter 9 - because of love

"Sabrina?"

"Oh. ikaw pala yan. hehe." sabi ko. Biglang hinawakan ni Kevin yung kamay ni Erica. Si Erica naman napatingin lang kay Kevin.

Masakit pala kapag nakita mo ang taong gusto mo sa harap mo na may kasamang iba. 

magkaholding hands.

masayang magkasama.

nagtatawanan.

Wala pa ako sa punto na mahal na mahal ko na sya., pero bakit para nang hinihiwa ng kutsilyo ang puso ko sa gitna?

 Crush ko lang siya.. Crush lang talaga..pero nasasaktan ako.

 "Kamusta yung sa P.E. natin? Sorry nga pala kung hindi ako nakapasok ah. Nagdate kasi -" hindi ko na tinapos ung sasabihin niya. Lalo lang madadagdagan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Ah. Yung as P.E. ba? Edi ayun. zero tayo. hehe. pero okay lang recitation lang naman yun eh. P.E. lang naman yun. hehe. Ikaw talaga! wala lang yun. Sige ha. Mauna na ako. Hinihintay pa kasi ako ni Leo eh.." hindi ko na hinintay yung sasabihin niya. Tumalikod na agad ako sa kanila at naglakad papalayo sa kanilang dalawa.

 ang kapal ng mukha niya. ang kapal ng mukha niyang itanong sakin kung ano nangyari sa P.E.. maiiyak ako sa sobrang galit ko sayo. at maiiyak ako sa sobrang sakit n puso ko. 

"Sabrina!" napahinto ako sa paglalakad ko dahil bigla ako tinawag ni Kevin.. Hindi ako lumingon sa kanila dahil kapag nakita ko ulit silang magkasama baka hindi ko na mapigilan ang luha ko.

"Sorry. Babawi ako sa next na sayaw natin. Hindi ko lang talaga kayang iwan ang mahal ko lalo na't minsan lang kami magkita. Sige. Ingat ka."

 Nabingi ako sa sinabi ni Kevin. Patuloy lang na umuulit sa isipan ko ang mga linyang napagpaiyak sa puso ko ng tuluyan..

Hindi ko lang talaga kayang iwan ang mahal ko lalo na't minsan lang kami magkita.

Bigla akong nanigas sa kinalalagyan ko dahil sa sinabi niya. Lalo lang ako nasaktan. Sinasadya niya ba talagang saktan ako? Bakit kelangan niya pa sabihin yun? Ang tanga ko talaga. Sa kanya pa ako nagkagusto! sa isang walang pusong lalaki. 

Yumuko nalang ako at hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa sahig. I can't control my tears anymore.

Crush? Love? Ano ba ang pagkakaiba nila?

Para sakin, hindi ko na alam. </3

Third Person's P.O.V.

"Sa tingin niyo kamusta na si Sabrina?" tanong ni Racquel habang nanunuod sila ng movie sa sinehan.

"Hay ewan. Pero panigurado nagtanda na yun sa nangyari sa kanya kanina." sagot naman ni Jessy habang kumakain ng popcorn.

"Namimiss ko na si Sabrina eh. >___<" - Racquel

"Okay lang yun. Hahayaan lang naman muna natin niyang marealize na mali na yung iniisip niya. Okay? Manuod na nga lang muna kayo dyan." sabi ni Ella. habang nakatingin pa din sa pinapanuod nilang movie. Naisip ni Ella na mas maganda na yung hindi muna nila pansinin si Sabrina para matauhan na siya sa mga pinagsaabi niya.

It's only a CRUSH but you call it LOVE (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon