Chapter 65

1.3K 26 0
                                    

Sinama ako ni Charles sa restaurant na pagmamay-ari ng family ni Rego.

Pagdating namin, kumpleto na silang lahat maliban kay Kelvin. Alam niyo na. Tsk. Sayang!

Ngayon i-ce-celebrate talaga nina Anton, Sky, Tyrone, Rocket and Zhanra ang kanilang graduation. Hmp!

Pagkakita naman nila sa akin, agad akong nilapitan ni Fresh and Neli na halata din naman ang sobrang pag-aalala sa kanila. Ganun din ang nakikita ko sa mukha ng iba naming kasama. Alam naman nating lahat na fresh na fresh pa ang sugat dito sa puso ko.

"Friend, okay ka na? Buti at nakarating ka." Sabi ni Fresh.

"Friend, nag-alala talaga kami sayo." Sabi ni Neli.

"Psh. Ano ba? Naiyak ko na lahat kaya normal na ulit ako." Sabay ngiti ko ng hard sa kanila kahit na yung totoo, uminom lang ako ng ilang pitsel ng tubig para may supply na naman ako ng tubig sa katawan. Nye-he-he.

"Keri." Agad akong nilapitan ni Church.

Sa pag-alis ni Kelvin, bukod sa akin, nasaktan din si Church. Best friend niya yun eh.

"Dude." Sabay yakap ko sa kanya ng hard.

Hindi kami nag-usap at nagyakapan lang kami. Alam ko na nalulungkot din siya sa pag-alis ng ex-future husband ko. XD.

"Guys, kulang man tayo ng isa, wag sanang maging dahilan yun para malungkot tayo. Tandaan niyo, hindi pa tigok si Kelvin. Wag kayong atat." Sabi ni Charles.

"Amen!" segunda ko na lang at nagtawanan na lang kaming lahat. Nyahaha.

"Boyfriend, congrats. Grabeh. Proud na proud ako sayo." Sabay lapit ko kay Anton.

"Salamat girlfriend. Mabuti at nakarating ka." Siya naman yan na inakbayan ako at pareho na kaming pumili ng aming pagkain sa buffet table.

As usual, bukod sa mga staffs ng restaurant na ito, kami-kami lang mga magbabarkada ang nandito.

"Sus. Hindi ko papalagpasin ang real celebration ng boyfriend ko noh." Sabay saludo sa kanya.

"Okay ka na nga."sabi na lang ni Anton at kinindatan ako.

"Keri, maiintindihan naman kita kung mapapadami ang kain mo ngayon eh." biglang sabi ni Sky.

"Hoi impaktong Sky, hindi ako tulad ng iniisip mo noh."sabay irap ko sa kanya ng hard.

"Talaga?"

"Tseh!"

Si Sky naman, pinagtawanan lang ako pero bigla niya din akong hinigit palapit sa kanya sabay yakap niya ng hard sa akin.

"Okay ka na talaga huh. No more teary eyes." Dinampian niya din ako ng halik sa ulo.

"Opo. Salamat sa pag-aalala."

"Hindi ka naman iba sa amin."

"Kaya nga salamat."

After nun, pinagpatuloy ko na yung pagde-decorate sa plato ko. Nyehehe.

Hindi ko man maipakita ng maayos pero dito sa kaloob-looban ko, masaya ako ngayon.

Umupo na din kaming lahat pero this time, hindi namin pinagsama ang limang mesa. Talagang may nakahandang isang mahabang mesa para magkasya kami.

"Friend, graduate na yung iba." Biglang bulong sa akin ni Fresh.

"Oo nga eh. Sayang." Bulong ko din sa kanya.

"Anong bulungan yan?" sita sa amin ni Neli. Magkaharap kasi kami samatalang magkatabi naman kami ni Fresh kaya hindi siya nakasali sa bulungan namin. Buti nga! XD.

KERIOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz