Chapter 8

2.8K 43 5
                                    

Nakaka-one week na din kami ni Fresh sa SBA. Grabe. Ang tagal na din pala.

Sa one week na rin namin na pagbo-boy hunting, wala pa rin kaming may na ispatan. Imbyerna nga eh. Kahit isa lang sana. Pero wala tayong may magagawa, wala talagang may nakakuha ng atensyon naming dalawa.

Bumabaha din kaming dalawa sa vacant time kaya yung ginagawa na lang namin eh ang mag-boy hunting. Mas okay na yun kesa naman manumpa kaming dalawa ng mga babaeng ambisyosa na pakalat-kalat lang sa campus.

Dahil vacant namin ngayon, natripan namin na tumambay sa mga nakahilerang benches sa gilid ng field. Salamat na lang sa malaking puno dahil hindi kami naiinitan. Wala din kaming official na tambayan dahil kahit saan-saan na lang kami napapatambay.

Oh well, napagtripan na lang namin na maglagay ng nail polish ngayon.

Masyadong mahilig si Fresh sa nail polish. Hindi niya alam na mahilig din ako dito. HAHA.

"Hoi Keri. Ikaw ang maglagay sa left nails ko huh. Dapat maganda. Kung hindi, nako, bubuhusan kita ng nail polish." Nakapangdemonyitang smile siya.

Kala naman niya, masisindak niya ako. Nek-nek niya.

"Kahit anong pagpapaganda ang gawin ko sa kuko mo, wah epek din naman. Ang sagwa kasi ng kuko mo. Wala na 'tong pag-asa, friend." Syempre, nakapangdemonyitang smile din ako.

Masaya lang kaming nag-aasaran sa isa't isa nang biglang may lumanding na bola sa balikat ko.

Ay! Letche.

Agad naman akong tumayo at umuusok ang ilong ko na pinulot ang bola. Hindi naman ganun katindi yung impact pero, my gosh! Natamaan ako ng bola sa balikat! Makakapatay ako nito. Pigilan niyo ako friends.

Habang papalapit ako sa grupo ng mga kalalakihan na pinagtatawanan ang sinapit ko, hindi ko naman inaalis ang tingin kong pumapatay. Sobrang dilim din ng aura ko. Aba! Tinamaan nila ako ng bola tapos pagtatawanan pa nila ako. Makatarungan ba yun? Syempre, hindi!

Naka-uniform silang lahat na pang-soccer. Bwisit 'to ah. Kahit malalaki ang mga ugok na ito kumpara sa akin, hindi ko sila aatrasan.

Taas noo akong tumigil sa harapan nila habang nakatingala. Shet. Ang tataas kasi nila eh. Lahat din sila nakangisi habang nakatingin sa akin.

Naramdaman ko naman ang aura ni Fresh sa likuran ko. Ayos! May back-up na ako.

Gusto ko na kasing manuntok dahil pinagtawanan ako ng mga letsugas na ito. Yeah. Umiinit na yung kamao ko dahil gusto na niyang lumanding sa pagmumukha ng mga kapreng ito.

Bigla namang umabot sa boiling point ang dugo ko. Ang pangit kasi nilang tingnan. Nakaka-imbyerna ng hard.

"Mga walang modo. Pagkatapos niyo akong tamaan ng lintik na bolang 'to, pagtatawanan niyo pa ako? Nasaan ang manners niyo? Letche! Kung sino man ang sumipa ng bola na tumama sa akin, magsabi na ngayon pa lang kung ayaw niyong isa-isahin ko kayo." Umuusok talaga ang ilong ko sa inis. Feeling ko, umaapoy na din yung mata ko at feeling ko din, hindi magtatagal at magsu-super saiyan na ako. Ganern! Ang feeler ko no?

Wala akong pakialam kung puro sila lalake. Ang importante, maipaglaban ko ang aking karapatan. Aba! Uso sa akin ang makamit ang katarungan kaya humanda talaga ang mga ito sa akin.

Ako kaya si KERI.

"Yeah. Dahil kung hindi, ito na ang huling pagkakataon na makakatawa pa kayo na kumpleto pa ang mga ngipin niyo." Dagdag naman ni Fresh.

Bigla naman kaming nilapitan ng isang gurang. Tatawa tawa pa ang mga gago. Sa mukha nila, parang minamaliit nila kami. Oh well, hindi natin sila masisisi dahil hindi nga pala nila alam kung ano ang kaya kong gawin. Tsk.

KERIWhere stories live. Discover now