Chapter 10

2.5K 43 2
                                    

Geeez. Start na ng hell week. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Langya naman 'tong si Fresh. Lagi siyang nakabuntot kay Church. Pero, patago nga lang. Ang landi.

Ang lola niyo kasi, tinamaan na ata ng hard kay Church. Kunyare pa eh halata naman. Hmp!

Solo flight lang ako ngayon papuntang library. Wala eh. Ganyan talaga ang buhay. Kahit genius kana, kailangan mo pa ring mag-aral.

And guess what, na-shock ako pagpasok ko sa library.

Like, halos magkanda-ugaga na ang mga tao sa loob. Letche. Ngayon lang ata dumami ang tao sa library. Hmp! Examination week nga naman.

Nakapila na ako para mag-iwan ng gamit pero bigla akong may naamoy na mabahong something.

Eeeeeh. Gross!

Umalis na lang ako sa pila. Wala naman pala akong gamit na iiwan. HA-HA-HA.

Pero ang totoo, nakakasuka talaga eh. Tsk. Kung sino man ang nagpasabog ng nuclear bomb, himatayin na sana! Kadiri.

Bigla namang nagkagulo ang mga tao sa pila.

Syempre, umandar ang pagiging chismosa ko kaya lumapit din ako sa mga nagkakagulo.

Doon ko lang narealize na may nahimatay na isang babae habang pumipila. Nangisay siya sa sahig. Nagkandagulo gulo na. Jusko! Siya ata ang nagpasabog ng nuclear bomb. Siya ang nahimatay eh.

Umalis na lang ako sa kinatatayuan ko.

Gusto ko pa sanang mag-CR kaso tinatamad ako. Dumiretso na lang ako palabas ng library. Kaso, hindi naman ako makalabas ng maayos dahil may mga estudyante na nagtsitsismisan sa pintuan. Sa pintuan pa mismo. Tsk. They're blocking my way!

"Excuse me." Sweet kong sabi sa kanila pero echapwera ang beauty ko.

"Excuse me po." This time, sexy voice naman ako. He-he.

Pero ang mga letche, dakdak pa din ng dakdak.

Nakailang 'excuse me' pa ako bago tuluyang umabot sa boiling point ang dugo ko. Letche! Ang papangit na nga, mga bingi pa. Kasumpa-sumpang kalagayan.

"Hoi mga ateng! Ilang excuse me ang kailangan kong sabihin bago kayo umalis sa dadaanan ko? Like duh, can't you see it? Sa susunod na magtsismisan kayo, paganahin ang utak. Hell-oh? Bawal ang shunga-shunga. Alam niyo naman na dinadaanan ito. Tabi nga!" inis na inis na sabi ko sa kanila.

Tumabi naman silang lahat. Dapat lang silang mag give way sa magandang nilalang na kagaya ko kung gusto pa nilang sikatan ng araw bukas. Imbyerna!

Inhale-exhale muna ako ng hard. Pinapalabas ko lang naman ang lahat ng imbyernang energy sa katawan ko. Baka pumangit kasi ako eh. Hindi ko yun matatanggap.

Maghahanap pa pala ako ng lugar kung saan gagana ng maayos ang mga brain cells ko.

I still have 2 more hours pa naman para makapagreview sa Chem. Gusto ko na atang magpakalbo kung laging ganito ang buhay ko.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa dinala na lang ako ng paa ko sa likod ng library.

Maganda ang atmosphere dito. Very relaxing pa. Parang may mini-park kasi sa loob. Ang cool. Napapalibutan pa ng mga puno ang paligid. He-he. Sa pinakagitna naman ng lugar, may fountain. May mga statue din sa paligid.

Umupo ako sa isang bench at nagsimulang magreview.

Nakapag-aral na naman ako kagabi kaya slight lang na pagrereview ang ginawa ko.

After 30 minutes, I decided to go to sleep. Wala eh. Maganda kasi ang paligid kaya madali akong makakatulog kung ganito.

--

KERIWhere stories live. Discover now