Chapter 2

105 6 0
                                    

Mabuti nalang huminto ang kotse. Pumikit ako at huminga nang malalim. Hinakbang ko ang nanginginig kong mga paa patungo sa gilid ng kalsada. Nanlamig ang pakiramdam ko.

Hindi ako 'yong tipong palamura pero pabulong akong napamura. Ilang dangkal lang kasi ang layo ng kotseng 'yon sa tagiliran ko kanina, at halos huminto sa pagtibok ang puso ko nang pumreno ang driver, sakto sa harapan ko. Ramdam ko pa hanggang ngayon ang mabilis na kabog ng dibdib kahit na nandito na ako sa gilid ng kalsada. Napahawak ako sa dibdib. Muntik na.

Nagitla ako nang sunod-sunod na bumusina ang mga kotseng napahinto sa gitna ng kalsada. Napalingon ako sa kotseng itim na muntikang makasagasa sa akin. Nakahinto pa rin 'yon sa gitna ng kalsada kaya bumusina na ang mga kotseng nakasunod sa likuran.

'Wag mong sabihing haharurot siya at hindi hihingi ng pasensya sa akin?

Umandar ang kotse. Maang ko itong pinagmasdan habang dahan-dahan itong nag-park sa gilid ng parke na ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan ko. Lumabas ang drayber. Isang lalaki. Lumingon siya sa akin bago sinara ang pinto ng kotse. Nakita ko kung paano magdikit ang maninipis niyang mga labi bago humakbang palapit sa akin.

Huminto siya sa harap ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "It's not my intention to scare you. I'm sorry about earlier."

"T-Tinakot mo nga ako."

"I know. I'm sorry."

Tumango ako sa kaniya. "O-Okay."

"Do I have to give you a cheque for damages?"

Nagbaba ako ng tingin sa suot ko. "S-Sige. 1k." Tapos nag-angat ako ng tingin.

Narinig ko ang tawa niya. "I guess cash will do." May dinukot siya sa bulsa at inilabas ang one-thousand peso bill. "Here," aniya.

"Salamat." Tinanggap ko ang perang papel at ngumiti. "Mauna na ako. Mag-ingat ka sa pagmamaneho baka may matuluyan ka sa susunod."

"I'll keep that in mind, Miss. Thank you."

Lumapad ang ngiti ko at nilampasan siya. Naraanan ko ang kotse niyang kumikintab sa linis bago pumasok sa entrada ng Plaza Independecia. Pero habang naglalakad ako papasok sa Plaza, may naramdaman akong sensasyon, 'yong may nakatitig sa likuran ko.

Hindi ako mapakali kaya lumingon ako, at nakita ko ang lalaking nakausap ko kanina. Nandoon pa rin siya sa puwesto niya. Napalunok ako, pumihit, at binilisan ang hakbang. Ano 'yon? Bakit titig na titig? Hindi na ako nag-usisa.

MARAMING tao sa Plaza kapag weekends, kadalasan pa ay estudyante. Maraming nagdi-date na couples kaya gusto ko talagang maupo sa lilim ng puno at mag-type ng update habang panaka-nakang sumisilip sa mga couples na naglalambingan.

Nakakaganang magsulat ng break-up scenes.

Napangiti ako at nagtipa. This has been a journey of a wild flower, and Tyrus was my guide. Yes, he was just my guide - one who taught me things before I truly find the one destined to be with me. For now, I want to tell him the truth and I know it will never be the same again...

Napapitlag ako nang marinig ang halakhakan. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang ilang mga estudyante na nakaupo sa bench na nass tapat ko. Hawak nila ang mga cellphones sa isang kamay, milkshake sa kabila, naka-dekuwatro, at nakasuot pa ng school uniform. Naningkit ang mga mata ko.

"T*****! 'Yong maze! Bumukas!" sigaw ng isang babaeng nakapalda at nakabukaka. Kasama siya sa mga estudyante. May shorts siya sa ilalim pero ang sagwa pa ring tingnan.

Napansin ko 'yong mga lalaking nakaupo sa field, hindi kalayuan sa puno kung nasaan ako, nakangisi sila habang sumisilip sa ilalim ng palda ng babaeng nakabukaka. At ang nakakagulat, mas lalong bumukaka 'yong babae - parang gustong pagpiyestahan ng mga lalaki!

Last Degree (Complete)Where stories live. Discover now