Chapter 1

208 12 0
                                    

I once believed that the world should unite. For peace, for security, for prosperity. To end wars and conflicts. To fulfill our dreams and passions. To revive the humanity we had ages ago. To learn how to understand each differences and to erase cultural discrimination. To have gender equality. To build a better and brighter future for generations to come. To have one goal and one identity as fellow inhabitants of the earth.

I'm a fictionist, a famous novelist of romance and inspirational novels. I write my belief. I write my dreams. My dream of a better world, where there is no conflict, no crime, no discrimination, no poverty, no sickness nor illness, no pandemic nor epidemic. Where people live a life to the fullest. Without the cares and worries for the future.

I'm an influencer of the people. And I believe that my standing is right. We should believe that the world should unite. Now, it is our chance...

"Nagsusulat na naman ang ating writer. Kumusta naman ang bagong series mo ngayon, Vivid?"

Pinikit ko nang mariin ang mga mata at inilayo ang mukha mula sa screen ng laptop. "Ito, maraming nag-aabang. Nasa last chapter na ako ng nobela pero inistorbo mo ako. Salamat, ha?"

Natawa si Rey. "Ang hilig mo talaga sa romance, ano? Mag-try ka naman ng bagong genre. 'Yong aabangan ko."

"But my forte is romance. Saka, natitira ko na ang target audience. Hindi mo naman ini-expect na ikaw ang susundin ko above my million followers?"

"Asus. 'Yang million mo, wala lang 'yan sa three million ni EnviousIvy. Saka tingnan mo, bago pa matapos itong month, magkakaroon na rin ako ng one thousand followers."

Napailing na lang ako sa sinabi niya. "Mahirap kumuha ng followers kung wala namang masyadong nagbabasa sa akda mo. Sinabi ko na sa 'yo, pag-aralan mo ang target audience. Madali mo silang mahihila kapag nakuha mo ang panlasa nila."

"Hay nako, Vivid. Hindi lang sa pagsusulat nakasentro ang buhay ko." Binuksan niya ang kabinet ng apartment namin at nagbihis ng uniporme. "Sobrang busy ko ngayon. Magpa-pasko na't hindi man lang kami binigyan ng bunos ni Sir Walrus. Paki-lock na lang ng apartment kung wala pa ako mamayang gabi, ha? May susi naman ako rito at doon na rin ako kakain sa labas."

"Okay."

Bumaling si Rey sa akin at tumitig. "Alam mo, answerte mo. Kahit na nakakulong ka lang dito sa apartment pero tuloy-tuloy lang ang pasok ng pera sa bangko mo. Hay. Sana ganiyan din ako. Mahirap nang kumayod bilang cashier sa Mall ngayon."

"Sinabi ko na sa 'yong maraming paraan para kumita. Ang kailangan mo lang, diskarte."

"O siya, papasok na ako. 'Wag mong kalimutang mag-lock ng pinto."

"Alam ko. Pasok na, late ka na."

Kumaway siya bago lumabas ng pinto. Bumuntonghinga ako at muling binaling ang tingin sa laptop. Siguro, naiisip niyang maswerte ako. Pero hindi niya alam na sobrang lungkot ang trabaho ng isang full-time novelist. Buong araw na nakaharap sa screen, babad na babad sa radiation kaya minsan nakakasakit na ng mata at ulo. Kung pwede lang magtayo ng sariling negosyo, gagawin ko. Kaya lang, sobrang hassle at magastos. Kahit na may pumapasok na pera sa bangko at nakakadeposito para sa savings, hindi pa rin sapat para maging puhunan.

Napatitig ako sa huling salita. Chance...

Dahan-dahan akong nagtipa sa keyboard. Nag-aalinlangan kung anong sunod na salitang dapat ilagay. Pumikit ako at huminga nang malalim. Tumayo ako at nagpunta sa fridge. Kinuha ko ang pitsel at naglagay ng tubig sa baso saka uminom.

Last book para sa series. Isusumite ko na ang manuscript sa publishing house. Baka sakaling makakuha ng libreng critique kung rejected, o magkakaroon ng pera kung approved. Bumuntonghinga na naman ako.

Napatingala ako sa kisame at nilibot ang tingin sa loob. Ah, naintindihan ko na. Masyadong closed ang environment. Parang mas magandang magsulat sa labas.

Nagpunta ako sa munting banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis. Isinilid ko na rin ang laptop sa lalagyan at nilagay ang mga importanteng gamit sa loob ng shoulder bag. Lumabas ako ng kuwarto at ini-lock ang pinto.

Dumiretso ako pababa ng 3rd unit. Nakita ko pa si Aling Josefina na abala sa paglilista ng mga order ng kapwa ko tenants. Kumaway lang siya nang makita ako bago muling tinuon ang atensyon sa babaeng kasalukuyang nag-o-order. Nagtuloy-tuloy ako palabas ng building.

Mataas na ang sikat ng araw at maraming mga sasakyan sa highway. Usok ang sumalubong sa akin sa labas ng gate kaya sinuot ko agad ang face mask. Binuksan ko na rin ang portable umbrella at nagsimulang maglakad patungo sa parke na ilang lakad lang mula sa building ng apartment.

"Vivid Letecia Dela Serna!"

Huminto sa paghakbang at nilingon ang taong tumawag sa akin. Nakangisi siya at may dalang basket ng gulay. Ngumiti ako sa ilalim ng mask. "Anong atin? Ang aga mo namitas."

Humagikgik si Yuri. "Hindi. Medyo napaaga ang labing-labing namin ni Mister kaya ganadong mamitas."

Nangunot ang noo ko at napailing. "Si Marlon? Akala ko bawal kayong mag-ano?"

Natawa siya. "Biro lang 'yon. Nagpa-check up kami kahapon, ansabi pwede na raw. Halos isang taon na rin after kong manganak."

"Naghilom na ang sugat sa ilalim?"

Tumango siya. "Medyo masakit nga lang kagabi kasi isang taon rin kaming hindi nag-ano. Pero ayos naman. Masarap pa rin naman ang asawa ko."

"Hmm... okay 'yan."

"Ikaw..." Tinapik ni Yuri ang balikat ko. Napatingin ako sa kaniya. "Kumusta pagiging writer mo? Balita ko, andami mo na raw fans. Aba, lumelevel-up na ang Vivid namin," bungisngis niyang saad.

Napailing ako. "Mahirap nga."

"Anong mahirap? Ansaya kaya no'n. Biruin mo, maraming humahanga sa 'yo."

"Kulang pa rin."

"Anong kulang? Gusto mo ng mas marami pa?"

"Ibig kong sabihin, may kulang pa rin. Kahit na naabot ko na ang rurok ng pangarap ko, pero may kulang. Hindi ko alam kung ano."

"Hmm..." Ngumuso si Yuri bago ngumiti-ngiti at tinataas-taas ang kilay. "Baka asawa. Kulang ka ng asawa. Bakit hindi ka mag-asawa? Ilang taon na lang at lalagpas ka na sa kalendaryo."

"Wala naman akong planong mag-asawa."

"Anong wala? Baka nasobrahan ka na sa pagiging romance writer at baka libro ang aasawahin mo. Naku, Vivid, hindi ako dadalo sa kasal niyo ng libro mo."

Natawa na lang ako sa pinagsasabi niya. Huminto kami sa harap ng bahay niya at ni Marlon. Nakita ko ang lalaki na nagsisibak ng kahoy sa harap ng bahay nila. Tinuro ko 'yong asawa niya. "Si Marlon."

Narinig ko ang hagikgik niya bago nagpaalam sa akin. Nagkibit-balikat ako at kumaway na lang bago tumawid ng kalsada. Hindi pa ako nakakaabot sa dulo nang may sasakyang humarurot palapit sa direksyon ko.

Wala naman akong planong magpasagasa. Wala rin naman akong planong magpakamatay. Pero 'yong mga oras na 'yon, natuod ako sa kinatatayuan. Siguro sa sobrang gulat o ano. Hindi ko mapaliwanag.

Last Degree (Complete)Where stories live. Discover now