Chapter 5: A Folded Wish

35 2 0
                                    

As we grow and mature, we listen and learn from the world and others around us. That is why when others listen and learn from us, we know that our needs are valid and that we are valuable. As well as our opinions and thoughts are also important. Habang patuloy tayong nakikisalumuha, nalalaman natin na bawat isa ay mayroong kani-kaniyang pagkakakilanlan, abilidad at iba't-ibang pag-uugali. By these, we do know who we are.

May ilang nagsasabi na kapag hindi mo raw kilala ang sarili mo hindi mo malalaman ang purpose mo sa mundo, dahil ang purpose mo ang dahilan kung bakit mayroon ka pang buhay. Pero sa tuwing iniisip ko iyon, it felt like recognizing my self wasn't necessary because perhaps it wasn't what I really wanted.

Hawak ang draft paper na sinulatan ko ng kaunting salita ay tinupi ko iyon ng ilang beses upang maging hugis eroplano. Dahil sa ipinapagawa ng gurong iyon lahat yata ay nagiging weirdo na, maging ang sarili ko. Yosh!

Nang mapalipad ang eroplanong papel ay nagtungo na ako sa faculty room para ipasa ang activity kay Ms. Tina. I tsked, ginugulo niya ang isip ng mga estudyante and then I remembered the face Heena had made while thinking who she wanted to be. Well, it was in a good way to some.

Nasa daan ako papunta sa aming silid-aralan nang wala sa sariling tumigil ako at minasdan ang music room. I felt impelled to go there. Naalala kong muli ang musikang nagmula roon kanina. Ah, curiousity killed the cat. But I'm literally not a cat so maybe I could be an exception.

Sinimulan kong maglakad papunta roon. Ilang hakbang pa bago ako makarating ay lumabas na sa pintong iyon si Heena. Nang malapit na siya sa akin ay sumunod na iniluwa ng pinto si Riouin. Did he play that music? Pero ang tanda ko ay hindi siya marunong tumugtog ng Piano. Ngunit sa tagal, hindi imposibleng isa iyon sa mga pinag-aralan niya lalo't mahilig siya sa musika.

"Zierra Fyn! Matapos mo akong iwanan ay hahanapin mo ako na parang wala lang iyong ginawa mo, ha?" May himig ng tampo ang tono ng boses niya nang tinanong niya iyon. Napakabilis niyang maglakad na para bang kapag nahagip ako ng kamay niya ay hindi na ako makakatakas hangga't hindi siya nakakarinig ng paumanhin mula sa akin.

Subalit kahit gayon ay hindi ko pa rin inaalis ang paningin sa pinto. Hindi ko alam, para bang may hinihintay pa akong lumabas doon.

"Hoy Zierra Fyn! Anong tinitingnan mo? Lumampas na sa atin si Riouin." Napansin ko sa peripheral vision ko na itinuro niya pa ang taong binanggit niya. Pero hindi ako nag-abalang sulyapan iyon.

Isang minuto, ang pinto ay nanatiling sarado. Tumingin ako kay Heena. Tila gusto kong magtanong, pero hindi ko alam kung paano bubuuin ang pangungusap at gawin iyon. Kaya't ang hintayin na kusang may sabihin siya ang tanging nagawa ko.

Ngunit sa halip ay sumimangot ito. Naguguluhan rin siguro sa kilos ko.

"Wala." Payak na sabi ko.

"May nasabi ba akong mali sa field kanina?" Nag-aalalang tanong niya.

Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. Umaliwalas muli ang kaniyang mukha at nawala ang kaniyang nakakunot na noo. Sunod ay nagsimula na kaming magmartsa pabalik ng faculty para idaan ang activity ni Heena.

"Am I not supposed to say what I said?" She just paraphrased her question. Hindi siguro matatapos ang vacant time hangga't hindi ko nasasagot ang tanong niyang iyon.

"No. But, the impression that you have for me is to good to be true. I might as well not expect for anything. And besides, it will make everything less difficult," paliwanag ko.

Natahimik si Heena. Sa sandaling iyon ay ako naman ang napaisip kong may mali ba akong nasabi. Siguro, there were things we couldn't explain in the exact way that other people could understand just like we do.

Paglabas namin ng faculty ay tumigil si Heena at tumingin ng diretso sa mata ko. She smiled.

"Zierra, I know. We see some things differently. I have my own perceptions and so do you." Hinawakan niya ang kaniyang baba at inilagay ang isang kamay na may ballpen sa kaniyang bulsa. "But I still believe. And I want to have a reality in which people and things are brighter and more colorful. We suffer in various struggles, but, like the clouds that could not hold a heavy storm, it let them fall. We are all experiencing hardships. But even though we are as little as adult do find us, we should be bigger than our storm. Because somehow, just if, we are the one who makes it," tumigil siya at tumingin sa makakapal na ulap bago muling nagpatuloy. "Just if in case we create our own storm; you see, that is why we are the only one who can carry and survive through them." Mahinahon at malungkot ang boses niya. I didn't know whether it was just my imagination, nang may munting kumislap sa mga mata ni Heena.

We didn't usually talk like this. Hindi ako sigurado kung iyon ay eksplanasyon lamang niya o may mga bagay na hindi ko nalalaman. Pero katulad ng sabi niya, hindi ako ang taong mapang-usisa. Kung ano lamang ang sabihin sa akin, sa aking palagay, ay iyon lamang ang dapat kong malaman. If they are not ready and comfortable to share, I don't force people to tell a thing. I call it respect. Which refers to what I believe that each has its right to secrecy and privacy. No one should invade that unless the person is willing to do so. But if you have already asked, and you have not received a reply, don't push them. Learn to show sympathy.

"Sana ay magkaroon ng araw sa tuwing matatapos ang ulan. So you can see a bright day and your colorful rainbow." I stated and started to walk. Lumingon ako sa kaniya at pilyang ngumiti. "Because I know you never get to see a Unicorn." I continued.

"Ha Ha Ha! Hindi bagay sa iyo halimaw! And I don't expect a Unicorn to be seen. Ha Ha Ha!" Mas masarap yata sa taingang marinig ang tawang iyon kaysa sa tono ng boses na nilikha niya kanina.

She wiped something off her eyes. Pinagmasdan ko si Heena. Habang tumatawa siya at hinahabol ako ng mabagal niyang pagtakbo, somehow I felt like, in some imprecise way, the folded paper I flew was never wasted or never would be a trash.

Tumigil si Heena sa marahang pagtakbo at banayad na inihakbang ang mga paa. Nakatingin siya sa direksyon ko pero hindi sa akin kung hindi sa bandang likuran ko.

Someone patted my head na ikinakunot ng noo ko. Who the heck? Sa pagkataka ay nilingon ko iyon.

Bago ko pa man makita kung sino ang lapastangan ay nahagip ng paningin ko si Riouin sa hindi kalayuan na nakatingin; hindi ko sigurado kung sa akin o sa taong nakahawak sa ulo ko. Yosh!

Kung ikukumpara sa kapwa ko babae ay mas mataas ang height ko. Nakakapantay ko ang tangkad ng avarage na lalaki. Subalit hanggang balikat lang ang ako ng taong iyon at hindi pa rin niya inaalis ang peste niyang kamay sa akin.

Nang makaharap ako, ang uniform at ang nakasabit na ID niya ang natanaw ko.

After reading the name, that I couldn't remember if I heard somewhere, ay marahan ko na sanang iaangat ang ulo ko para silipin ang mukha ng nilalang na unfamiliar ang ngalan. Ngunit sa isang kilos ko pa lang ay mabilis na nitong nai-bent ang katawan para magtama ang mukha namin.

Ngumisi ito, "Catch you."

I'm not a cat but that doesn't mean that I'm a mouse. Ang alam ko rin ay magkasundo ang aso at daga sa Tom & Jerry.

Why am I into cartoon, again? Yosh!

The Depths of TimeWhere stories live. Discover now