Chapter 3: Never Unknown

68 3 1
                                    

I've been told there are things that happen in life that we least expect. Since life itself is brimming with surprises. And today, I got another unpleasant one.

Nakailang pikit ako ng mga mata and within a couple of seconds my mind started to notice and recognize the view around me. Mula sa kaninang pagkabigla, I am already beginning to get my senses back.

I never envisioned being close to anyone in the way I am now. Napaka-uncomportable ng posisyon na ito na mas lalong hindi ko ikinatuwa.

I wasn't sure what his problem was, why he had to pin me down to the ground and cover my mouth as though both of our lives depended on silence. Kung sinuman ang taong papalapit sa lokasyon namin ay hindi ako interesado. Isa pa siguradong hindi naman ako ang pakay niya.

Nang akma akong magpupumiglas ay hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Pero hindi intensyon noon na saktan ako kung hindi ang pigilan lamang akong kumilos. Nagdikit ang mga kilay ko at inis na tinapunan ng tingin ang taong iyon.

Usually, I have never stared at people. Ngunit sa lapit ng distansya ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang kaniyang mukha. He's got this defined jawline, sultry lips with beautifully-shaped cupid's bow, straight-edged nose ending with a soft curvy tip and those naturally single-edged eyelids with longer but smaller deep-set brown eyes. Mas lalong pinaganda ng sinag ng papalubog na araw ang mga matang iyon. It could be one of the most wonderful thing I've ever seen.

There's no way he was perfect. But there was something else about him that retained my attention. I got to think what kind of person he was. And at that last thought I tore my eyes away.

Nang ibalik kong muli ang paningin sa kaniya, I figured he was looking back. Nakita ko kung paano mas lumiit pa ang singkit niyang mga mata na animo'y sinusuri ang aking mukha. Kumunot ang noo ko nang umangat ang gilid ng kaniyang labi.

"You're blushing," he whispered. I felt a bit dizzy and slightly ill as his warm breath gently fanning against my cheek.

I silently cursed. Yosh! Gusto kong parusahan ang sarili dahil sa mga sandaling tinakasan ako ng reyalidad and as I admire the facial features of this jerk.

Bago pa ako muling malinlang ay pinalis ko ang kaniyang kamay na nasa aking bibig. I was humiliated beyond belief!

"Yes, because I'm fuming with anger. Sino bang nasa tamang pag-iisip ang hindi iinit ang ulo sa stunt mong ito, ha?" I hissed while shooting daggers at him.

Nagtatangis na ang bagang ko ngunit siya'y nanatiling kalmado. Paano niya natatagalan ang mga titig ko? Kung sa iba ay nag-iwas na ito ng tingin. Maging ang mga salitang lumalabas sa aking bibig at ang tono ng aking pagsasalita ay hindi rin nakakaapekto sa kaniya.

This conversation would never have been necessary if I simply kept what I feel to myself and did not voice it out. Yosh! Maliban sa akin, may mali rin ba sa araw na ito o talagang kakaiba lamang ang taong ito? But either of the two, hindi ko na dapat abalahin ang sarili ko roon. Ang importante lang sa akin ngayon ay mapigilang magsalita ang taong ito sa anumang narinig niya kanina.

If there's someone who would disclose it, let nobody be it. Wala rin naman sa plano ko na aminin iyon.

"What a sight to behold," he paused. Binusisi pang maigi ang buong mukha ko na para bang minememorya ang bawat detalye at sulok nito. "But you don't scare me," he said with a smug look on his face.

Awtomatikong naitulak ng isa kong kamay ang kaniyang dibdib upang bahagyang ilayo sa akin. Napakalapit, bawat sandaling nalipas ay tila mas nahihirapan akong huminga.

"This is getting nowhere. Let's finish off with a deal. All right? We'll do each other a favor," I stated.

"Spill and then I'll think about it." Walang reaksyon niyang tugon.

Hindi ko pa man nasasabi ay inihanda ko na ang sariling madismaya sa magiging resulta. 

"Promise me, you'll forget everything you hear from me in there," turo ko sa direksyon kung saan ako sumigaw. "Or else I'll help that someone find you." It's my last resort, wala naman sana akong pakialam subalit ang taong ito ay posibleng sa parehong paaralan ko nag-aaral. I couldn't let it slide.

Saglit siyang nag-isip, "I don't make promises." Malamig niyang sagot at niluwagan ang hawak sa akin.

Mukhang hindi talaga aayon sa akin ang araw na ito. Iniisip ko tuloy kung dapat na bang makinig ako sa payong magbasa ng horoscope tuwing umaga.

"Yosh!" Singhal ko. Agad nagkaroon ng pwersa ang aking tuhod at sinapol niyon ang kaniyang tiyan.

He flinched. Mabilis akong tumayo at pinagpagan ang nadumihan kong uniform. Binabawi ko nang hindi ko ito palalampasin.

"Madali akong kausap," saad ko. 

The deal was retracted. Hindi ako iyong tipong ipipilit ang gusto kapag sa unang beses ay tinangihan na ako.

Inangat ko ang isang kamay at sumipol nang malakas.

"Sir Al?" Wala pang isang segundo ay mas malinaw ko nang narinig ang tawag. 

Sinulyapan ko ang taong iyon. Atubili siyang tumayo kasabay ng paglaho ng anumang ekspresyon sa kaniyang mukha. Kung kanina ay hindi ko iyon tiyak mabasa, ngayon ay mas naging blanko pa. Sa ganoong tagpo ay nilisan ko na ang lugar.

Habang naglalakad palayo ay saka ko lang napansin ang sakit ng balikat ko na unang tumama sa lupa. Maging ang gilid ng tuhod ko ay may kaunti ring gasgas. 

Ang lalaking iyon! Hindi man lang humingi ng pasensya sa kalokohan niya! Yosh! Umiling-iling ako. Ano bang aasahan ko sa mga kapwa ko kabataan ngayon? Maaaring ganoon din naman ako sa ibang paraan. 

Tumigil ako sa isang convenient store malapit sa aking tinutuluyan. Nang makuha ang ilang cup noodles at mineral water ay nagpunta na ako sa cashier desk para magbayad.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para sundan ng tingin ang batang palabas. Ibabalik ko na sana ang atensyon sa nagsasalitang cashier nang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na lalaki sa labas ng gusali kung nasaan ako. Hindi na siya naka-uniform. Nakasuot ito ng black snapback cap, plain T-shirt at maong short. Mayroon siguro siyang hinihintay.

"Miss," tawag muli ng kahera. "Three hundred forty-five pesos and seventy-five cents is your change." The woman said as the cash register closed. Iniabot niya ang sukli sa akin.

Mula sa labas ay hindi kita ang nasa loob ng store. Kaya't hindi na ako nagtaka nang lumingon siya dito ay hindi niya ako napansin.

Bitbit ang pinamili ay palabas na sana ako.

Ngunit, marahil kulang pa ang lahat ng nangyari ngayong araw. Well, another unpleasant surprise in front of me, na kung tutuusin ay hindi ko na dapat ikagulat.

Mula sa bagot ng paghihintay ay nakita ko kung paanong agarang nagliwanag ang mukha ni Riouin nang sandaling masilayan ang pagdating ni Kaine. 

Ang mga ngiti niyang halos hindi ko na maalala kung kailan niya huling ipinakita sa akin ay tila napakadali lang gawin para sa babaeng iyon.

That's great... just great.

The Depths of TimeWhere stories live. Discover now