Chapter 7

47 34 1
                                    

Summer's POV

Iniwas ko na lang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam e pero nagiging wierd si Declan. Inenjoy ko na lamang ang City lights. Ang ganda kasing tingnan kahit 6:30 pa lang. Oo nagabihan na kami dito. Hindi ko alam e kasi yung iba inuulit pa ang rides. Tahimik lamang kami hanggang sa matapos ang last ride namin. Medyo nawala na rina ng pagka fear of hieghts ko dabil kay Declan.

Pagbaba namin ay agad naman silang nag compliment tungkol sa nakita nila.

"Hoy kain na nga muna tayo nagugutom na ako." Reklamo ni Snow na isang foodlover.

"O sige doon tayo sa plasa hindi lang malapit dito." Suhestyon ni Autumn. Kaya pumayag naman kaming lahat kahit hindi namin alam kung anong merong tinda doon sa plasa dahil gutom na kami. Kanina pa kasi hindi kumakain para hindi kami masuka pagkatapos naming sumakay sa mga rides. Nagsimula naman kaming maglakad papunta doon sa sinasabi ni Autumn. Habang naglalakad kami ay tumitingin naman ang mga sa amin or sa boys.

"Hoy!" Pagtawag ko sa kanila.

"Hmmm?" Sagot naman nila sa akin at patuloy lang sila sa paglalakad at hindi man lang nila ako nilingon. Mga puta.

"Kelan pa kayo naging close?"

"Nino?" Sabay sabay nilang sagot.

"Kayo ng mga kapatid ko at kayo."

"Ang iba sa amin ay magkaklase ate." Natatawang sagot ni Snow. Hindi na lang ako sumagot. Siyempre hindi mawala ang bangayan nila.

Dumating kaming hindi mapayapa sa Plasa.

"Hoy Autumn ano kakainin natin dito? Damo?" Sabi agad ni Snow pag dating namin.

"Duh! Kakain tayo street foods!" Sabi ni Autumn. Agad namang ngumiwi ang mga boys.

"Huwag niyong sabihing hindi pa kayo nakakain nun?" Sabi naman ni Spring.

Umiling naman silang lahat na parang mga bata. Tinawanan ko naman sila at naunang pumunta sa unang tindahan. Ang fishball.

Sumunkd naman sa akin ang mga kapatid ko at ang boys. Kumuha ako at mumuha rin ang mga kapatid ko. Limang sticka ng kinuha ko at kada stick ay may limang piraso at tiglilimang peso lang ang presyo nito.  Nagbayad agad ako at umupo sa Bench na katabi nito at sumunod naman sa akin si Declan habang ang mga kapatid ko naman ay tinatry na pinapakain ang boys.

"Nakakain ka na ba nito?" Tanong ko sa kanya habang nginunguya ang unang Fishball ko.

"Hindi pa pinagbawalan kasi kami ni Mommy kasi daw baka marumi ang tinda nila." Agad ko namang tinakpan ang bibig niya pagkasabi niya non.

"Hinaan mo boses mo nakaksakit iyang sinasabi mo sa nagtitinda." Bulong ko at dahan dahang kinuha ang kamay ko sa bibig niya.

Naririnig namin mula dito ang tawa ni Snow. "Natatawa talaga ako sa reaksyon ni Ate kanina sa drop tower. Fear of heights pa nga." Pagkasabi ni Snow na yun ay agad naman silang tumawa siyemore except dun sa dalawa alam niyo na kung sino yun. Tumawa rina ng katabi ko kaya siniko ko ito at binaling ang tingin ko kay Snow.

"E ano naman ngayon kung may Fear of Heights ako? E kung may fear of Heights ako e ikaw walang height.!" Sigaw ko sa kanya na ikintawa pa lalo ng iba. Nagpout na lang ito at paiyak iyak kuno.

"Gusto mo?" Tanong ko kay Declan habang binibigay sa kanya ang natira kong fishball. Agad naman itong umiling. Napairap naman ako sa ginawa niya. Kinuha ko ang isang fishball sa stick gamit ang kamay ko at isinubo ito sa bibig ni Declan.

Magagalit pa sana siya kaso nginunguya na niya ang pagkain sa bibig niya at nang nalunok na niya ito agad naman niyang kinuha ang natira kong fishball. Tinignan ko na lamang siya habang kumakain hanggang sa matapos siya. Ngumiti naman siya sa akin pagkatapos.

Hold Me TightWhere stories live. Discover now