Chapter 6

52 38 1
                                    

Summer's POV

"Hindi niyo sinabing naka couple shirt pala kayo ni Declan ha!" Sabi ni Autumn. Napatingin naman ako kay Declan na naka Babyblue plain Tshirt.

"Manahimik ka sa Autumn gusto mong iwan ka namin dito?" Sabi ko at pinandilatan siya ng mga mata. Hindi na lang siya sa sumagot sa halip ay nauna na lamang siyang lumabas.

"Saan ba ang unang pupuntahan natin?" Tanong ko habang naglalakad kami sa sasakyan namin.

Iisa lang ang sasakyan naming lahat. Paano kami nagkasya? Hindi ko rin alam kaya huwag niyo akong tanungin.

"Amusement Park daw." Sagot ni Arthur. I took a glance on Declan I noticed that his hair was a bit messy today and made him look hot.

T-teka? Ano? Sabi ko? Hot? Taena nababaliw na ata ako. Inialis ko na lang tingin ko sa kaniya at pumasok na sa sasakyan. Ako ang umupo sa Driver Seat. Siyempre kasi ako ang magd drive. Katabi ko naman si Callix. Mabuti nga at siya ang katabi ko para tahimik. Walang istorbo.

"Andyan na ba lahat?" Tanong ko sa kanila.

"Opo!" Magalang na sagot ni Rain. Mabuti pa tong si Rain magalang sa akin samantala ang iba dyan tamang Hoy lang sa akin.

Dahil andyan naman silang lahat ipinaandar ko na ang sasakyan. Nagsimula na akong magmaneho. At siyempre hindi tahimik ang byahe namin. Kasama mo ba naman ang ugok na si Aux at Autumn. Magkakatuluyan ata ang dalawang to e.

Hindi mawala ang ingay nila hanggang sa makarating kami sa Amusement Park. Isa isa kaming bumaba sa sasakyan. I chineck ko muna ang sasakyan bago umalis. Baka pagsamantalahan pa to e.

"Diba sila ni Declan iyon?"
"Omyghad! Ang gwapo ni Callix!"
"Ang hot ni Arthur myghad nakakalaglag panty!"

Yan agad ang bungad sa amin pag pasok namin sa Amusement Park. Mahirap pag may kasama kang gwapo para sa kanila. Hindi ako nagagwapohan sa kanila.

Naglakad lakad muna kami bago sumakay sa mga rides dito. Ang ganda kasi purple at pink ang theme nang park na ito. Marami din akong nakikitang couples,bata, and even olds. May Ferris wheel, Merry go round,  bump car, horror train, anchors away, drop tower, roller coaster at etc. ang mga rides na nakikita ko dito. Hindi ko pa nasabi sa inyo na may fear of heights ako.

"Ate walang atrasan ha!" Panunukso ni Snow sa akin.

"Bakit?" Tanong ni Hendrix.

"May fear of heights si Ate!" Sigaw naman ni Spring.

"Shut up." Sabi ko sa kanila at hindi na sila pinansin.

"May fear of heights ka pala?" Sabi ni Declan at sinabayan ako sa paglalakad. Siniko ko naman siya at tumawa naman ito.

"Manahimik ka diyan."

"Ano ang unang sasakyan natin?" Tanong ni Winter. Kailan pa to marunong magsalita?

"Anchors Away!" Sigaw ni Spring. Ang pagiging bata niya ay lalabas na. Nagsingayunan naman silang lahat kaya ayun pumunta na kami sa Anchors Away.

Feeling ko lalabas puso ko ngayon e. Sa totoo lang hindi sana ako sumama dito kaso gusto kong mawala sa isip ko yung nangyari kanina kaya pumayag ako. Sa kasalukuyan ay kumukuha pa ng ticket si Callix. Hindi pa nga kami nakasakay ay kinakabahan na ako.

"Uy! Bakit namumutla ka?" Tanong ni Declan.

Hindi ko siya sinagot. Nahihiya ako e. Napatingin naman ako ngayon sa taong nakasakay sa Anchors Away at sumisigaw. Dumagdag naman ang kaba ko. Mommy ko! Help me!

"Natatakot ka? Tabi tayo hanggang sa matapos to mamaya para may kakapitan ka para hindi ka matakot." Sabi niya at ngumiti. Tumingin ako sa kanya at tumango na lamang. Hindi ko alam pero bakit ang bait bait ni Declan sa akin kahit sinusungitan ko siya. Lagi niya akong nginingitian.

Hold Me TightWhere stories live. Discover now