CHAPTER 17 - not in the mood

8.3K 180 18
                                    

CHAPTER 17 - not in the mood

Naka ilang tapon na ako ng papel dito. Wala kasi talaga kong magawang maayos. :|

"Mukhang wala ka yata sa mood ngayon Chels." sabi ni Tita Carol

"Ah pasyensya na po tita. Medyo sumama po kasi pakiramdam ko."

"Ganun ba? Sige, gusto mo sa bahay niyo nalang gawin yan? Magpahinga ka nalang rin muna."

"Sige tita, mas okay yun. Hahatid ko nalang to bukas." at tumayo na ako agad para makaalis na

"HAHAHAHA nakakatuwa ka talaga Troy :D Kaya kita sobrang namiss" narinig kong sabi ni Vanessa, pababa na sila. Dapat makaalis na ako agad.

"Ah tita, alis na po ako."

"Sige Chels. Magpahinga ka okay?"

"Opo, salamat."

"Wait, where are you goin?" tss :| anu ba tong babae na to.

"Uuwi na siya Vanessa. Masama kasi pakiramdam ni Chels." - Tita Carol

"Huh? Masama pakiramdam mo?" sabi bigla ni Troy

"Ah eh, medyo. Kaya aalis na ako. Sige tita aalis na po ako."


Biglang lumapit sa akin si Troy at pumunta sa may harapan ko


(O.O) <-- ganyan ako ngayon


Hinawakan kasi bigla ni Troy ang noo ko.

"Hindi ka naman mainit." sabi niya. IHHHHHHH! Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. >///////<

" . . . . . . . . . "

"Ihahatid na kita sa inyo."

"Wag na."

"Tara na." At hinawakan niya bigla ang kamay ko >///////<

Tinabig ko yun, naging dahilan para mabitawan niya ang kamay ko.

"Wag na sabi." At binilisan ko ng maglakad palabas

Kung ano ano naiisipan niyang gawin >///////<

Kanina ni di nga ko pinapansin tapos kunyaring concern naman siya ngayon :|

Nakakainis talaga siya! :|

[I-I LOVE YOU.]

AISH!!!! Bakit ko ba naiisip pa yun?????????

Ngayon alam ko ng mali lang ang pagkakadinig ko dun :|


***


Pagdating ko sa bahay, hindi naman ako nagpahinga. Ginawa ko nalang yung design ng gowns ni Vanessa. Hindi ko rin kasi magawang magpahinga kaya yun nalanag ginawa ko.

Naiinis pa rin talaga ako sa mga nakita at nalaman ko tungkol sa kanilang dalawa :|

Bakit ganun sila kaclose? :|


***

The next day

Pupunta ako ngayon sa bahay nina Troy, hindi para makita siya kundi para maibigay na tong designs.

*DING.DONG*

"Oh Chels. Halika pasok ka." alok ni Manang Fe

"Ah hindi na po. Kayo nalang po bahalang magbigay nito kay Tita Carol."


"Manang Fe, sino ho nandyan?" narinig kong tanong ni Troy mula sa loob ng bahay

"Wag niyo po sabahing ako." bulong ko kay Manang Fe

"Ah Troy, wala lang to. Nagtatanong lang." sagot ni Manang

"Salamat po."

"Bakit ayaw mo yatang makita si Troy?" tanong ni Manang

"Hindi naman po sa ganun."

"Hi Chelsea :)" tss. Bigla bigla naman sumusulpot to.

"Ahmm ito nga pala yung designs." sabay abot ko sa kanya

"Oh ang gaganda :)" sabi niya. Alam ko namang magugustuhan mo yan, magaling ako eh. Pasalamat ka kahit asar ako sayo maganda kinalabasan niyan.

"Salamat at nagustuhan mo."

"Tara, pasok ka muna. I have pizza here. Kain muna tayo." alok niya sa akin

"Wag na Vanessa. May gagawin pa kasi ako." palusot ko lang yan. Ayoko lang talaga makisalamuha sa kanila.

"Okay then. Here's your invitation. You may bring your friends or family along with you :)" sabay abot niya sa akin

"Sige, salamat. Mauna na ako." at umalis na nga ako.

***


*ESCORT : TROY ANDERSON*


Tss :| Sino pa nga bang escort niya? Malamang lang talaga si Troy. Mukhang hindi na ako dapat pumunta dun.

***

MEANWHILE sa bahay nina Troy


TROY's POV


"Hi Troy. Look what do I got here :)" sabi ni Vanessa na nandito na ngayon malamang siya yung kausap ni Manang Fe sa labas kanina


"Invitations?" sagot ko naman

"Yeah :) Here's yours :)" sabay abot niya sa akin nung invitation

Habang tinitignan ko ang invitation

"Binigyan ko rin si Chelsea, sana pumunta siya :)"

"Huh? Nagkita kayo?"


Buti pa sila nagkita, samantalang ako hindi ko pa siya nakikita buong araw. Ayaw ko naman siyang tawagan, ayaw ko rin naman guluhin siya sa bahay nila. Pag katapos kasi nung nangyari sa mall, ewan ko ba, mas lalo pa yata akong naduwag. (_ _)


"Yeah, kanina sa labas. Pagdating ko kausap siya ni Manang Fe. She gave her designs for my gowns :) And they look very elegant. No doubt! She's really good :)"


Kausap ni Manang? E tinanong ko si Manang kanina sabi niya nagtatanong lang daw. Tss :| Si Manang talaga :| Di naman kaya sinabihan siya ni Chels, iniiwasan niya pa yata ako (_ _) sabagay, ganun din naman ginagawa ko sa kanya kahapon pa
(_ _)

"Magaling naman talaga siya."

"I know right. :)" sabi ni Vanessa habang tinitignan yung mga designs

". . . . . ." nanahimik nalang ako dahil iniisip ko talaga kung ano na ba ang dapat kong gawin. Nagiiwasan ba kami? Ano ng mangyayari nito kung ganito ako sa kanya?


SIGH!

***


(A/N: Pasyensya na sa UD :) kung wala man masyadong kilig and everything. hehe


COMMENT naman kayo pls.


--> missfacile)

My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon