Chapter 34

6.6K 117 13
                                    

Chapter 34

CHELSEA's POV

We're practicing today para sa dance performance namin sa dadarating na Acquaintance Party.

Kanina ko pa napapansin ang pagtataray sa akin ng babaeng yun. Si Lian, remember her?

"Hey! What's wrong with you?!" sigaw ko kay Lian na pangatlong beses na akong naapakan sa paa

"Oh I'm sorry. I did'nt mean to hurt you." sabi ni Lian pero yung mga tingin niya sa akin parang sinasabi niya na I mean that, bagay nga sayo. Asar! >__<

Kami palang mga girls ang nandito sa practice. Mamaya pa ang mga boys dahil may mga klase pa ang iba sa kanila at kasama sa may mga klase pa sina Troy, Andrew, and Gab.

"Chels, hayaan mo na." sabi sa akin ni Camille.

"Nakakainis na kasi talaga."

"I know."

Sinasayaw namin ang I got a boy by SNSD. Maganda pa naman to at feel na feel ko ang pagsayaw. Nakakainis kasi sinisira ng Lian na yun ang energetic kong pagsayaw.

"Anu ba yan?!" sigaw ng choreo namin "Kanina pa kayo nagbabanggaan Lian and Chelsea!" binangga nanaman kasi ako ng Lian na to at obvious namang sinasadya niya talaga

"Si Li---" sasabihin ko sana sa choreo nang biglang

"Ewan ko ba dyan kay Chelsea, kanina pa ako binabangga, kanina pa inaapakan ang paa ko." sabi niya sa choreo namin

"Hindi po totoo yan." sabi ko naman

"And anu ang totoo? Sasabihin mo na ako ang gumagawa nun? Wag ka ngang liar!" sigaw sa akin ni Lian, nakakainis na talaga siya!

"Stop that! Manahimik nalang kayo at ayusin niyo ang pagsasayaw niyong dalawa! Sinisira niyo ang practice." - Choreo

Tumingin lang sa akin yung Lian na yun nang masama, MALDITA talaga! GRRRRRRRRRR!

"Okay break na muna." sawakas after an hour nang pagpractice ay naisipan na rin kaming bigyan ng break

"Ayos ka lang Chels?" tanong ni Camille

"Yes, I'm okay. Irita lang sa babaeng yun."

"Kaya siguro yan ganyan dahil may gusto siya kay Troy."

"Ganun ang tingin ko. Pero sorry nalang siya, ako ang girlfriend ni Troy."

Sakto naman dumating na si Troy.

"My princess! Kamusta ang practice?" tanong niya sa akin

My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon