Chapter 27

7.5K 137 9
                                    

Chapter 27

CHELSEA's POV

So yun nga, umalis na kami ulit ni Troy. Saan kami papunta? Sa Mall lang naman, arcade daw kami at kakain. Pinagmamalaki niya sa akin na kaya niya na akong pang kuha ngayon ng maraming stuffed toys sa arcade. Yabang nuh? Haha

"You know what, nung nasa Canada ko laging ikaw pa rin ang iniisip ko." sabi bigla ni Troy

"Kaya pala madalas akong di makatulog." biro ko sa kanya

"Haha siguro nga, dahil sa iniisip kita lagi. Pero seryoso talaga, kahit nandun ako, yung isip at puso ko naiwan dito sa Pinas, naiwan sayo." eh? >////////<

"Alam mo, magdrive ka nalang dyan." umiwas ako ng tingin at tumingin sa labas, pakiramdam ko kasi namumula nanaman ako

Nakarating na kami sa Mall at diretsyo kami sa Quantum. Bumili na siya ng mga tokens at pumunta na agad sa kuhanan ng stuffed toys. Ayan, nagyabang na ang loko.

"Oh my princess, pangatlo na yan ha." sabay abot niya sa akin ng pangatlong stuffed toy na nakuha niya

"Ilan ba ang balak mong kunin dyan?"

"Lahat." sabi niyang nakangiti

"Seryoso ka?"

"Oo naman. Oh eto pang apat."

Pinagtitinginan na kami dito sa Quantum kasi naman ang dami ko ng hawak na stuffed toys. May mga narinig pa nga ako na naiinggit yung mga babae at gusto rin nila. Kainggit inggit ba talaga ako? E halos matabunan na mukha ko dito sa mga hawak kong stuffed toys.

"Anu bang tinitingin tingin mo dyan sa lalaking yan?" narinig kong sabi nung isang lalaki dun sa kadate niyang babae

"Ang galing kasi niya, tignan mo nga ang dami ng stuffed toys ng girlfriend niya." girlfriend daw ako?

"At nainggit ka naman?" tanong ulit nung lalaki

"Oo. Gusto ko rin." pagtatampong tono ng babae, manhid naman nitong lalaki, obvious naman na gusto niya rin na pangkuha siya nito

"Kalokohan lang yan. Pambata." sabi nanaman nung lalaki

"Pang sampu na to Chels." sabi naman nitong si Troy, mukhang balak niya yatang ubusin to

"Tss. Makaalis na nga." narinig ko nanaman na sabi nung babae

"Fine Aliss! Stay here." sabi nung lalaki, lumingon naman yung babae dun sa lalaki at medyo may ngiti sa labi niya, napangiti rin ako dahil sa kanila

"Hey Troy, tama na to." sabi ko naman kay Troy na sige pa rin sa pagkuha

"Hindi pa, ang dami pa dito oh."

My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon