Chapter 17.1

32.8K 450 50
                                    

~Klint~

"Pare, tara na. Di na siya darating."

Hindi ko pinansin si Jarvis. I looked at my watch.

It is already 11 in the evening.

Tiningnan ko naman yung phone ko. Kanina ko pa siya tinetext at tinatawagan pero walang sumasagot. And now.. there were no replies,  no returned calls from her. Pinapunta ko na din si Vladz kanina sa bahay ni Sugar para i-check kung nandun siya pero wala na daw ito.

Blade, nasan ka na ba? Darating ka naman di ba?

"Dude, come on," pag-aya pa din sakin ni Cloud.

"You can leave me now, guys. Ako na lang ang bahala dito. I'll wait for her," sabi ko na lang para iwan na nila ako.

Walang magawang umupo na lang ulit sila.

Tiningnan ko yung paligid. I rented The Bar's whole night para sa date na to. Hindi lang kasi ito basta date. This one is special. Way special.

I personally decorated it. With the help of Jarvis, Vladz, and Cloud, of course. Nag-iisa lang yung table ngayon. Nasa pinakagitna. As usual candlelit dinner. There's the bouquet of tulips I once promised her to give.

Kinuha ko yung maliit na box na nasa bulsa ko at matamang tiningnan yon habang patuloy na iniisip ko kung nasan na ba si Blade.

Di mo naman nakalimutan ang araw na 'to di ba?

11:15PM

45 minutes.

Darating siya. Ang gagawin ko lang ay hintayin siya...





~Sugar~

Sinalubong ako ni Vann pagdating ko sa ospital.

"Thank God you came," he said, obviously relieved.

"N-nasan siya? A-ano bang nangyari?"

"Naghamon siya ng away dun sa isang grupo sa bar na pinuntahan niya. It was a 5 vs. 1 battle, and he lost. Yung isa sa kanila e pinukpok siya ng bote sa ulo. Nadala na siya dito sa ospital nung tinawagan ako. He's in the ER as of the moment."

"Was it that bad?"

"I guess so."

Nanghihinang napaupo na lang ako. Tumabi sa akin si Vann.

"He was devastated," pambabasag ni Vann sa katahimikan.

Alam ko na kung anong gusto niyang sabihin.

Pero hindi ko siya pinansin.

Ang nasa utak ko lang ngayon ay sana...

Maligtas si Toffy...

-----------------------------------------------------------------------

A/N:

Maikling update ulit. Hehe Pasensya. Di kinakaya ng powers koo. :))) Lame, I know. Huhuu

VOTE and COMMENT po kayo.

Salamat ^w^

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon