Chapter 11

41.6K 620 15
                                    

~Sugar~

Kinabukasan, walang Klint na nambulabog at nakisabay sakin na pumasok sa school.

So break na talaga kami?

Ni hindi man lang siya magpapaliwanag or something?

Psh. Ano ba 'tong iniisip ko? Di ba nga dapat masaya ako? Ito yung gusto ko, eh. I want him out of my life, right?

Wala na ang makulit, manyak, baliw, duwag, at maingay na manggugulo sakin araw-araw.

Tss. Bakit parang ang boring naman yata pag ganun?

I sighed.

"Uy, Sugar! Sabay ulit tayong mag-lunch," ani Vann.

Napatingin ako sa paligid. Nakatingin lahat ng mga tao samin at tila hinihintay yung sagot ko.

Mga usisero't usisera talaga.

"Okay," pagpayag ko.

"Nice! Tara!"

Sinundan ko lang si Vann. Hindi ko talaga alam pero gumagaan yung loob ko pag nakikita at nakakasama ko si Vann.

Dahil ba malaki ang pagkakahawig nila ni...

Ugh. Begone, thought!

Nagpalinga-linga ako. Baka kasi nasa paligid lang yung jerk na yun.

Parang kabute yun, eh. Bigla na lang lilitaw pag kausap ko si Vann.

Nakakaasar! Ano ba 'to?! Ba't ba hanap ako nang hanap sakanya?

Kanina pa ko, ah! Tsk.

Samantalang yung manyak na yun baka nga gumagawa na naman ng milagro kasama yung ex niyang mukhang isda.

Pagkaupo namin ni Vann, nagsimula na siyang lantakin yung pagkain niya.

Grabe. Ang takaw naman nito.

3 servings of rice, kare-kare, sisig, chicken fillet, saging, Coke.. Kanya lang lahat 'yan.

"Alam mo, di bawal magdahan-dahan sa pagkain," masungit na sabi ko.

Ewan ko ba. Parang sakanya ko nabubunton yung inis ko sa manyakis na taksil na ex ko na yun.

Tumigil naman siya sa sunud-sunod na pagsubo tapos tumingin sakin.

Then, he smiled.

Fuck. Pareho din sila ng ngiti... Bakit?

"Uy! Laway mo, tumutulo."

I blinked.

"H-ha?" Napahawak ako sa gilid ng bibig ko.

Tumawa siya.

"Haha. Joke lang. Ikaw, ah! In love ka na sakin no? Well, I can't blame you. Sa gwapo ko ba namang to." Tapos tumawa ulit siya.

Jusko. Ba't ba puro na lang mahahangin yung mga lalaking nakakasalamuha ko?!

"Kaso di ka pwedeng ma-inlove sakin.. Bawal. As in, cannot be."

Ganun? Ano 'to, Math? Pero na-curious ako.

"Bakit naman?" tanong ko.

Pinakatitigan niya ako.

"Kase mananagot ako sa kanya."

Napakunot-noo ako.

"Kanino?"

Nagsisimula nang manginig yung mga kamay ko.

Shit. Please. Sana hindi yung taong naiisip ko.

"Gusto mo talagang malaman?" seryosong tanong niya.

Atubiling tumango ako.

"Vince Kristoffer Torres. Your ex."

Nabitawan ko yung hawak kong kutsara nang wala sa oras.

He said Vince Kristoffer Torres, right?

"H-how a-are y-you related to h-him?"pautal-utal na tanong ko.

"Bago ko sagutin yan, uminom ka muna. You're so pale," nag-aalalang sabi niya.

Baliw pala 'to e! Siya naman ang may kasalanan nito.

Pero uminom pa rin ako.

Kristoff... Gago ka.

Akalain mong buhay pa pala yung talipandas na yun?

Oo. Hindi si Klint The Jerk ang first boyfriend ko.

Pero saka na ko magkukwento.

Right now, may mas importanteng bagay akong kailangang malaman.

"Now, tell me, kaanu-ano mo siya?" sabi ko.

Uminom muna siya bago walang ligoy na sinabing...

"He's my brother.

Damn.

That explains it.

Yung malaking pagkakahawig nila.. Mula sa ayos ng buhok, kulay ng mata, tindig, way ng pagngiti, at pagiging magka-apelyido.

Magkapatid pala sila.

How stupid can I get? Bakit di ko man lang napansin? They even have the same initials, for Pete's sake!

O baka napansin ko pero pilit kong tinatanggal sa isip ko?

Dahil ayoko nang balikan ang bangungot ng nakaraan ko?

I stood up.

"Excuse me," mahinang paalam ko tapos umalis na ko. 

He's back. That fucking bastard is back.

Damn it.

~Vann~

Nakita ko kung pa'no namutla si Sugar nang banggitin ko ang pangalan ni Kuya.

Kaya di ko na siya pinigilan nung umalis siya.

Alam kong malalim ang galit niya kay Kuya dahil sa nangyari sa nakaraan nila.

Alam ko ring sobra siyang nasaktan n'on..

Pero nakita ko kung pa'no din naghinagpis si Kuya nang umuwi siya samin ni Mama sa States.

Yeah. Hindi kami sabay lumaki. Si Kuya Vince, dito na sa Pinas nagbinata, kasama si Papa. Isang taon lang yung tanda niya sakin.

Divorced ang parents namin. Ako yung napunta kay mama, siya naman yung napunta kay papa.

Pero isang araw... bigla na lang siyang lumitaw sa States.

He was wrecked. And brokenhearted. Wala siyang ibang ginawa non kundi umiyak.

Hindi man kami close n'on, pero hindi ko magawang hayaan na lang siya.

I promised him that I'll help him.

Kaya heto ako ngayon.

Kinuha ko yung phone ko and called him up.

"Yeah?"

"Sinabi ko na kay Sugar na kapatid kita."

"You did what?!"

"I'll give you her address once I get home. It's time, brother. Magpakita ka na sakanya."

Tut-tut-tut-tut.

Binabaan na naman niya ko ng telepono.

I shrugged.

Who cares?

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

**

Yan, kilala niyo na kung sino si Secret. Hihi

Next chapter si Klint. ^v^

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon