Special Chapter

43.7K 668 173
                                    

~Vince Kristoffer~

"Uh-oh. Mukhang huli na tayo."

Hindi ko pinansin si Vann.

Andito kami ngayon sa loob ng kotse ko na nakaparada di kalayuan sa bahay ni Sugar.

Tiningnan ko ulit ang babaeng kahit kelan ay hindi nawala sa isip...

At puso ko.

Four years ago, this girl captured my heart with her undeniably cute high school girl look, and timid self.

Now, she has grown and changed a lot.

Wala na yung eyeglasses niya, yung pink na pang-ipit niya, and her dimpled shy smile.

Ngayon habang tinitingnan ko siya, I realized that she has turned into a very beautiful lady, just as I expected her to be.

At ang gago ko lang para iwan at saktan siya no'n.

Kitang-kita ko yung pagkinang ng mata niya habang nakatingin sa isa sa mga lalaking nasa truck at tumutugtog. Yun siguro yung sinasabi ni Vann na boyfriend ni Sugar.

Napahigpit yung hawak ko sa manibela.

That twinkle in her eyes... Ganun na ganun yung ningning ng mga mata niya pag nagtititigan kami.. NOON.

She looked happy..

And in love.

Dammit.

Huli na ba talaga ako?

May mahal na ba talaga siyang iba?

Then, I saw her grab the guy by the collar and kissed him on the lips.

That did it.

Mabilis na minaniobra ko yung kotse paalis sa lugar na yon.

Fuck. Hindi ko alam na ganito pala kasakit.

Yung malaman mo na yung babaeng mahal mo e kinalimutan ka na at ngayon e may mahal ng iba.

Ramdam ko yung pag-iinit ng mata ko.

Tangina. Wag muna.

Lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ko.

Walang imik si Vann.

Alam niya kung ano ang nararamdaman ko. And I'm grateful for having him around.

Pagdating sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto ko.

Nung nasa kwarto na ko, di ko na napigilan yung sarili ko.

Sinuntok ko yung pader.

Isang suntok.

Dalawa. Tatlo.

Until I lost count.

Alam kong dumudugo na yung kamao ko pero di ako makaramdam ng sakit.

Ang nararamdaman ko lang e yung bigat at sakit na nasa dibdib ko.

Masaya naman ako kahit pa'no kasi nakita ko ulit si Sugar.

Pero ang makita ko siyang masaya sa piling ng ibang lalaki, yun ang hindi ko kaya.

Ako dapat yun eh.

Ako dapat yung nagpapangiti sa kanya.

Ako dapat yung tinitingnan niya ng ganun.

Ako dapat yung hinahalikan niya.

Ako dapat.

Kami dapat.

I punched the wall one more time.

Tapos napadausdos ako paupo.

Napasandal ako sa pader.

Nakayuko lang ako.

And then, tears started falling.

Tae talaga.

Bakit ba kasi ang tanga ko?

Bakit ba kasi sobrang bata ko pa n'on?

Bakit ba kasi natakot ako kay Papa?

Bakit kasi wala akong paninindigan n'on?

Bakit kasi ang duwag ko?

Ang daming tanong na nasa isip ko.

Pero isa lang alam ko...

I regret leaving Sugar...

Who was pregnant then with my baby.

Our baby.

Narinig ko yung pagbukas ng pinto.

"Kuya."

"I'm fine, Vann." Then I let out a weak laugh. "Well, I'm not actually."

Naiiyak na naman ako. Fuck.

"What are your plans now?" tanong niya.

Ano nga ba?

"Honestly? I have no fucking idea."

"So, hahayaan mo na lang sila?"

Di ako nakasagot.

Buong pagkatao ko kumokontra sa sinabing yun ni Vann.

Naramdaman kong naglalakad na siya paalis.

"I won't give up. I won't give her up," nasabi ko na lang. Tapos tiningnan ko siya.

Tinanguan lang niya ako.

"I know, Kuya. I know." Tapos tuluyan na siyang umalis.

Oo. Hindi ko basta-basta na lang igi-give up si Sugar.

I'll fight for her.

Hindi na ko magiging duwag. Alam ko wala akong ni katiting na pag-asa sakanya ngayon, pero she loved me once, right?

At sigurado akong kahit papano merong pang natitira sa pagmamahal na yun kahit konti.

I'll make sure that she will love me again.

Alam kong kontrabida ang tingin niyo sakin pero wala akong pakialam.

Sugar is mine and mine alone.

Babawiin ko lang ang dapat eh sakin talaga.

At pag naging akin ulit siya, hindi ko na siyang papakawalan.

Hinding-hindi na.

***

A/N ulit:

Wooaah! Ang toroy ni Vince ha? Bonggacious!

So, ano masasabi nyo sakanya?

I-comment niyo lang. Wehehe :D

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon