Chapter 25

85.7K 3.1K 768
                                    

Flashback


"Wag ka ng umiyak Akie..." umiiyak na pagaalo ko sa aking bunsong kapatid na lalaki.

Nilingon ko si Anamarie na umiiyak din sa may sofa. Nakatakip ang parehong palad niya sa kanyang mukha. Kaagad kong kinarga ang aking bunsong kapatid kahit pa hirap na din ako sa aking paghinga. Sumisikip na ang aking dibdib.

Tumabi kami kay Anamarie at tsaka kami tabi tabing umiyak habang pinapakinggan ang mga sigaw nina Mommy at Papa sa taas. Mas lalong napapaiyak ang mga kapatid ko sa tuwing nakakarinig kami ng ilang pagkabasag mula sa kanilang kwarto.

"Amary maghihiwalay na ba sina Mommy at Papa?" Umiiyak na tanong ng aking kapatid sa akin.

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya at sa kabilang kamay naman ay ang aming bunsong kapatid na si Akie. Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit pa nanghihina na ako dahil sa paninikip ng aking dibdib dahil sa pagiyak. "Syempre hindi, magbabati din sina Mommy at Papa" paninigurado ko sa kanya kaya naman kaagad siyang gumanti ng yakap sa akin.

Mas lalo naming narinig ang pinagaawayan nila ng lumabas sila sa may sala namin sa second floor.

"Pagod na pagod na ako sayo Arisha. Puro ka sugal!" Singhal ni Papa kay Mommy.

Napansin namin ang pagbabago ng buhay namin nitong mga nakaraang linggo at araw. Bago umalis ang yaya ni Akie ay nasabi pa niya sa amin ang dahilan. Naghihirap na daw kami, dahil nalulong ang Mommy sa bisyo at napapabalita pang mayroon siyang bagong karelasyon.

"Responsibilidad mong magpasok ng pera sa pamamahay na ito, hindi ako nagsusugal Vicente! Pinalalago ko ang perang ibinibigay mo!" Balik na singhal ni Mommy dito.

Sandaling natahimik ang aming buong second floor hanggang sa narinig namin ang paghagulgol ni Mommy. "Maghiwalay na tayo, hindi na kita kayang makasama" sabi niya kay Daddy kaya naman mas lalong naiyak ang aking kakambal.

"Paano na tayo pag naghiwalay sila?" Problemadong tanong niya sa akin.

Hindi ako makasagot, hindi ko din alam ang isasagot sa kanya. Paano na nga ba kami? Hindi ko gustong magkahiwahiwalay kaming magkakapatid.

Hindi namin maintindihan ang sinasabi ni Papa, pero isa lang ang nasisigurado namin, umiiyak ito at nakikiusap kay Mommy. Hanggang sa makita namin ang pagbaba nito na may dala dalang maleta. Kaagad na kumalas ng yakap sa akin si Anamarie at Akoe para tumakbo at yumakap kay Mommy.

"Mommy wag mo po kaming iwanan!" Umiiyak na pakiusap sa kanya ng aking kapatid. Kaagad na lumuhod si Mommy para pantayan ang aking mga kapatid at yakapin ang mga ito. Gusto ko ding tumayo at tumakbo papalapit sa kanya ang kaso ay nanghihina ang aking mga tuhod. Ramdam ko na din ang malamig na pawis na lumalabas sa akin.

Napatingala ako sa itaas at nakita si Papa na umiiyak habang pinapanuod ang tagpo sa ibaba. "Papa..." nahihirapang tawag ko sa kanya hanggang sa tuluyan na akong matumba.

Rinig ko pa ang sigaw nito at ni Mommy, maging ang pagiyak ng aking mga kapatid.

Naospital ako pagkatapos nuon. Natuwa pa nga ako ng makita kong nanduon sina Mommy at Papa pagkagising ko. Akala ko ay pwede na iyong rason para hindi sila magkahiwalay. Pero mas lalong lumala ang kanilang away dahil mas lalong nalubog sa utang ang aming pamilya sa mga theraphy at gamot ko.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now