Chapter 23

83.7K 3K 774
                                    

Ang panaginip ni Piero



"Papa..." umiiyak na tawag ko sa kanya.

Kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. "Hindi natin habang buhay maitatago ang totoo...darating ang araw na malalaman din ni Piero kung anong connection mo kay Sachi" malumanay na pagpapaintindi pa niya sa akin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tuluyan na lamang mapaiyak.

Hanggang kailan ko nga ba aangkinin ang katauhan ni Sachi para lang hindi ako malayo kay Piero. Hindi rin madali para sa akin ang ginagawa ko, gusto kong makilala ako ng lahat bilang si Amaryllis. Gusto kong mahalin ako bilang si Amaryllis.

Hinawakan ako ni Papa sa aking magkabilang balikat. "Pag nagkabistuhan umalis ka kaagad. Hindi natin alam kung paano magalit si Piero, baka saktan ka niya o baka mapatay ka pa niya sa sobrang galit" nagaalalang pagplaplano niya.

Napahikbi ako. "Para sa kanya naman po ang ginagawa ko..." emosyonal na sabi ko pa.

Mapait itong napangiti. "Pero hindi natin hawak ang puso ni Piero. Oo nga para sa kanya ito, pero gusto niya ba to? Tinanong mo ba siya kung gusto niya ito?" Mapanghamong tanong ni Papa sa akin.

Bayolente akong napalunok at sandaling nataranta. "Paano po kung umamin na lang ako?" Tanong ko sa kanya pero mas lalong napapikit ng mariin si Papa.

"Gusto mo na ba talagang magpakamatay?" Galit na tanong niya sa akin.

Mas lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata. "Paano na po?" Umiiyak na tanong ko sa kanya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang aking palapulsuhan. "Kaya nga sumama ka na sa akin, magtago na tayo" giit na yaya pa niya sa akin.

Gusto kong tumango kay Papa, gusto kong sabihin na sige sasama na ako sa kanila at magtatago pero ayaw ng puso ko. Ayaw ni Sachi. Hindi ko kayang iwanan si Piero, maayos na siya ngayon matapos kong magpanggap na ako si Sachi at bumalik ako para sa kanya. Hindi niya kakayanin sa pangalawang pagkakataon.

Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ni Papa na mahigpit na nakahawak sa akin. "Hindi po ako magtatago Papa, pagod na pagod na po akong magtago" paos na sabi ko sa kanya.

Pagod na pagod na akong tumakbo. Pagod na pagod na akong magtago at ipaglaban ang buhay ko.

Muling tumulo ang masasaganang luha nito. "Itatapon mo ang lahat ng paghihirap natin ng dalawang taon anak? Hindi ba't may mga pangarap pa tayo. Hinahanap ka na ni Akie..." paalala pa niya sa akin.

Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at tsaka niyakap ng mahigpit. "Mahal na mahal ko po kayo ni Akie Papa. Pero paani naman si..."

"Hindi mo kaano ano si Piero anak, ni hindi nga natin siya kilala" paalala pa niya sa akin.

Nanliit ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya. "Hindi po ba kayo na din ang nagsabi na mabait si Piero, na kung hindi dahil kay Piero wala na kayo ni Akie ngayon. Kasi imbes na patayin niya kayo hinayaan niya kayong tumakas?" Pagpapaalala ko sa kanya. Siya din ang nagkwento nuon sa akin.

Nasa poder ako nina Mommy ng mga panahon na iyon kaya naman hindi ko sila nasamahan. "Pero paano ka?" Giit niya.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi para pahiran ang kanyang mga luha. "Hindi ako sasaktan ni Piero" pagpapagaan ko ng loob niya.

Hinawakan nito ng aking kamay na nakahawak sa kanyang pisngi at tsaka dinama ito dinama habang nakapikit siya. "Hindi ka niya sasaktan kung si Sachi ka..." paalala pa niya sa akin na paulit ulit na tumutusok sa aking dibdib.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now