Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

✨1.14 : Sorry✨

32.6K 581 113
                                    

1.14 : Sorry


I stared at the screen for a very long time before having the initiative to turn if off and go back inside.

Honestly, I didn't know what to feel.

Masyadong halo-halo ang nararamdaman ko ngayon... kalat... walang mapuntahan. Gusto kong umiyak pero wala namang rason para umiyak ako. Gusto kong magwala pero wala naman akong enerhiya para magsusumigaw...

All I knew was that I was betrayed by every one that I trusted and I was angry—so angry with my twin brother.

Bakit hindi man lang nagawang sabihin sa akin ng iba kong mga pinsan kung sino ang mystery texter ko ng buong buwan? Na parang ang naging labas tuloy ay pinagtakpan nilang lahat si Reed sa akin. They've tricked me into believing that they didn't know anything tunkol sa kung ano mang plano ng tuso kong kapatid.

I knew it's not that big deal for them, pero sa akin, pakiramdam ko kasi ginawa nila akong tanga. Wala na nga akong matandaang kahit ano tapos hindi pa nila ipapaalam sa akin ang mga bagay na kagaya ng ganyan.

At hindi ko rin nagustuhan ang idea na pinasundan ako ng sarili kong kapatid (kung pinasundan niya nga ako, which I think na talaga namang nangyari), para lang malaman ang bawat galaw ko. And I didn't even know why he's doing this.

Hindi ba't sinabi niya na sa akin na hahayaan niya na muna ako? Yes, noong una medyo nalungkot ako sa idea na humantong pa talaga kami sa ganoon pero nang dumating si Jed ay naisip-isip ko rin na mas maganda ngang nagkaaway kami. Ayokong maging close sa isang taong katulad ni Reed. Tapos ngayon, malalaman ko na lang na siya pala ang nangungulit sa akin?

Habang may kakarampot sa aking nakakaramdaman ng Inggit at selos doon sa babaeng nakasagot sa phone—dahil... dahil bakit nga ba? Ewan. Wala na akong paki. Magsama sila. Isaksak niya pa sa baga niya 'yang Reed na 'yan.

"Come on bitch, move."

I just stared blankly at the man who shouted behind me. Hindi na ako nakipaggitgitan sa mga taong nagpupumilit na makapasok sa loob. Hinayaan ko na lang silang itulak ako papaloob. I literally just went with the flow. Wala na rin kasi akong energy na natitira. Para bang hinigop lahat ng babaeng 'yon ang energy at ang adrenaline na nag-uumapaw sa akin kanina.

Hindi ko na hinananap ang mga pinsan kong iba dahil masama pa rin ang loob ko sa kanila. Dumiretso na ako doon sa taas. Magpapahatid na lang siguro ako kay Levi sa bahay. Sana lang ay hindi pa siya umaalis sa pwesto niya kanina.

"Savvy! Come here! Bilis! You've got to see this!"

Lumingon ako ng may tumawag sa akin. Si Chelsea lang pala.

"Sav?"

Hindi ako sa kanya sumagot at wala ding emosyon ang tingin ko sa kanya. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa isa pang tumawag sa akin. Si Levi.

Pababa na siya sa may hagdanan at naabutan niya ako doon sa dulo.

"Levi, uwi na tayo."

Tiningnan ako ni Levi na parang nagtataka sa sinabi ko. Tiningnan niya si Chelsea sa likuran ko na sigurado akong nagtataka din. Unang beses ko kasing hindi siya pinansin at nginitian.

Umakyat ako ng isa pang step hanggang maabot ko at mahigit nang marahan ang dulo ng T-Shirt ni Levi. "Levi..." Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang boses ko at nangingilid na ang luha ko. Pero pakiramdam ko, ang bigat bigat ng nararamdaman ko ngayon. I just want to go home and sleep.

VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor Vincit Omnia (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon