Wattpad Original
Mayroong 16 pang mga libreng parte

✨Umpisa✨

85.5K 1.7K 240
                                    

UMPISA

December 13, 2013. Friday. 7:13 am


Sabi ng mga matatanda, wala raw kasiguraduhan ang buhay.

Maaaring masaya at humihinga ka ngayong araw kasama ng iyong pamilya at mga kaibigan... ngunit bukas, maaaring nasa purgatoryo ka na at pinaglalamayan.

Sabi nila, dapat daw ay ginagawa mo na ngayon pa lang ang kung anong makapagpapasaya sa'yo.

Sabihin ang mga dapat sabihin at tapusin ang mga dapat tapusin. Hindi bukas o sa makalawa, kung hindi ngayon na mismo.

Dahil kahit na sabihin pa raw natin na wala nang imposible sa mundo at may mga bago nang mga teknolohiya ang maaaring magamit upang mapahaba at mapaganda ang kalidad ng buhay, darating pa rin ang panahon na mauubusan na tayong lahat ng oras.

At kapag naubos na iyon?

Mawawalan na tayo ng tiyansa para sa pangalawang pagkakataon. At lalong hindi na natin mababalikan pa ang mga pinalampas nating panahon.

I remembered, it was raining hard that Friday morning.

But I still woke up with a very positive attitude even though the light rain outside tried to dampen my mood. Sanay naman na ako. Maulan talaga sa Baguio kapag Disyembre, hindi na bago iyon. Subalit, sino ba naman ang hindi magigising nang masaya? I just graduated from college!

Unang araw na ng bakasyon at wala na akong iintindihing mga quizzes. Unang araw din ng kalayaan ko sa mga thesis, mga propesor at higit sa lahat... unang araw ko rin sa pagta-trabaho sa isang maliit na bookstore sa may bayan.

Wala sa isip ko na puwede palang may masamang mangyari sa akin habang papunta ako roon.

Siguro dahil masyado akong nasarapan sa simpleng agahang inihanda ni Mama o sa pagbibiro sa akin ng nobyo niya. Siguro dahil sa masyado akong nasabik papunta sa bookstore kaya nawalan na ako ng paki sa mga nangyayari sa paligid ko.

Ni hindi nga sumagi sa isip ko na maaari na palang iyon na ang huli kong araw sa mundo.

Kung hindi ko kaya ginamit ang bike ko papunta sa bookstore at nag-jeep na lang sana ako, mababago kaya ang lahat ng nangyari?

"Kung 'wag ka na lang kaya tumuloy 'nak? Parang lalakas pa ang ulan sa labas, baka kung mapaano ka."

"Pero Mama, first day ko sa trabaho. Sayang naman kung mag-absent na agad ako. Hayaan mo na. Safe naman siguro sa labas."

Sa ilang beses akong pinagsabihan ni Mama, ilang beses din akong nagmatigas.

Ipinaglaban ko pa rin na mas pipiliin kong mag trabaho na lamang doon sa bookstore kaysa magmukmok sa bahay at maghintay na humina ang bagyo.

Wala e, tipikal na anak lang din akong hindi kaagad nakikinig sa magulang.

"Basta anak, mag-ingat ka ha. Mag-text ka agad kapag nakarating ka na roon."

"Okay, Ma. I will."

And I was true to my words. I did what she asked me to.

Well, I tried. Kind of.

Kahit na basa ang kalsada nang tinahak ko ito, nagdahan-dahan naman ako gaya ng hiling sa akin ng aking ina.

In fact, the first half of my trip was carefully spent while I was pedaling towards the main road. Iniwasan ko ang mapalapit sa gilid ng kalsada kung saan maliliit lamang ang harang patungo sa bangin na parte nito.

Hindi naman din ako nalulungkot na wala akong kasabay na mag-pedal sa mga oras na 'yon o wala akong nakikitang mga sasakyan na kasabay ko sa magkabilang bahagi ng daan dahil lunod ako sa musika na tumutugtog sa tainga ko.

And because I was actually having fun in the rain and was too focused on the music that I was listening to, slowly, I became careless. Hindi ko napansing napapabilis na pala ang aking pagpedal hanggang sa makaabot na ako sa pinakamatarik na parte ng kalsada. Nang marating ko ito ay napapikit ako ng mata at napabuntonghininga.

I lost myself in the cold air of Baguio... in the music in my ears... I lost myself in the world.

I let go of my brakes and just let the gravity do its job. I was confident that no harm would come to me when I did that because I had already done the exact same thing a couple of times before. Ilang beses ko na 'yon ginawa sa tanang buhay ko at wala naman akong kasabay na sasakyan sa magkabilang kalsada kaya naging malakas ang loob ko.

But, things always happen when we least expect them.

Hindi ko man lamang naramdaman ang sakit ng impact na dulot ng pagbangga sa akin ng isang humaharurot na sasakyan.

Masyado akong nalunod sa ingay—ingay ng pagkalas-kalas ng mga parte ng bisikleta ko. Ingay na dulot ng pagtilapon ko sa kabilang dako ng kalsada. Ingay ng pagdausdos ng kotseng nakabangga sa akin sa bangin na pilit kong iniiwasan.

Nalunod na lamang ako ng ingay sa paligid ko...

Hanggang sa tumahimik na ang lahat at dumilim ang paligid.

Doon ko lang napagtanto... patay na pala ako.

VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor Vincit Omnia (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon