Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

✨1.9 : Jedidiah Adriano ✨

29.5K 634 63
                                    

1.9 : Jedidiah Adriano


"Saan ba pwedeng pumunta?"I asked myself. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa may paligid at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan ko balak pumunta.

Sinunod ko naman si kuya at hindi naman ako gaanong lumayo. Naglakad lakad lang ako sa paligid at sinundan 'yong dinaanan namin kanina. Nakakatuwa nga e. Ang lapad-lapad ng daan. Mabato ito pero ang lawak talaga ng pwede mong lakaran.

Marami akong nakasalubong na trabahador nila Nana sa bukid nila. Actually, hindi ko nga akalain na makikilala pa nila ako e. Kasi sabi ni Reed, ang tagal na rin daw naming hindi nakakadalaw dito.

"Fonacier!"

I was holding a flower that I picked up earlier when I heard a manly voice. Nanggagaling 'yon sa may likuran ko kaya naman napahinto ako sa paglalakad. Humarap ako kung saan nanggagaling 'yong boses at nakita kong may lumalapit sa aking isang lalaki. Kasing edad ko yata.

Nanggaling pa siya sa kabilang side ng daanan kaya nagkaroon ako ng oras para titigan siya habang papalapit siya sa akin.

Kahit sa malayo, halatang may itsura ang lalaki. Matangos ang ilong at medyo chinito din. Naka-sando lang siyang blue at naka-shorts kaya naman kitang kita 'yong maskuladong mga braso niya at malaki niyang katawan.

Panigurado ay habulin 'tong lalaking 'to ng mga babae dito sa bayan. Mukha kasi siyang modelo sa katawang ganyan.

Lalo pa ngayon at tagaktak siya ng pawis? Wow lang ang masasabi ko.

Although mukhang trabahador din yata siya nina Nana at Papi sa hacienda dahil sako ng trigo para sa manok ang dala-dala niya. Alam kong trigo ang bitbit niya kasi parang may sira yata ang sako at habang papalapit siya sa akin ay may nakikita akong natatapon sa daan.

"Oi, long time no see!"

I raised my brows and instantly became anxious. Kilala niya ako pero ako hindi, kaya naman hindi ako gaanong ka-excited na kausapin siya.

Hindi naman sa hindi mukhang mapagkakatiwalaan 'yong lalaki. Sa totoo nga niyan ay maayos naman ang itsura niya at hindi naman siya mukhang hoodlum at basag ulo. Mas mukhang nakakatakot pa nga ang itsura ni Reed at 'yong mga lalaki kong pinsan kumpara sa kanya ano! Ni hindi nga siya kamukha ng mga naririnig ko sa radyo kanina na nangunguha ng mga dalagang babae katulad ko e.

Mukha naman siyang harmless at seryosong tao... Kaya bakit hindi ako mapakali?

"Umm..." Tumingin tingin ako sa paligid, walang mga taong dumadaan.

Bigla akong kinabahan.

What if masamang loob pala talaga itong taong ito? What if he's here to hurt me?

I know, it's crazy to judge other people. Lalo pa ngayong hindi ko naman siya kilala but...

"Destiny? Anong problema? Isang yakap at isang halik naman diyan!" Ibinaba niya ang dala niyang sakto at naglahad ng dalawang kamay, nage-expect yata ng yakap.

"I'm sorry. But I–"

Hindi ko inaasahan ng bigla niya akong yakapin. The hell?!

Kalma lang kuya! Hindi kita kilala!

"Na-miss kita, pangga."

Nagsimula na akong mag-panic. Wala naman akong issue dahil sa pawisan siya at niyakap niya ako. Sa totoo nga niyan ay kahit pawis na pawis na siya ay hindi siya nangangamoy. Lalaking lalaki pa rin ang dating niya sa akin.

VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor Vincit Omnia (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon