CHAPTER 25

37 3 1
                                    

Zayne POV

Pagka discharge ko ng ospital ay sa village muna kami dumiretso. Sumama din sila Carsyn at Ashton dahil malaki naman ang bahay at isa pa ay barkada naman nila si Kuya.

Si Mommy Scarlett naman ay sumama din dahil nag volunteer itong maging doctor ko. Kailangan pa kasi akong obserbahan sa ospital pero pinilit ko nalang na umuwi dahil mas naiistress ako lalo na't mas naaalala ko lang na nawala ang anak ko. Si Daddy Kairo naman ay nasa New York parin nagtatrabaho. Mayaman naman sila pero importante parin talaga sakanila ang trabaho and they love their jobs.

Nakaupo kami ngayon sa may sala at masaya silang nagkukwentohan. Buhat ni Carsyn at Ashton sila Uno at Dos samantalang si kuya naman ay buhat si Jace na kumakain ng chocolates.

Hindi ko magawang makisabay sa pagtawa nila dahil hindi ko alam kung paano tanggapin na isang umaga gumising akong wala na ang bata sa sinapupunan ko. I'm not blaming Chase for loosing our child. Kung may dapat 'mang sisihin ay walang iba kun'di ako na walang kwentang ina.

"Jace where did you go?" baling ko sa anak ko dahil wala ito ng magising ako.

"Sa company po ni tito Ashton" he answered.

"Whaaat Ashton?! Dinala mo si Jace doon ng hindi pinaalam sa'kin?" tanong ko

"Sayo hindi pero sa Daddy oo" sagot nito kaya napatingin ako kay Chase na nagkibit balikat lang

"How dare you-

"Mama it's okay" biglang sabi ni Jace saakin

"Ano namang ginawa mo doon?" muli ay tanong ko

Nakikinig lang sila Kuya at Coleen saamin. Sila Mom at Mommy Scarlett naman ay nasa kusina kasama si Manang na nagluluto ng lunch namin.

"Nothing special" tipid na sagot nito

"Waaat?!" gulat na tanong naman ni Ashton na ikinatawa nila kuya at Chase

"Tsh. Anyway I saw a girl come inside your office tito. What did you do?" tanong niya

"Jace!" saway ko

"W-wala noh. Ano namang gagawin ko?" tanong niya kaya napakibit balikat nalang ang anak ko.

"Ikaw ba Jace kapag may pumasok na babae sa office mo anong gagawin mo?"tanong naman ni Ashton kaya mabilis kong naitapon ang unan sakaniya

"Ashton pwede ba wag mong turuan ng kung ano anong kagaguhan ang anak ko?" inis na sabi ko pero natawa lang sila saakin

"Just what you did I will lie" sagot ni Jace na ikinatawa nilang lahat

"Ehnuuuh?!" napapahiyang sabi ni Ashton

"LMFAO" natatawang sabi ni Kuya

"Bwaahhahahahha" tawa ni Carsyn

"Anong pakiramdam na mas matalino ang kausap Ashton?" sarkastikong sabi naman ni Chase

Masyado siyang proud sa pamimilosopo ng anak niya.

"B-bad ka Jace ha." napapahiyang sabi ni Ashton.

"Wala tayong pinagkaiba" sagot naman ni Jace na ikinatawa ulit nila kuya

"Alam mo Ashton B.I ka sa anak ko" inis akong tumayo

"H-hoy ang kapal mo wala nga kaming ginawa ni Jai e"

"HAHAHAHHA you're defensive tito" sabi ni Jace habang umiiling

"Jace it's better if kay tito Sean ka sasama kasi mas matino naman iyon kaysa dito sa dalawa" sabi ko na ikinaawang ng bibig ni Carsyn at Ashton

"H-hoy" sigaw ni Ashton

"Excuse me?" taas kilay na sagot ni Carsyn

"Yes you're excuse" sarkastikong sagot ko na ikinatawa nila kuya

"Wag niyo ngang ini-stress yung misis ko" biglang sabi ni Chase na hinawakan pa ang kamay ko

"Ikaw lang nagpapa stress sa asawa mo dude" sabi naman ni Carsyn. I glared  at him.

"Just kidding" biglang sabi nito at tumawa

Tuluyan na akong umalis at muling umakyat ng kwarto. Pagkaupo ko ng kama ay nakita ko ang ultrasound photo ng anak ko. Agad lumandas ang mga luha ko ng maalala ko ito.

"I'm sorry baby. This is Mama's fault I'm sorry for not taking care of you." lumuluhang sambit ko

Nilalamon na ako ng kalungkutan at pighati sa lahat ng nangyayare. Hindi ko na alam kung paano simulan ang bawat araw na lilipas. Hindi ko na alam kung kailan ko matatanggap sa sarili ko na wala na ang anak ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko sisisihin ang sarili ko. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang ay kasalanan ko ang lahat ng ito.

Sa lahat ng problemang naranasan ko ay ito na ata ang pinakamabigat to the point na unti unti na rin akong nawawalan ng gana para sa sarili ko. Unti unti ko ng sinusukuan ang sarili ko at sigurado akong pagod na ako sa lahat.

Halos humagulhol na ako sa kakaiyak hanggang sa mapaupo na lang ako sa sahig at akapin ang sarili kong mga tuhod. Unti unti akong nawawalan ng lakas at mas gugustuhin ko nalang matulog para kahit sandali ay malimutan ko lahat ng ito pero sa tuwing gigising ako ay muli nanamang hahapdi ang sugat sa puso ko. Muli nanamang kikirot ang dibdib ko.

Sana ganoon nalang ako sa lapis na kapag nagkamali ka ay pwede mo pang mabura at itama itong muli. Pero paano pa, ngayong wala na ang anak ko.

I'm sorry. I'm sorry for doing this but I don't want to wake up anymore. I'm sorry.

I was about to drink the bunch of medicine when someone enter my room and hug me tight.

Tiny hands and small arm.

"Why are you doing this Mama?" his voice echoes on the entire room. He starts crying louder.

Now I realize that I'm selfish. I only think how painful everything to me but I didn't realize that the people in my surroundings are also affected with my baby and me.

Ang yakap ni Jace ang nagpagising saakin na hindi pa tapos ang laban. Naiwang bukas ang pintuan ng kwarto kaya hindi ko namalayang dumating sila Chase at Kuya.

Mabilis pa sa alas kwatro ng lapitan nila ako at yakapin. Dumating din sila Mom at Mommy Scarlett pati na rin sila Ashton.

Hindi ko alam pero narealize ko lang na ganito pala kadami yung taong takot na mawala ako. At makita ko lang silang masaya sapat na saakin iyon para masabing maswerte ako dahil nagkaroon ako ng pamilyang tulad nila.

















Kapag kaya ng iba dapat ay kayanin mo rin. Yes, we have different levels of tolerance pero hindi rason 'yon para hindi kana lumaban. Buksan mo ang mga mata mo at makikita mo na hindi ka nag iisa dahil maraming tao ang nasa paligid mo ang nagmamahal sayo.

Kung napapagod kana magpahinga ka. Hindi rason ang pagsuko at hindi choice ang pagpapatiwakal.

Lahat ng bagay ay nadadaan sa dasal.

Stand by youWhere stories live. Discover now