CHAPTER 23

44 9 7
                                    

Zayne POV

Ngayong araw ang Championship ng PRISAA at sa Saint Luke gaganapin ang laro. Wala akong pinanuod na kahit anong game nung nakaraang araw. Wala naman talaga akong balak pero nakakainis si Sheena at Shane.

Nagpustahan kami at natalo ako feeling ko nandaya lang sila at gusto talaga nila akong papuntahin.

Bumaba na ako sa sasakyan ko. Yung Lamborghini ang gamit ko dahil pinapaayos ko pa yung Bugatti. Naka shorts lang ako at oversized hodies na black.

Nagtungo na akong court dahil nandon na daw sila Sheena. Hindi ko sila mahanap dahil ang daming tao kaya tinawagan ko siya

"Saan kayo?!"

"Sa may court."

"Tss. Saan banda? Ang daming tao Sheena."

"Sa side kami ng mga Lukesians"

"Whaat?!"

"I saw you na. Wait lapit ako." sabi niya kaya hinintay ko nalang siya.

"Tara." yaya niya kaya sumama naman ako.

Sa bench sila nakaupo at nasa unahan pa talaga kami. Nung nakita na namin ang mga players sa court ay lumapit na kami.

Medyo mainit na dahil 10am na kaya sinuot ko yung hood ng jacket ko at nagshades din ako.
Nagsimula na ang game at nakita ko na nga si Chase. Nakasuot siya ng jersey na may apelyido niyang DONCIC sa likod at may nakalagay na malaking number 77.

Matapos ang mahigit 30 minutes natapos na ang first quarter. 107 ang score nila Chase samantalang 99 lang sa kabila. Sa second quarter naman ay magkadikit lang dahil 102 kila Chase at 103 naman sa Saint Luke. And sa third quarter naman ay 108 kila Chase at 109 naman sa Saint Luke's University.

Break nila ngayon at kitang kita ko sila Chase at yung team niya na kinakausap sila ng Coach nila. Merong mga babaeng nadoon sa bench na inuupuan nila ang nagbibigay ng sports drink. Kung di ako nagkakamali ay mga sports coordinator ang mga yon.

"Selos ka no?" sabi ni Sheena na nakatingin din sa gawi ng mga players

"Baliw kana." inis na sabi ko.
Totoo naman kasi hindi ako nagseselos dahil hindi ko naman type si Chase. Maalaga lang siya pero hindi ko siya bet.

"Pag talaga nagkagusto ka dyan hindi na ako magkikilay!" hamon niya saakin

"Never Sheena. NE.VER!" sabi ko at napailing silang dalawa ni Shane.

Pumito na ang referee at nakapwesto na sila Chase para sa final quarter. Guard ang position niya sa court at halos silang dalawa nung captain ball ang nakaka three points shot.

Malapit ng matapos ang laro at mahigpit ang score nila dahil 112 kila Chase at 113 naman sa kabila. Last 1 minute nalang ang natitira. Pag hindi nakapag shoot ang SIAcademy ay Saint Luke ang magchachampion. Hawak na ni Chase yung bola pero biglang nakuha ng Saint Luke.

Tapos biglang naagaw nung Mejia ang apelyido. Ex ata yon ni Shane a tapos bigla niya ipinasa kay Chase yung bola. Dinidrible na ni Chase yung bola tapos bigla siyang lumapit sa may gawi namin na parang tinatantsa kung aabot yung bola.
Last 15 seconds nalang ang natitira. Lumapit pa siya ng konti tapos ay. Tapos. . . . .





HINALIKAN NIYA AKO!

Parang nagslow motion ang lahat.

Dahan dahan siyang nagdidrible tapos biglang hinalikan ako sa lips at bigla niyang shinoot yung bola. Last 5 seconds nalang nung biglang pasok yung bola sa ring!

Bumalik lang ako sa sarili nung narinig ko yung malakas na hiyawan at tambol ng Drum and Buggle Corps ng school namin.

"Sana oil" biglang sabi ni Shane

Stand by youWhere stories live. Discover now