Chapter 8

40 2 0
                                    

Almost a month of preparation for the big day pass by like a blur. At sa halos isang buwang preparation ng kasal nila ay hindi niya pa muling nakita ang binata.

Hindi man lang ito nagpakita sa kaniya at hinayaan siyang magdecide sa mga gusto niya. Ang hindi alam ng binata ay hindi naman siya ang nagdecide sa mga detalye ng kasal kundi ang mag-asawang Garcia.

Walang pinagkaiba si Natasha sa mapapangasawang si German pagdating sa pagiging involve sa kasalang magaganap. Maliban sa katotohanan na sila ang bride at groom ay wala na silang iba pang kontribusyon.

Ah mali, dahil ang lahat ng gastos na ito ay mula kay German. Hindi nito pinagastos ang pamilya niya na bukal sa loob namang tinanggap ng pamilya niya.

Ang gown na susuotin niya ay ready-made na. Dinagdagan na lamang ito ng kaonting disenyo at pinasadya para sa sukat niya. Ang mga bulaklak ay kinuha mula sa pamosong florist. Ang bulaklak para sa kaniyang bouquet ay Gardenia. Ang kaniya namang make up artist ay ang pinakasikat na make up artist na siyang nagmi-make up sa mga kilalang personalidad.

From her jewelries to shoes lahat ay sagot ng mapapangasawa. Gusto ng mga magulang na tawagin ang kasal nila na wedding of the century.

Publicity lamang ang aim ng kaniyang mga magulang. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pinagbibigyan ito ni German Lu. Hindi makatarungan kung sasabihin na dahil lamang ikakasal ito ay gagastos na ito ng napakalaki para sa isang okasyon na isang beses lang gaganapin at saglit na panahon lang isasagawa.

It's not like the people will remember their wedding all the damn time. Makakalimutan din iyon ng mga tao.

Her bridal car was a white Porsche Cayenne. Isa ito sa mga sasakyan ng mapapangasawa at ito ang gustong ipagamit sa kasal nila.

She was one who couldn't stand being the center of attraction but it was never seen in her face. Lalo na ngayong ang araw na pinakahihintay ng mga magulang niya ay sumapit na.

Her wedding day.

Paglabas niya sa sasakyan at sunod-sunod ang click ng camera na tila ba hindi kasal ang kaniyang pupuntahan sa halip ay isang fashion show. She can hear the buzzing of the people like bees. Curious kung ano ang meron siya para paglaanan ng todo ng pamosong Mr. Lu.

Sa ancestral house ng mga Lu gaganapin ang kasal at ang magkakasal sa kanila ay isang kilalang Judge na base sa rinig niya ay kinakapatid ni Don Jin Lu. Hindi lahat makakapasok sapagkat mahigpit ang security.

Bilang lang ang mga bisita ngunit ng pasadahan niya ito ng tingin ay marami sa mga ito ay mga kilalang business magnate kasama ng iba ang kanilang pamilya.

Ngayon lamang niya makikilala ang pamilya ng mapapangasawa ng personal. She met them before pero wala pang usapang kasal ang dalawang pamilya noon at hindi ito halos maabot. Iba ang level ng mga Lu sa pamilya nila. Milya-milya ang layo kaya't tuwang tuwa ang ama at ina niya na natuloy ang kasal na ito.

Habang naglalakad siya sa gitna papunta sa harap ng judge na magkakasal ay hindi maiwasang tapunan niya ng tingin ang lalaki. May kahabaan parin ang buhok nito gaya ng dati ngunit maayos itong nakaligpit ngayon.

Bahagya siyang napalunok ng suklayin ng lalaki ang buhok nito. May kung anong naglalaro sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi lingid sa kaalaman nila ang naging atraso dito mahigit isang buwan na ang nakakalipas. Hula niya rin na ito ang dahilan kung bakit minadali ng lalaki ang kasal.

Temperamental. Isip niya sa ugali nito. Masyadong gusto'y nasusunod ang nais. Kahit kasal ay kayang madaliin, dahil hindi naman usapan ang pera.

Nang ibigay siya ng ama sa lalaki at nagkadaupang palad sila ay may kung anong kuryenteng tumakbo mula sa mga palad nilang magkadikit patungo sa kaniyang tiyan. Pinisil ng lalaki ng bahagya ang kamay niya bago siya iginaya sa harapan.

Hindi niya maiwasang sulyapan ang lalaki habang nagsisimula ang seremonya. May maliit na ngiti sa dulo ng labi nito. Bahagya siyang nakaramdam ng kaba sa ekspresyon nito.

Mukha namang nahalata ng lalaki ang kaniyang tingin ngunit hindi ito nagbawi. Hinuli nito ang kaniyang mga mata na tila nangungusap sa kaniya.

"Do you, German Fritz Lu, take Natasha Garcia to be you lawfully wedded wife?"

Ngumisi ito bago sumagot, "I do," may kung ano ang boses nito habang sumasagot.

"Do you, Natasha Garcia, take German Fritz Lu as you lawfully wedded husband?"

"I do,"

They exchanged rings while the man was still staring at him. The way German slipped the ring into her fingers looks so sensual. Or maybe just to her. Pero nanatili ang praktisadong ngiti sa mukha niya at hindi nagpakita ng ano pa mang emosyon.

Pinapirma na rin sila ng judge ng marriage contract. Bahagya siyang nagtaka ng mabasa ang isang papel na akala niya ay parte ng marriage contract nila.

Nagulat siya sa nakasulat. Hindi naman umimik ang katabi niya sa halip ay tiningnan nito ang kaniyang reaction. Matapos ang siguro'y mahigit sa isang minuto ay nilagdaan niya ang naturang papeles. Nakita niya ang pagtaas ng kilay ng lalaki bago nagkaroon ng tunog ang ngisi nito.

"I now pronounce you as husband and wife and you may now kiss the bride,"

Hinila siya papalapit ni German. Mukhang banayad na paghatak lamang ang nangyari pero siya na hawak nito ay ramdam ang pagpisil nito sa kaniya bewang.

"I guess, I'll be showing you what you wanted tonight, huh?" Bulong nito sa tenga niya. Bago pa siya makahuma ay dumampi na ang labi ng lalaki sa labi niya at bahagyang gumalaw. Ngunit di na nito pinalalim ang halik at humiwalay.

Bahagya mang nanginginig ang tuhod ay napanalagi niya naman ang praktisadong ngiti saka humarap sa mga tao. Umakto rin siyang nahihiya at sumandal sa dibdib ng lalaki na mukhang kinagulat nito.

Hindi mawala sa isipan niya ang nakasulat sa pangalawang papel.

Isang kontratang nagsasaad na pagkatapos ng kasal nila ay hindi na siya pag-aari ng pamilya Garcia. Wala ng kinalaman ang pamilya sa kaniya at wala na silang magiging koneksyon pa.

Hindi siya tanga para hindi malaman na may pinaplano ang asawa sa mga Garcia. Kung madadamay man ang mga kapatid niya ay wala na rin siyang pakialam. Hindi niya rin pakikialaman ang gustong gawin ng asawa. He's free to do whatever he wants.

She got what she wanted and it's more than enough.

Tangled SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon