Chapter 7

29 2 0
                                    

"Very good my darling!" Bungad ni Erwin Garcia, pagkapasok na pagkapasok pa lamang ni Natasha sa pinto. Mukhang tuwang-tuwa ang lalaki habang naglalakad papalapit sa kaniya.

"I don't know what you said or what you did, but whatever it is it's working! You got the big fish this time, Nat. And make sure he doesn't get away from your claws," saka siya nito tinapik.

Hindi man niya gaanong maintindihan ang nais iparating ng ama ay ngumiti lang siya saka nagpaalam na didiretso na sa kuwarto niya upang magpahinga.

Kung ano man ang tinutukoy ng kaniyang ama ay malalaman rin naman niya. Lalo na at tungkol ito sa nalalapit niyang kasal.

**

"I was surprised when Mr. Lu's personal secretary called. They rejected the meeting so I was wondering what's up." Panimula ng ama niya habang kumakain sila. Nakikinig lamang ang ina niya at ganun na rin siya. Sila na lamang tatlo ang kumakain sa hapag sapagkat nagsipag-asawa na ang kaniyang mga ate.

May totoong anak ang mag-asawa, isang lalaki. Ngunit nalulong ito sa droga kaya't kasalukuyang nakarehab. Wala ring nakakaalam sa kinalalagyan ng anak ng mag-asawa dahil hindi gaano nababanggit ang pangalan nito sa loob ng pamamahay ng mga Garcia.

"He told us that he'll handle the wedding in one condition," anito at lumingon sa kaniya. Patuloy lang naman siyang kumakain na para bang walang kinalaman sa kaniya ang pinag-uusapan nila sa hapag-kainan.

"He wanted the wedding as soon as possible,"

"Really?" Gulat na tanong ni Ginang Garcia sa asawa. Humalakhak naman ang lalaki rito.

"I really don't know what you did, Natasha. But you finally got the slippery devil." May ngiti ang labi nito na hindi niya nagugustuhan. Hindi lang siya umimik dahil wala naman siyang dapat sabihin.

"Still," ani ng ginang sa kaniya, "You must not be so dry, Natasha. Baka magsawa siya agad sa'yo. Your poker-faced reaction to most things might bore him." Tila diskumpyadong saad nito.

"Yes, mom." Tugon niya na lamang dito upang hindi na mangulit.

"It will be better if you'll bear his child the moment you get married, dear." Ani ng ama niya na para bang hindi seryosong bagay ang pinaguusapan nila.

Ngumiti naman siya sa mag-asawa sa tapat niya, "Yes, dad."

Nang matapos niya na ang kinakain ay nagpaalam na siya sa mga ito. Nanatili parin ang ngiti sa kaniyang labi hanggang sa makatalikod siya.

Pagpasok na pagpasok niya sa kwarto niya ay kumuyom ang kamay niya.

Gratitude. that's what she always tell herself tuwing ginagawa niya ang sinasabi ng mga ito. Is it really though? Talaga bang gratitude ang nararamdaman niya kaya niya sinusunod nag mga ito?

No, you liar.

Napatawa siya ng pagak. Of course it's not. Totoong wala siya kung wala ang mag-asawa pero hindi tao ang trato nito sa kanilang mga "kinupkop" nito.

Breeding machine. Regalo.

It was all planned. Her sisters thought the same. Hinding hindi sila tatanggi sa mga lalaki na pagbibigyan sa kanila ng mag-asawa. Ito lang ang magiging ticket nila upang makaalis sa impyernong ito.

Pero kahit ganon ay alam niya na sa kabila ng lahat ay hawak parin sila sa leeg ng mga kinikilalang magulang. Tila may hindi makita sa mga mata na tali na nakapaikot sa kanilang mga leeg na isang hila lamang ng mag-asawa ay tila mga aso silang gagapang na babalik dito.

And she wants out from that shackles.

If German is the only way then so be it.

Tangled SheetsWhere stories live. Discover now