Ikalawang Paglamig

49 17 3
                                    

Ikalawang Paglamig

Maisan

Tinignan ko ang isang guhit ng linya sa signal ng aking cellphone. Kahit papaano ay nakakasagap na ng signal dito sa batuhan. Binuksan ko ang aking inbox at umaasa na sana ay mayroon ng text mula kay Kuya Evo.

Napabuntong-hininga na lamang ako ng wala pa ring natanggap na text.

"Ate, Ganda. Gusto mo bang kumain ng star apple?" tanong sakin ni Belly. Napatingin ako sa batang babae at bahagyang natawa sa kaniyang cute na itsura. Pinunasan ko naman agad ang kaniyang pisngi habang patuloy siyang kumakain.

Pagkatapos ng nangyaring insidente kanina ay tumuloy na ako papunta dito sa batuhan. Nang makuha nilang ang mga napitas na star apple ay sumama na lang din sila dito para kumain. Npasulyap ako kay Iros na nakaupo sa kabilang batuhan sa tabi ng puno ng malunggay. Kasama niya sina Renren at Rome na ngayon ay nagkukulitan habang kumakain.

Napatagal ang titig ko kaya nagulat ako ng bigla naming iangat ni Iros ang kaniyang tingin. Saglit na nagtama an gaming mata bago ko ibinaling ang sarili sa cellphone. Kinakabahan man ay isinantabi ko na lang muna ang mga naiisip. Aasa na lang ako na makakatanggap din ako ng text kay Kuya Evo.

Dahil minsan lang magkasignal, nagtipa na lamang ako ng isa pang mensahe para kay Kuya.

Riaone: Kuya Evo, nandito na kami ni Mama sa Capiz. Nakauwi ka na ba sa bahay? Susunod ka naman dito sa amin diba?

Nang maisend ko ang mensahe ay napansin ko ang paglapit ni Iros sa akin. Napatingala ako sa kaniya, nalilito sa kung bakit siya biglang lumapit. Napansin ko ang pagsulyap niya sa aking cellphone na agad ko naming binaba.

"Ah . . . may kailangan ka ba?" tanong ko pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan.

"May gagawin ka pa ba?" sandali akong nalito at napakunot sa kaniyang tanong.

"Wala naman na. Naghanap lang sana ako ng signal para makapagtext"

"Pupunta sana kami sa Maisan. Kung babalik ka na ay pasasamahan na lang kita kay Renren." Sambit niya bago nilingon si Renren para tawagin. Agad naming luampit si renren at napatingin sa akin.

"Babalik ka na Ate Gwapa? Sama ka na lang kaya sa amin?" paghihkayat ni Ren ren.

"Ah- "hindi ako sigurado sa aking isasagot. Pwede naman siguro akong sumama kaso baka malayo iyon. Tinignan ko ang aking relo at napansin na mag-aalaskwatro na din pala.

"Huwag niyo nang pilitin at baka gusto niya nang bumalik kila Kuya Piping" seryosong sabi ni Iros bago lumayo at puntahan ang pinagkainan.

Napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. "Hindi, sasama ako. Malayo ba iyon? Itetext ko na lang si Mama." Sabi ko sabay bukas ng aking cellphone para makapagtext.

"Yey! Hindi naman iyon malayo, Ate." masayang bigkas ni Romeo. Napisil ko tuloy ang kaniyang pisngi dahil hindi ko na mapigilan. Napaisip tuloy ako paano kung may mas bata akong kapatid.

"Huwag kang mag-alala, Ate. Malapit lang ang maisan sa bahay nila Manong Iros. Kaya kung gagabihin ay pwede ka naman magstay or ihatid." Masigla nmang kwento ni Belly. Napaisip ako sa kaniyang sinabi at natigilan ng maintindihan kung paano ako uuwi mamaya.

"Manong?" tanong ko ng hindi maintindihan ang tawag nila kay Iros.

"Ah, Oo ate. Ganoon kasi ang tawag sa mga nakakatandang lalaki dito sa amin. Kuya naming si Manong Iros" sagot naman ni Renren.

Hindi ko napigilan ang bahagyang natawa sa tawag nila kay Iros. Naramdaman ko naman ang titig niya kaya tinikom ko na ang aking bibig. "Tama na yan. Tara na at manghuhuli pa tayo ng Damang" masungit na bigkas ni Iros bago nagpatuloy sa paglakad.

Cold Winter Heartbreak (Season Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora