Unang Paglamig

58 20 2
                                    

Unang Paglamig

Star Apple

Halos ilang oras din ang naging byahe bago kami pumasok sa mas makitid na daan at huminto na ng tuluyan. Bagama't may mga nadaanan kaming hindi pa ayos na mga kalsada ay may iilan na rin na sementado na lalo na sa bandang dulo ng byahe kung saan mas maraming kabahayan na ang aking nakita.

Kumpara sa naisip ko na itsura ng probinsya ay hindi ko maitantanggi na halos kasinglaki lang din ng bahay namin sa Metro Manila ang mga kabahayan dito. Halos magkakalayo at may mga katabing palayan ng mga bahay. Mayroon pa nga kaming nadaanan na isang mansyon na napililigiran ng mga puno ng niyog.

Nang huminto ang tricycle ay inalalayaan ko na agad si Yaya Malou upang makababa. Habang pinaparada ni Tiyo Piping ang tricycle sa tabi ay napaisip ako kung nasaan na ang lalaking nakamotor. Nasa kaniya pa naman ang halos ilan sa aming mga bag.

Iginiya naman kami ni Mama papunta sa isang malaking bahay na tanaw na kahit malayo pa kami. Natuwa ako sa aming dadaanan dahil halos iilang klase ng mga bulaklak ang nakahilera.

Nang makalapit sa bahay ay nagulat ako sa dami ng taong nakatayo at nakaabang sa amin. May iilang mga maliliit na bata ang naglalaro sa may gawang duyan na nakasabit sa puno habang iilang mga babaeng tingin ko'y kasingtanda ni Mama ang nakangiti sa aming pagdating.

Napansin siguro ni Yaya Malou ang aking pagkalito kaya bigla siyang lumapit sa akin. "Sila ang pamilya ng Mama mo. Sa buon bayan na ito ay kalat silang magpipinsan at magkakapatid. Halos magkakatabing bahay lamang ang mga pamilya ng Lola mo dito" pabulong na bigkas ni Yaya Malou.

"Inta!!!!" isang ginang ang sumigaw at biglang niyakap sa tuwa si Mama. Hinawakan niya ito sa braso at iginiya sa kung saan naroon ang iba pa naming pamilya.

Tinignan ko ang mukha ni Mama at napangiti sa nakikitang saya sa kaniyang mga labi. Hindi ko alam kung bakit ngayon lamang kami nakapunta sa lugar na ito at hindi ako pamilyar sa aming kamag-anak. May iilan akong nakilalang pinsan sa Leyte na kamag-anak ni papa at iilan ding mula kay Mama. Hindi ko inakala na mayroon kaming pamilya na nandito sa isla ng Capiz.

Nang makalapit ako sa kanila habang hawak ang kamay ni Yaya Malou ay agad akong napansin ng iilan.

"Inta! Ito na ba ang iyong bunso na ipinangalan mo kay Lola Deming? Ilang taon pa lamang siya noong huli kong nakita. Ang tagal mo din kasing hindi na pumunta dito?" nagulat ako sa sinambit ng ginang.

Napatingin ako kay Mama sa nanlalaking mata dahil sa dami ng katanungan. Hindi ko alam na noong kabataan ko ay dinala nya ako dito. Hindi naman nakwento sa akin ni Mama at wala din akong masyadong maalala.

"Oo, Insie. Halika dito Riaone at ipakikila kita sa iyong mga tita at mga pinsan."

Lumapit naman ako kay Mama at naupo naman si Yaya Malou sa isang mahabang lamesa. Hinawakan ni Mama ang aking mga kamay upang ipakilala sa mga kamag-anak.

"Ito nga pala ang bunso kong babae. Si Riaone." Sambit ni Mama

"Magandang Araw po! Ako po si Demetria Khione pero okay lang pong Riaone ang itawag niyo sa akin" magalang kong bigkas sa harap ng mga kamag-anak.

Habang nagpapakilala ay iginala ko ang aking mga mata sa kaharap. May tatlong lalaking tingin ko ay kasingtanda ni Tiyo Piping. Nasa bandang malayo sila at may inaasikasong makina. Ang tatlong ginang naman na mas malapit ay nakangiti habang nakatingin sa akin.

"Napakagandang bata. Manang-mana nga kay Lola Deming pati ang pangalang Demetria." Banggit ng ginang na nasa pinakakaliwa.

Tinignan ko ang kaniyang mukha at napansin ang iilang pagkakahawig kay Mama. May iilang puti na sa kaniyang mga buhok at pansin na rin ang katandaan. Ngunit hindi mapagkakaila ang gandang kaniyang taglay. Maiksi lamang ang kaniyang buhok kapantay sa kaniyang balikat.

Cold Winter Heartbreak (Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon