Ang Paglamig

98 22 9
                                    

Ang Paglamig

Tanaw ko ang papalubog na araw na unti-unting kinakain ng malawak na karagatan. Nagsimula sa malakahel na langit hanggang tuluyang naging itim. Ang buwan ay bigla na lamang sumulpot sa kalangitan ng hindi ko namamalayan.

Ilang segundo akong nakatitig sa bilog na buwan habang inaalala ang lahat ng nangyari sa mga nakalipas na araw.





"Uuwi na muna ako kila Mamang at Papang. Hindi ko na maintindihan ang mga ginagawa mo Eban. Ayaw kong magduda pero kung magpapatuoy kang tulungan ang pamilya ng babaeng yun mas mabuti na umalis na lang kami ng mga anak mo!" tuloy-tuloy ang mga salitang binitiwan ni Mama.

Hindi ko man masyadong maintindihan ang kanilang pinag-uusapan ay may isang salita lamang na bubuo sa aking katanungan. Pagtatalo. Salitang tumutukoy sa dalawang taong walang kumonikasyon at nagsasabay sa alon ng galit.

Alam ng bata kong isip na sa likod ng masasayang ngiti ni Mama ay ang libo-libong pagdududa kay Papa. Madalas ko nang naririnig ang kanilang pagtatalo nitong mga nakaraang buwan. Lalo na at sa unang pagakakataon ay hindi nadaluhan ni Papa ang aking pagtatapos ng elementarya. Halos ilang araw na hindi pinansin ni Mama si Papa noon.

"Huwag naman ganito, Inta. Alam mo namang malapit na kaibigan ko sa Rafaello. Hindi ganoon kadali na pabayaan na lamang ang pamilyang naiwan niya." Pagsusumamo ni Papa.

"Sa tingin mo hindi ko naiintindihan iyon? Matagal kong inintindi, Eban. Kaibigan ko rin si Rafaello at huwag mo saking sasabihin na kulang pa ang mga naitulong natin. Kulang pa ba?" ngayon ay mas mahinahong bigkas ni Mama.

"Kailangan pa nila ako."

"Esteban!" pasigaw ni sabi ni Mama kasabay ng mga hagulgol.

"Bakit hindi mo na lang sa akin aminin. Sabihin mo na lang ang totoo. Upang mas maintindihan ko iyang kabutihang pinapakita mo sa pamilyang iyon."

"Kuya Evo, anong sinasabi ni mama na dapat aminin ni papa?" tanong ko sa nakatatanda kong kapatid na nasa aking tabi.

Tinitigan ko si Kuya na may madilim na ekspresyon sa mukha. Matalim na mga tingin na nakadirekta kay Papa.

Imbis na sagutin ay sinarado na lamang ni Kuya ang pinto at hinigit ako papunta sa aking kwarto. Iginiya niya akong umakyat sa pangalawang palapag. Pagkapasok sa aking kuwarto ay tsaka lamang ako binitiwan ni Kuya.

"Hindi mo na dapat narinig ang mga iyon." Mababang bigkas ni Kuya Evo

"Ganun ba? Hinayaan mo nga lang ako kanina makinig." Pabiro kong bigkas pabalik

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Kuya Evo kasabay ng biglang pag-upo sa aking kama. Tinuro ng kaniyang kanang kamay ang espasyo sa kaniyang tabi. Hudyat na sumunod ako.

Pagkaupo ay bigla na lamang akong niyakap ni Kuya. Dalawang taon lamang ang aming agwat. Minsan nga ay napagkakamalan pa kaming kambal dahil hindi nagkakalayo ang aming mga itsura.

"Riaone, kahit anong mangyari ay susunod na lamang tayo ah? Huwag mong susuwayin si Mama."

Kahit mas matanda si Kuya ay may mga pagkakataong alam kong mas matanda ako. Mas matanda sa pag-iisip ng mga bagay bagay. Mahina ang katawan ni Kuya kaya simula pagkabata ay mas maingat ang pag-alaga pagdating sa kaniya. Kaya mas nauna din siguro akong magkaisip at magmature. Grade 6 pa lamang ako pero parang magkabatch lang kami ni Kuya sa pag-iisip.

Kahit alam ko sa sarili ko na mas mature ako sa kaniya. May mga pagkakataon na hinahayaan kong gawin niya ang mga bagay na dapat ay nagagawa niya. Isa doon ang pagprotekta at pag-aalaga sa akin.


Cold Winter Heartbreak (Season Series #1)Where stories live. Discover now