Chapter 8 (part two)

108 2 0
                                    

Chapter 8 part two (napaka igsing update!)

Nico's PoV

Hindi ko alam kung papaanong nakarating sa manager ko ang suntukang naganap, pero kung sino man ang nagsabi sakanya nito, mabilis itong nakapagsumbong. Dahil right after Jamie asked about what's going on, 2 guys (which i now realized as my bodyguards) dragged me out of the place.

"Imbecile! Hindi mo ba alam na malaking gulo to pag lumabas sa media! At may concert ka buka makalawa hindi ba? Magpeperform ka ng may mga pasa?' sigaw ni Manager saakin.

Nandito ako ngayon sa studio, at dinadakdakan ng Manager ko. Ako? spacing out... Hindi ko parin malimutan ang mga nangyari.

Nagbalik si Alyssa. 

Nandito siya, hindi lang sa mga panaginip o bangungot, hindi sa imahinasyon... Nandito talaga siya, buhay, nagsasalita, gumagalaw. Ang pagyakap ko sakanya ang pruweba noon.

Patuloy lang si manager sa kakasermon saakin. Pinipilit ko na lamang na hindi siya pakinggan, dahil siguradong wala rin naman akong mapapala. Mali ang ginawa ko, point taken. Kung concern na concern siya sa mga pasa at galos ko , edi sana pinapunta niya muna sana ako sa clinic diba? pero ano nga ba ang magagawa ko, mas trip niya magbunganga kesa sa ipagamot ang alaga niya.

"Paano natin ngayon mailalaunch ang bago nating talent??" she asked me.

Napatingin ako sakanya noon. "bagong talent?" nagtatakang tanung ko. Wala akong naalalang may bagong talent kaming ilalaunch sa concert ko...

"Kakasabi ko palang hindi ba? hindi ka kasi nakikinig! I said we'll launch her on your concert, and that can make the two of you a potential team."

nagulat ako sa mga sinabi niya. Wala ito sa plano, two days away nalang ang concert, at ngayon ko lang nalaman ito?? "kelan mo inarrange ito?" tanong ko kay Manager.

"Kahapon lang. Kauuwi lang niya noong isang linggo. And she only contacted me yesterday, approving my proposal."

tila natuyuan ako ng dugo sa sinabi ni Manager. Last week lang umuwi ang talent, at ininform siya nito kahapon lang... Hindi ko alam kung bakit, pero isang tao lang ang pumasok sa isip ko nang marinig ito... "She?" I inquired.

"Yes, She. Babae ang bagong talent, kaya we can make the two of you a 'couple'. Kung gusto mo, I can arrange a meeting for the two of you later, para makilala mo siya....

.

.

.

.

.

Her name is Alyssa. Alyssa Dy."

At narealize ko na hindi fate ang naggag*go sakin... kundi si Alyssa mismo.

Alyssa's PoV

Ansabeh? Pumi POV ako o! Hahahaha. Oh well. :3

Masakit sa ulo yung may bigla biglang nagbabalik.

Nakakagulo.

Nakakaasar.

Nakakagimbal.

Kaya nga ako bumalik diba?

Para manggulo.

Para manakit.

Para maghiganti.

3 birds, 1 stone.

Finally....

*Beep Beep*

From: Manager

I've arranged a meeting for you and Nico. He'll pick you up at 8. Talk about your plans for the concert. Don't screw it up with him, we'll launch you as soon as possible. Goodluck.

-- end --

Napangiti nalang ako.. Naalala ko kung paano niya ako niyakap kanina. Halatang nagulantang siya sa muling pagpapakita ko. At alam ko, na madali ko siyang makukuha muli.

Afterall, he still loves me.

[A/N:  Okay! Chapter 8 Part two! sorry ang tagal ko bago mag UD. >.< Swear dadagdagan ko yan mamaya. Haha. May nagbabasa pa ba nito? LOL.

VOTE. LIKE. COMMENT. BE A FAN SUGGEST TO FRIENDS!]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Timeless MelodyWhere stories live. Discover now