Chapter 1

574 49 32
                                    

Chapter 1

NICO'S POV

Pagkapasok ko ng eskwelahan, ito ang tumambad sa akin...

"waaaaaaaaaaaaaaaah!"

"we love you!!!"

"Nico! Marry me!!!"

"Patugtog please!!!"

"Fafa Nico!!!! Uwaaaaaaaa!!"

Ano daw? Marry me? Naknang mga babaeng to oh. Alam ko naman na ang gwapo ko, pero tama ba namang magpropose? XD

Ako pala si Nico Peter Bustamante, ang pinakagwapong nilalang sa mundo. Bwahahahahaha. pero pwera biro! Nagkakandarapa ang mga babae sa akin, lahat sila, naghahabol. Well, except sa isa... Speaking of her, asan na kaya sya?

(='.'=)    

 (='.')  

 (='.'=)

  ('.'=)    

(='.'=)

(lingon lingon.... tapos... *drum roll*)

Ayun sya! Naks, ang ganda nya talaga. ^^ 

Yan si Jamie Gonzales, at sya lang naman ang babaeng gusto kong pakasalan. Promise, mapapa oo ko din yan! :P Sikat yan, gaya ko, at napakatalino. kaya nga lab ko yan e. HIHIHI!

Pinagmasdan ko lang sya habang nakatayo sa may gate. Nakaupo sya sa may grass at as usual, nagbabasa. If I know, pinag-aaralan nya lang kung paano nya ako mamahalin habambuhay. MWAHAHAHA!

Dahil sa kung anu anong iniisip ko, napangiti nalang ako. Di ko namalayan na nakatingin na pala siya sakin.

"HOY!"

Naglalakad sya papunta sakin, nakasalubong na naman ang kilay nya. Wag Jamie, honey, pumapangit ka!  TT__TT

"AT ANONG TINITINGIN TINGIN TINGIN MO JAN SAKIN HA?!!!"

Alam nyo ayos 'to si Jamie eh. Tahimik at mabait kaya mahal 'to ng lahat sa campus, siya pa ang paborito ng mga prof. Kasi naman, ang anghel nya eh. Pero, alam nyo, pagdating sakin, ewan ko ba. Lagi nalang highblood at nakasimangot.

"Wala, ang ganda mo e."  Pacute pa ako. :D

"HOY IKAW NICO PETER BUSTAMANTE, TIGIL TIGILAN MO AKO HA! MATAGAL KO NANG ALAM YAN KAYA SHUPIE! ALIS! NANINIRA KA NG ARAW E!" Ang sweet ng Jamie ko noh? Ayaw nya ko ginugulo sya pero lumapit sya sakin. ^^ haha.  Nakamax volume niya pa ako kinakausap. Pero kahit na dudugo eardrum ko dito, sweet padin ako dapat!

"Pero love, namiss kita e. Di na nga kita nakita ng Sabado at Linggo tapos ginaganito mo pa ako?" *pout* "Di mo man lang ba ako namiss?"

"MISS'IN MO MUKHA MO! SANA LAGI NALANG SABADO AT LINGGO PARA LAGING TAHIMIK BUHAY KO! MAKAALIS NA NGA!" Sabay lakad palayo nya.

"Uy Jam-Jam, wag mo naman ako iwan oh..." Pero wala na, dire diretso siya. TT__TT Jamie my love, di mo ba ako mahal?? Haayy.

Okay, sige na nga. Ang totoo nyan, isa akong musician. I play guitars (electric at acoustic), violin, harmonica at piano. Biniyayaan din ako ng Diyos ng isang napakagandang *ehem* boses. Maganda nanay ko, gwapo tatay ko, kaya syempre naman, SUKDULAN ANG PAGKAGWAPO KO. ^__^ Dahil na rin siguro dyan kaya hinahabol ako ng mga babae at binabae. Sabi nga kasi nila, masarap yung ang boyfriend mo, tinutugtugan ka. Ewan ko dun kay Jamie, ilang beses ko na yun hinarana pero lagi nya naman ako binabara. Dati, hinagis nya pa yung flower vase nila sa classroom sa akin. >___< Di nya kaya gusto boses ko? Panget ba ako? Ba't niya ba ako ginaganito?

Matagal ko na hinahabol yan si Jam, pero wala eh. Siguro nga isip bata ako at makulit, pero tama na ba yun para ipagtabuyan niya ako? Honestly, di ko alam kung bakit lagi sya galit sa akin. Basta noon palang, talagang ganyan na siya. Alam nyo ba na siya ang president ng Anti-Nico Club? AT, take note, sya lang ang member! HAHA! Tuwing may performance ako sa gym, bino boycot niya ako. At dahil nga ang ganda niya, sunod naman mga lalaki sa kanya. Yan tuloy, dinudumog ako ng babae. Hihihi. 

Pero kahit na, mahal ko yun si Jamie! At kahit gaano karaming beses niya pa ako ipagtabuyan, di ako susuko. I will serenade her forever.

******

Iboto, komento. ♥

A Timeless MelodyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang