DaHaN

45 0 0
                                    


3:10am, december

nowplaying. Dahan < version of jl >

--- dahan-dahan mong bitawan puso kong di makalaban..

DAHAN
-nagawang tula ni 'wantingyuu'

Dahan-dahan ako'y iyong hinagkan

umupo sa aking tabi't kamay ko'y hinawakan

Bumuntong hininga saka ako'y tinitigan

Maya-maya aking kamay ay iyong binitiwan.

Dahan-dahan binigkas mo ang salitang 'ayoko na'..

Dahan-dahan mahina mong sinabing 'maghiwalay na tayo'..

Dahan-dahan waring tumigil aking mundo

Naalala ko noong una tayo magkita,

'nung naglakad tayo sa ulanan na magkahawak ang kamay,

nun tumugtog ka ng gitara at ako'y iyong kinantahan.

Dahan-dahan nagsalita ka nanaman sabi mo 'sorry'

Dahan-dahan naramdaman ko ang pagdaloy ng aking luha

Dahan-dahan pilit akong ngumiti at sinabi ko sayong 'salamat sa pagdahan-dahan pero tangna ansakit parin!'

-S! <3

timecheck 4:13 12.17.14

Tula nun Bata &quot;,)Where stories live. Discover now