wala na lang ito pamagat
ako lang ang iyong bata-batuta. Para sa'yo po ito..
Nanggaling sa ibang bayan
Sa ibang teritoryo nakipag sapalaran
Nangarap ng magandang kapalaran
Upang mapaayos ang kabuhayan.
Nakaramdam ng kaunting kalayaan
Nasilip ang mundo ng kamalayan
Nasumpungan sa mga bubuwit ang kasiyahan
Pero sa aking buhay laging mayroong napapabayaan.
Mga kaadikan ginawang kalakasan
Binalewala ang kahinaan
Natanggap ang katapat ng pagsusumikap na kabayaran
Ngunit bago pa lamang pasikat ang araw, natanaw agad ang kadiliman.
Bumalik sa sinisintang bayan,
Dala-dala'y kalungkutan
Oh bakit ganito ang kailangan kahinatnan
Kay bilis talaga ng oras magdaan.
Madaming tanong ang natangan
Sandamukal na eksena ang hindi na mangyayari kailanpaman
Lagi mo po kami bantayan, di ka mawawala sa aming puso't isipan
Kasama mo na Siya diyan sa gintong Bayan.
-S!♥
@sept2012